TF: BLACK DRAGON!

2K 188 37
                                    

Sobrang thankful ako sa suporta n'yo last chapter grabe! I'm so happy! :) FINALE is Near thank you so much, before it ended I hope you'll a copy of this on February 2016. But you can pay as early as you want like the others. Thank you and Godbless!


TORMENTED FATE: BLACK DRAGON

"Papa!" sabay-sabay na gulilat na wika ng tatlo ang lalaking may buhat-buhat na babaeng nakahawak sa leeg nito. Si Lyra at Crescent na tinatangay pa ng hangin ang mahabang pilak na buhok.

" Makipaglaban kayo hanggang kamatayan, ang lahi natin ay 'di kailanman natakot sa kamatayan. Ikinagagalak ko na kayo ang mga anak ko, " ngiti ang isinukli ni Crescent sa tatlong mga anak na titig na titig sa kanya. " Hindi ko malalabanan ang sumpa sa inyo, dahil iyon ay itinakda para lutasin lamang ninyo. Hihintayin ko sa Kastilyo ang pagbabalik n'yo, " ani Crescent nanulay ang lungkot sa mga mata nito.

Ibinaba ni Crescent si Lyra at sabay-sabay na niyakap ang mga anak na tinakbo niya. " Hihintayin namin kayo, hindi kami lilisan ng wala kayo. Mga anak, 'wag n'yong hahayaang maging isa kayo. Pakiusap, bumalik kayo sa 'min, " pumapatak ang mga luha ni Lyra pero tama na hindi nila maililigtas ang mga ito.

"Ina," bakit wari ni Crescentine ito ang ina niya. Pero paano at sino si Rozen?

Tiningala ni Crescent ang mamula-mulang kalangitan. Napakaraming anghel na nagmamasid sa kanya.

" Hindi ako magiging ika-walong Diyos, papaslangin ko ang mga nagpataw ng sumpa sa pamilya ko at papalitan ko ang p'westo n'yo. Mahihinang Diyos, ikahiya n'yo ang ngalan n'yo," galit ang nanunulay sa mga mata ni Crescent at tila may malakas na pwersang bumalot dito. Nag-pula ang mga mata nito na wari'y nagliliwanag dahilan para umatungal ang itim na Dragon sa loob ng ika-walong pintuan ng mga Diyos wari ba'y natagpuan na nito ang kikilalaning Diyos sa mundo nito.

Handa ang tatlo na makipaglaban, walang sinuman ang magbibigay takda sa buhay nila. Sila ay mula sa lahi't lipi ni Crescent Wolveus. Sila man ang masama't kalaban ng lahat, makikipaglaban sila ng buong lakas at 'di kailanman bibiguin ang ama't ina nila.

" Lyra, hintayin mo kami, 'wag na 'wag kang hihinto kailangan mong marating ang dulo. "ngiti ni Crescent kay Lyra nang mapagdesisyunan niyang paunahin ito.

Tumango si Lyra, " Hindi ako mabibigo, nasisiguro kong babalik kayong lahat sa 'kin, " ani Lyra na nagsimula ng lumakad at sa bawat tinatapakan nito'ynagkakaroon ng asul na mga rosas at liwanag. Hindi ito lumilingon, nakita ni Crescent si Blood sa dulo ng lalakaran ni Lyra. Maging ang mga nagpapaulan ng palaso'y hindi umaabot kay Lyra't naglalaho na lamang.

Iyon ang dahilan kung bakit inilunsad na nila ni Light ang pagbuhay kay Blood. Handa na ang kapangyarihan ni Lyra na hinintay niya ng matagal na panahon. Ang kapangyarihan nito ang nagpaisa sa kanila ni Light, marahil ay parte na lamang niya si Light na ninais naman nito sakaling isa na lamang ang tanging paraan. Ngayon na buo na siya bilang si Crescent, kakayanin na niyang makipaglaban kahit pa sa sinumang Diyos.

Inilahad ni Blood ang kamay kay Lyra na tinanggap naman nito. Isang maliwanag na pintuan ang pinasukan nila na magpapabilis sa kanila patungo sa walang galos na kastilyong ginto.

Ang bukana agad ng kastilyo ang nasipat ni Lyra ng makapasok sa pintuan kasama si Blood na naiwan sa dulo ng tapakang carpet. Lumakad si Lyra at kung gaano karaming sira 'yon kanina'y tila naisaayos kaagad. Wala na ang mga bakas ng dugo at namamangha si Lyra sa natagpuan. Pero sinabi ni Crescent na anuman ang mangyari 'wag siyang hihinto at lilingon hangga't hindi niya nararating ang trono na natatanaw niya sa kalayuan.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now