TF 3: Red and Black

2.9K 237 42
                                    


TORMENTED FATE

CHAPTER 3


" MONIQUE," marahang hinaplos ni Light ang mukha ng walang buhay na dalaga na nakahiga sa mga talulot ng bulaklak na magpasahanggang ngayon ay mabango pa rin. Iyon ay isang underground sa ilalim ng lupain ni Xerxes, kung saan siya dati nakalagak noong panahon na hindi pa siya nabubuhay.

Kapansin-pansin na tila lamang ito natutulog habang nakasuot ng magandang bestidang kulay dilaw na hanggang tuhod at may hawak na itim na kuwintas na yari sa makinang na bato.

"Kailan pa siya namatay?" boses ng isang babae ang pababa sa hagdanan ang umabala kay Light.

"Eight years? " sagot ni Light na tumayo na at hinarap ang babae " It's been eight years ng bigla na lang siyang mawalan ng malay, sinikreto niyang may karamdaman siya," dugtong ni Light.

"Mahirap talagang maging tao," wika pa ng babae na nakahalukikip at natatago ang mukha sa dilim dahil hindi pa ito tuluyang bumababa at nakahinto lang sa huling apat na baitang.

"Hindi ko alam kung bakit nananatili siyang sariwa, wala akong ginawa sa kanya dahil alam ko naman na isa siyang tao. Ayoko siyang pahirapan," ani Light na binalikan ng tingin ang dalagang nahihimbing.

"Pumayag kang magkaroon ng Harem dahil namatay siya. Hinihintay nila na magkaroon ka ng dalawang lalaking anak, bakit hindi mo pa sila bigyan para naman mas maasikaso mo ang mas mahalagang bagay? Wala na siyang buhay, walong taon na, siguro panahon na para pakawalan mo siya. P'wede mo rin siyang idaan sa cremation para naman hindi mo isipin na buhay pa siya sa ganyang lagay," wika pa ng babaeng hindi nagpapakilala. Hindi na kumibo si Light. " Ingatan mo ang sarili mo, iwasan mong mahalin si Lyra hangga't kaya mo," tumawa ito ng mahina, " naniniwala ako na ang kambal, madalas pareho ng gusto sa babae," anito na umakyat ng muli pataas.



NEO'S CRIB

"Kikilalanin mo ngayon ang lahat ng miyembro ng samahan," ani Zuki kay Neo na abala sa pagpapaikot ng upuan niya.

"Katulad ng sinabi ko, iharap n'yo lang sa'kin ang karapat-dapat, " wika ni Neo na inikot ang upuan paharap kay Zuki. Ito ang partner in crime niya ika nga sanggang dikit. Babae ito na amazona kung kumilos. She can play innocent. Pero kayang-kaya nitong pumatay ng isang daan sa loob lamang ng ilang minuto. Nakilala niya si Zuki noong mapinsala siya ng lubos kay Crescent. Kung hindi dahil dito baka patay na siya. Hindi niya iniisip na mas superior siya dito. Pero mismong si Zuki ang may gusto na maging kanang-kamay niya lang dahil wala itong balak maging isang pinuno, gusto lang nitong pumatay ng pumatay ng mga walang silbi. Nakaupo ito sa mismong glass table niya.

"Tingin ko may magiging paborito ka," wika ng isang lalaking papasok pa lang. Sabay napatingin ang dalawa kay Lander na may kulay asul na mga mata at bughaw na buhok.

"Sino naman?" nakakalumbabang tanong ni Neo.

"Ako ba wala? " ani Zuki na wala pang ideya sa mukha ng mga bagong miyembro nila. Inilabas niya ang matatalas at mahahabang kuko at ngumisi. Papatayin niya ang mga ito gamit ang limampung porsiyento ng lakas niya. Kapag may nakaligtas, opisyal na miyembro na nila ito.

"Kasama sa mga baguhan ang anak ni Crescent," ani Lander. Ang bagot na mukha ni Neo ay napalitan ng pagkabigla at kasunod ang ngiti. " Shin Crescent Wolveus," dagdag pa ni Lander na ngumisi din.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now