TF II: Free will

2.2K 202 48
                                    


TORMENTED FATE

FREE WILL

"Crescent, mag-iingat ka, " panay ang pagpatak ng luha ni Lyra ngunit nginitian niya ang asawa. Kailangan niyang magpakatatag, kailangan nilang magsakripisyo, kailangan sila ng mga anak nila.

"Walang mamamatay sa kanila, mabubuhay lahat ang anak natin ng may sariling pangalan, buhay at malayang desisyon," ani Crescent na hinalikan ang noo ni Lyra.

"Maghihintay kami sa 'yo," niyakap niya ng mahigpit si Crescent alam niya at nararamdaman niya na nasa panganib 'to at maging ang mga anak niya. Ang inaasahan nito sa kanya ay ang maging matatag siya kaya 'di niya 'to pahihirapang umalis kung saan man ito patungo.

"Mahal na mahal kita Lyra, hindi matutumbasan ng kahit na anong yaman ang pag-ibig ko sa 'yo Lyra. " ani Dark dito. Alam niya na maaaring mawala na lahat ng pagkamuhi sa puso niya at maaaring tuluyan na silang maging isa ng katauhan niya at dahil 'yon kay Lyra. Marahil katulad ng mga anak niya ang sitwasyon nila, ang kaibahan lang alam nilang iisa sila at walang kaso ang pag-iisa nila lalo pa't iisa lang si Lyra na minamahal ni Lyra. Ngunit sa kaso ng mga anak niya, may iba't iba na 'tong buhay at ang pakikipag-isa ang kamatayan ng dalawa sa mga ito na hindi niya gustong mangyari.

"Crescent, magpapakatatag ako, pangako," lumakas ang pag-iyak ni Lyra bakit napakahirap tanggapin na hindi 'to masasaktan doon. Pakiramdam niya may chansa na 'di 'to magbalik at ikinasasakit ng damdamin niya 'yon pero wala siyang pagpipilian. " Mahal na mahal kita, walang sinoman ang makahihigit sa pagmamahal mo. Napakasuwerte namin na sa 'yo kami. Balikan mo kami, bumalik ka dahil magagawa natin 'to, makakaya natin 'to," aniya na nakapagpabagsak ng luha ni Crescent. Hinalikan niya si Lyra sa labi ng marahan at buong ingat.

Nang binitiwan niya si Lyra ay may liwanag na sa paanan nito. Umiiyak 'to at inaabot siya kaya nginitian niya lang 'to. Sa Abyss muli itong makakabalik dala ang pangako na malalaman ng mga anak niya ang susi ng mga sandata.

"Mahal na mahal kita! 'Wag kang susuko Crescent!" ang huling sigaw ni Lyra bago 'to tuluyang maglaho kasama ng liwanag na si Crescent mismo ang gumawa at alam niya na sa isang iglap nasa loob na 'to ng tore.

Sa pagkawala ng liwanag umusal ng patawad si Cleofas at tumalikod dala ang kirot ng dibdib. Hindi nabakasan ng pagkabigla i Crescent ng makita niya ang matataas na Heneral ng Underground World na nakapalibot sa kanya.

" Nagbababa na ng utos na hulihin ka at paslangin sa darating na ika-labingtatlong araw oras sa mundo ng Underground, " wika ng isa.

"Patawad Lyra," bulong niya bago sumama sa mga ito. Naiwanan si Cleofas na tuluyan ng napaiyak. Gabi nang dumating ang mga heneral para kunin si Crescent dahil iyon ang utos. Hiniling ni Crescent na bago sumikat ang araw ng pagkuha dito at 'wag sa oras na natutulog si Lyra at maiiwanan 'tong nag-iisa. Ipinadala nito sa underground World si Lyra na walang nalalaman –dahil sa maayos na pakikipag-usap ng mga Heneral na ang karamihan ay humahanga kay Crescent dahil sa tatag nito simula noon ay naging maayos ring kausap si Crescent. Sumama ito ng hindi na nakikipaglaban –marahil alam nito na wala na rin naman patutunguhan. Maaari pang ikapahamak ng pamilya niya ang pagtutol niya.

**

Galit ang nadarama ni Shin habang minamasdan ang sandatang may pangalan ni Seventh. Wala iyong silbi sa kanya dahil hindi niya magamit dahil espesyal iyon para kay Seventh.

Magulong-magulo na ang looban ng Abyss. Marami ng pinsalang nagaganap, dugong nagkalat at mga lagusang nagbukas dulot ng pagkasira. Ang butas na nalilikha ay ang daan sa underground World kung saan ang mga ipinatapos at pinahihirapang kaluluwa ay naroon at ngayon ay malayang nakakapasok sa Abyss at kinakalaban nila.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now