TF 24: Sacrificial daughter

2.5K 187 36
                                    


TORMENTED FATE 24

SACRIFICIAL DAUGHTER 


" Bumubukas na ang lagusan, " ani Light habang minamasdan ang paunti-unting ilaw na nagmumula sa tila nahahating bughaw na kalangitan sa mismong ibabaw ng floating fortress. Naroon sila sa labas sampu ng kasamahan ni Crescent noon. Ang mga nananatiling matuwid na tagasunod ni Crescent at handang makpaglaban sa Abyss para lamang iligtas sa kapahamakan si Shin.

" Kapag nagbukas ang Abyss, maari nang pumasok ang mga nagnanais. Ngunit ang makalabas ang hindi natin masisiguro. Ngunit kailangan nating gawin ang lahat para matunton si Crescent dahil ang Abyss ang lalamon sa mundong tinatapakan natin ngayon," dugtong ni Light.

" Naniniwala ako sa kakayahan ng mga Pureblood, ang gusto ko lang malaman ay kung bakit handang-handa sila sa pag gunaw ng daigdig. Para bang alam na agad nila ang mangyayari simula nang mamatay si Crescent, " wika ni Aya na kasama rin sa mga naroon. Plano nilang mag usap-usap.

**

Tyrant Superiors ( 7 Gods of the Underworld. Wala silang mortal na katawan katulad ng Demon Master. Mas mataas silang higit sa Demon Master na si Lilac sa mortal na mundo at Kairus ang totoong ngalan. Siya ang pinili nang limang Tyrant Superiors na noon ay nasa panig ni Crescent. Sa ngayon dalawa na lamang ang natitira . )

"Bakit nanatili ka sa panig ni Crescent! Lima na kami dadalawa na lamang kayong nagbibigay sa kanya ng basbas ng kailaliman. " Wika nang isa sa Tyrant Superior. Agamenon Veluz.

"Bakit mo ba 'ko pinakikialamanan? Sa gusto ko pa rin si Crescent? " Natatawang wika ng isang lalaking nagpupusod nang buhok sa harapan ng salamin. Kulay ginto ang buhok niya samantalang ang kasuotan niya ay puting-puti. Nakaupo siya sa trono niya habang hawak ng isang Furias na babae ang salamin na pinagsasalaminan niya. Nasa tabi nito halos si Agamenon na malaki ang suporta kay Kairus o ang Demon Master.

" Matatalo siya, at alam natin ang diperensiya ng kapangyarihan ni Kairus sa kanya! "

" Kayo na nga ang panalo, naipataw n'yo kay Crescent ang kamatayan. Naging Thanatos ang supling niya, bakit kailangan pati ang pagkagiliw ko sa kanya ay alisin ninyo?" Sumeryoso ang anyo nito. " Bakit hindi si Zandro ang kumbinsihin mo? " umarko ang kilay ni Catalyst.

Napipi si Agamenon. Si Zandro ang isa pa sa nanatiling nakasuporta kay Crescent. Hindi ito masalita at nakakapangilabot ang tingin nito at talaga naman wala itong kasundo sa kanilang lahat.

" Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Zandro. Ngunit, subalit, datapwat naniniwala ako na si Crescent ay higit na malakas kay Kairus, " ani Catalyst na itinuloy na ang pagtitirintas sa buhok. Sa likod nang isipan niya ay naalala niya ang mukha ni Crescent noong isilang ito. Isang sumpa ang pagkakaroon nito nang pulang mata.

" Namumuhi ako sa kanya noon pa, hindi dapat kinagigiliwan ang tulad niya, iba siya sa 'tin kaya nararapat lamang na talikuran natin siya! Hindi natin siya dapat tinatanggap bilang isa sa parte nang salinlahi natin!" hirit pa ni Agamenon.

" Tumigil ka na, " Isang seryosong tingin ang ibinigay ni Catalyst dito. " Kung ano ang desisyon ko hindi mo 'ko nararapat pangunahan at diktahan. Hindi ako makikialam sa laban na nagaganap, mananatili lamang ako sa puwesto ko maging si Zandro ay ganoon rin. Ngunit oras na makialam kayo sa laban ni Crescent at Kairus, makikialam rin kami. " pinal na sabi ni Catalyst bago tumayo. Agad naman sumunod ang tatlo pang Furias na bahagyang nakalutang sa lupa. Ang mga Furias ay mga kababaihang may matapang na itsura at kulutang buhok, matatalas rin ang mga ngipin at kuko.

RBW Series 2: Tormented FateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora