TF 38: CLEOFAS

2K 188 36
                                    


BASAHIN: Si CLEOFAS ay lalabas sa edited version ng BOOK 1 ng RBW.  :)  Kapag nabalik na lahat ng chapters pag may time kayo basahin n'yo uli para ms makilala natin siya.


DEDICATED sa mga active facebook friends/ readers ng TF  ,  Judy Ann B, Gianna, Vergil,Jessa, Dawn,Lynjhen, Maria Cristina, Caithlin <3,  Camille, Imelda, Melche anitsirc, Numer, Marylyn, Jlander, Zeny, Nelrose, Florenda, Jmar at MARIVEL. <3 :) Marami pa hahaha next naman I love you all! 



TORMENTED FATE

CHAPTER 38

" CLEOFAS "




ASTRAL ISLAND ( RED ISLAND )

" Lady Cleofas, gumising na rin kayo," bulalas ni Blade ang magiting at matapat na butler ni Cleofas sa kamumulat lang na dalagang may asul na kulay ng mga mata. Itim na itim ang buhok nito at sa kabila nang sampung taong pagkakahimbing nito'y naroon pa rin ang kagandahan nito. Nakahiga ito sa malambot na kama sa loob ng malaking mansion na pag-aari ng dalagang nahimbing dahil sa pagkabigong makuha ang pag-ibig ni Crescent.

"Tumatangis ang iniibig ko," malumanay na wika nito bago hinaplos ang dibdib kung saan naroon ang isang blood contract na nagpupula at may malamlam na liwanag. Agad namang napipi si Blade sa tinuran ng dalagang pinaglilingkuran. Ayon kay Cleofas noon, maglalakbay ang kaluluwa nito sa kailaliman at doon isasapalaran ang mga oras nito para makalimutan si Crescent at pag mulat nito'y tapos na ang pag ibig nito sa lobo –ngunit ang kinapanabikan niyang pag gising nito'y hindi pala magiging maganda ang kalalabasan para sa kanya na nagmamahal dito ng lihim.

Si Cleofas ang isa sa unang babaeng naging parte ng buhay ni Crescent, ang pagbabalik nito'y hindi naging maganda dahil si Crescent ay mas pinili ang inalagaan at pinalaki nito na isang magandang dalaga na si "Lyra" ang pag ibig nito kay Lyra ay hindi matatawaran na tila ba walang sino mang napakagandang nilalang ang makapagpapa-akit rito nang ganoon.

Si Cleofas ang katumbas ni Crescent. Madilim ang mundo, puno nang pait at kapighatian na nagpapalakas rito, nabuhay sa kadiliman at kasakiman nang mundo. May malakas na kapangyarihan dahil isa 'to sa nilikha ng Diyos na si Catalyst –ang mapaglarong diyos ng underground world. Isang laruan para kay Catalyst si Cleofas bagaman ito ang biniyayaan nito nang malakas na kapangyarihan at binuhay na rin sa mortal na mundo at inilapit kay Crescent. Nagising siya sa boses ni Catalyst at sa pagmulat niya ng mga mata naramdaman niya ang tila inuuka ang dibdib niya sa sakit dulot ng blood contract na sa tuwing tumatangis si Crescent ay nadarama niya.

Ginising ni Catalyst si Cleofas dahil may maitutulong ito kay Crescent, katulad nang pangako niya kay Chrysanta na hindi nito pababayaan ang ama nito sa pag pasok nito sa pintuan ng panahon.

Noon, inaasahan ni Catalyst na kapag naging mag asawa ang dalawa ito ang bubuo nang pinakamalalakas na anak at pamilya maging teritoryo. Pero mas pinili ni Crescent ang isang mahina at kalabang lahi nitong si Lyra. Natuwa rin si Calatalyst sa kinahantungan dahil higit sa inaasahan niya ang kakayanan ni Crescent –nagawa nitong bumuo nang ibang mundo para sa babaeng minamahal nito kaya itinapon niya sa koleksiyon niya si Cleofas na ngayon ay isa na naman sa mga gagamitin niya para tuparin ang pangakong hindi mapapaslang si Crescent sa digmaan hangga't hindi sila nakakalabas sa pintuan ng panahon ni Chrysanta.

" Nasa floating fortress ang lagusan, " ani Cleofas na ngumiti nang makahulugan bago nito iniabot ang kamay kay Blade. " Ito ang hinihintay ko, ang kasaysayang bubuuin namin ni Crescent, sinabi ko naman sa kanya na babawiin ko ang akin at sa panahon na 'yon na bigyan niya 'ko nang pagkakataon hinding-hindi na siya makakabalik kay Crescent ng buhay. Ang malakas ay para sa malakas, ang mahihina ay para sa kamatayan ganoon ka simple," ani Cleofas matapos nitong masdan ang sarili sa salamin kung saan naimahe niya ang lalaking nagpabaliw sa kanya nang husto higit sa pagkabaliw niya kay Zandro na isang underground God.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now