TF 36: Letting Go

1.9K 217 98
                                    


TF 36: LETTING GO




__ LYRA __

" Lyra ano bang pinagsasabi mo! Hindi ka maaaring umalis dito sa tore dahil mapanganib!" halos manggalaiti si Tomo sa 'kin habang tinutulungan ako ni Yen na magbalot ng mga gamit ko.

"Ayoko nang makasama si Crescent," walang damdaming wika ko. Kung ganito niya 'ko ituturing na parang batang walang alam palagi, hindi ko na matatanggap. This is not just about the two of us –nandito na ang mga anak namin. At sa lahat nang kasakiman niya ang hindi ko matatanggap ay 'yung kasama pa ang mga anak namin sa ganitong laro.

" Lyra! 'Wag kang magpadalos-dalos!" si Tomo na tumuntong sa kamang kinauupuan ko pero 'di ko siya pinansin.

" 'Wag mo na 'kong pigilan! Ayoko na kay Crescent, hindi ko na siya gustong makasama! Sakim siya, walang puso at higit sa lahat hindi siya isang ama!" hindi ko napigilang isigaw 'yon at nakita kong nabigla rin siya na parang 'di makapaniwalang sinabi ko 'yon.

" Nasabi mo talaga 'yan?" pagak siyang tumawa, there's a line of disappointment in his eyes. " Sa lahat ng nagawa niya para sa 'yo? Lyra, 'wag mo sanang pagsisihan na tinalikuran mo ang Panginoon ko, " aniya na bumaba na sa kama at patakbong umalis.

" Lady Lyra halika na, baka maabutan pa niya tayo," ani Yen na nakapagpapigil nang mga luha kong nagbabadyang magbagsakan. Tama ako, bakit kailangan kong masaktan sa sinabi niya? Ano bang aasahan ko kay Tomo? Wala naman sa 'kin ang loyalty niya.

Lumabas kami ng kuwarto na hindi ko na muling binalikan ng tingin. Nakita ko si Leo na naroon sa labas ng pintuan at sa anyong tao nakatingin siya sa 'kin pero agad nagtungo.

" Mag-iingat ka, " halos bulong lang niya 'yon.

" Sumama ka na sa 'kin, " sabi ko sa kanya pero tinignan niya 'ko at ngumiti ng mapait. Umiling siya.

" Kahit maging ano pa ang Panginoon namin, mananatili kami sa kanya, naniniwala kami na ang tagumpay niya'y tagumpay namin. Alam ko na kahit umalis ka rito, hindi ka niya pababayaan kaya naman hindi mo na 'ko kakailanganin pang isama. Patawad, pero mananatili ako sa kanya, " aniya na hinawakan ako sa balikat at tinapik bago ako iniwan.

" Salamat, " sagot ko, pinigil kong lumuha dahil baka hindi ko kayanin at panghinaan ako ng loob. Kailangan kong makita ang mga anak ko, kailangan kong lumabas sa tore at kailangan kong kalimutan na si Crescent ang lalaking minamahal ko.

Naglakad kami sa pasilyo at lahat nang kabilang sa scorpion na nakikita ako ay nag-iiwas ng tingin sa 'kin. Taas noo akong lumakad, maaaring pagsisihan ko 'to, dahil alam ko naman sa sarili ko na siya lang ang lalaking itinangi ko. Pero alam ko na bilang isang Ina, kailangan kong isakripisyo ang sarili kong kaligayahan kay Crescent para sa mga anak ko.

" Lyra, "

Idiniretso ko ang tingin ko, nakita ko si Vishnu na naroon malapit sa malaking tarangkahan ng tore. Seryoso siya at walang ngiti, alam ko na lahat sila alam ang naganap na tagpo sa 'min ni Crescent. Kinausap ako ni Crescent at hindi ko siya pinakinggan, sinabihan ko siyang sinungaling at walang puso sa harapan ng mga Scorpions sa sobrang galit ko. Pero sa loob ng buong araw na sinubukan niya 'kong panatilihin sa tabi niya, naging matigas ako, kahit natatakot ako sa maaari niyang gawin sa 'kin. Pero hindi niya 'ko hinawakan sa pagtatalo namin, kaya hindi niya 'ko nasaktan, sinubukan niya 'kong hawakan pero hindi niya itinuloy at sa pader siya na kinadidikitan ko humawak na ikinawasak niyon at alam ko na galit siya.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now