TF 19: ELFHORA

2.4K 216 66
                                    


TF 19: ELFHORA


Alam ko na ang Demon Lord ang greatest Enemy ng Wolveus Family. Sino nga ba ang makakaharap niya? Is it Crescent? Seventh? Crescentine or Shin? O baka naman may hidden agenda si Demon Lord, we'll find out soon! :) 


Sa bawat araw, oras, minuto at segundo ay mahalaga. Habang patuloy sa pakikipaglaban, pakikipag-isa si Shin sa ibang mga kalahok ay siya namang naglalapit sa kanilang tatlo sa isa't isa. Habang kumakaunti sila, natitira ang mga pinakamalalakas palapit sila ng palapit sa pintuan ng katotohanan. Ang pintuan na kinasasabikan nila ang ika-sampu.

Ngayon na nasa ika-anim na pintuan na sila at ang natitira na lamang ay limampung kalahok unti-unti na ring sumisikip ang daanan patungo sa kasukdulan ng laro. Pero wala silang kahit anong iniisip kung di ang makaligtas, makita si Crescent kung maari at iba't iba man ang dahilan nila sa iisang salita lang sila magsisimula. "Bakit?"

Sa pagbukas ng ika-anim na pintuan alam nila na ang pagtitiwala ay hindi makakabuti sa larong gipitan lalo na kung ang taya ay sarili mong buhay. Naipikit nila ang mga mata ng salubungin sila ng liwanag pero nagpatuloy sila paglalakad hanggang sumara ang tarangkahan.

Kanya-kanya silang pulasan sa iba't ibang direksyon para iwasan ang mga sibat na nagliliparan. Ang ilan ay tinamaan dahil hindi agad nakapag-adjust ang mga mata sa pagsilaw ng liwanag.

May gumamit ng shield para protektahan ang mga kasama, ang ilan naman ay gumamit ng sandata para wasakin ang mga sibat na napakabilis at napakarami ng mga bilang na sumasalubong sa kanila.

Habang si Shin ay pinoprotektahan ni Jasmine gamit ang sariling kakayahan na Shield ay pinoprotektahan naman ni Crestia si Crescentine gamit ang pakpak niya na tila naging kulay tanso upang hindi sila masaktan.

"Isa lamang iyang warm welcome na nakarating kayo sa stage ko, " Isang babae ang lumitaw na may kaliskis ng isang ahas na kulay berde habang nakasuot ito ng baluti at ang buhok nito ay nakataas. Malalaki ang muscle nito sa katawan at kulay berde maging ang nagtatalasang kuko nito.

Nagbagsakan at naglaho ang mga sandata ng marating nito ang lupa kaya agad nilang tinignan ang paligid at pare-pareho silang napasinghap, may ibang walang reaksyon ng makita nila na ang tanging tinatapakan ng bawat isa sa kanila na lamang ang natitirang lupa ng lugar ang buong paligid ay kulay berdeng kumunoy na tila nakalulusaw. Ang buong lugar ay parang isang kagubatan, mga naglalakihang matatandang puno na may mga baging na at ang babaeng bumati sa kanila ay nakatungtong sa isang malaking ala-berdeng batong buhay. Nagsimula nilang maamoy ang tila gasolina na hindi nila matatagalan ng isang oras.

" Ako si Elfhora ang isa sa pinaka-mataas na Demon ng Ice hell. Lahat kayo ay bibigyan ko ng pagkakataon na sugurin ako ng sabay-sabay, ngunit pakaiwasan ninyo ang mga kumunoy dahil paniguradong malulusaw ang mga katawan ninyo, " wika ng babae na ngumisi pa. " Ngunit kakalabanin ko lang kayo pag naging tatlumpu na lamang kayo, kaya ngayon pa lang patayin na ninyo ang isa't isa, huwag kayong mag-alala walang hinihinging bilang ang susunod na pintuan. At bago ko makalimutan, ang katawan ninyo halimaw man o kung anong uri ng hayop kayo ay hindi tatagal ng isang oras sa lugar na ito, lahat kayo mamamatay unti-unti kaya kung ako sa inyo patayin na ninyo ang mga walang silbi, " ani Elfhora na tumawa ng malakas na may pangmamaliit sa kanila bago naglaho sa tuntungang bato.

"Shin, iyong tubig na berde parang lumalapit sa mga paa ko, " naiiyak na sabi ni Jasmine. Nagsisimula siyang matakot dahil ayaw niyang malusaw basta-basta.

RBW Series 2: Tormented FateOnde histórias criam vida. Descubra agora