TF 6: Who am I?

2.3K 216 46
                                    

CHAPTER 6

" WHO AM I?"


" Sino ang may gawa sa 'yo niyan!" Histerikal na tanong ni Frances nang makitang sugatan si Shin.

Naglabasan rin sa base sila April at Lian para alamin kung ano ang ipinuputak ni Frances.

"Waaaahhh! Sinong nanakit sa 'yo!" Segundang reaksyon ni Lian na nilapitan si Shin.

"Hoy babae! Sino ka ha?" Duro ni Frances sa isang nerdy na babae.

"Papasukin n'yo nga muna kami tita's," natatawang sabat ni Shin dahil mukhang aabutin sila nang pasiyam sa dami ng tanong ng mga ito.

"Hello! Vishnu, pumunta ka't madali! May nanakit kay Shin, juskoo!" sabi ni Frances sa kabilang linya.

"Tita Frances," angil ni Shin, maliit na bagay lang naman ang natamo niya. Gasgas, mabababaw na sugat ano pa kapag malalim? Kung dito rin nakatira ang mama niya panigurado na isa na rin 'to sa O.A

"Tingin ko ito talaga ang may kasalanan e," duro ni Lian nang sandok sa nakaupong si Channel na agad humawak sa braso ni Shin na inamoy pa nito.

Ang bango naman niya! Ang guwapo pa!

Kung babalikan nila ang nangyari sa huling palapag. Walang duda na malalakas nga ang mga naroon. Wala namang lumalaban sa kanya at mukhang madali lang siyang ligpitin at iyon ang taktika niya para ito ang mga mag-away away at ihuli siya. Atleast, matitira na lamang ang kakalabanin niya. Sa kabutihang palad hindi na niya kinailangan lumaban dahil lima ang kailangang matira at isa siya sa natirang limang buhay kabilang si Shin.

Magaling makipaglaban si Shin. Pinilit niyang sumama dito lalo pa't wala naman siyang uuwian na. Lumayas na siya sa sariling isla para maglakbay.

"Sabihin mo na kung sino ang nanakit sa 'yo!" Sabi ni Angela na inilabas ang espada nito.

Natawa na lang si Shin, " Power rangers, nagugutom na 'ko. Iniwan ako ni Jasmine, hay! Ginugutom niya ko tita's .. "

"Ohhhh! Ang cute mo pa rin talaga baby Shin," wika ni Frances na ikinanguso ni Shin. Baby pa ba talaga siya? Tila nga madapa lang siya mukha ng papatay ang mga ito." Kakain ka na, maghahanda na kami. Pero hindi kasama sa budget 'yang mukhang tutubi," taas ni Frances ng kilay kay Channel na napangiwi.

"Tutubi?" ulit ni Shin. "Kamusta na kaya si Pumpkin?" wala sa wisyo na tanong ni Shin kaya napatitig sa kanya ang charlie's angels niyang mga tita na tila sinusuri siya. "What's with that look?" he asked curiously.

" Naiisip n'yo ba ang naiisip ko?" ani Angela na ikinatango pa ng dalawa.

"Wala namang sapak sa utak 'tong mga tita mo?" bulong ni Channel kay Shin na natawa ng malakas. Mukha ngang may mga sapak na sa utan ang mga tita niya.

"Tita's, baka kailangan n'yo na talaga ng mga boyfriend," komento ni Shin sa tatlo na ibinalik ang tingin sa kanya.

"Mama," Napatayo si Shin nang makita si Lyra na kapapasok lang. May kung ano sa ngiti nito. Sadness? Pero agad ding nawala.

"Shin, can we talk?" sabi ni Lyra na nagtungo sa parte ng terasa kaya sumunod naman siya sa ina.

"Why are you here?" Disgusto na tanong niya kay Light na naroon. He might be resemblance with his father. Pero hindi niya maipagkakailang ito ang papa niya. Hindi pareho ng ekspresyon ang dalawa. Sinalubong nga agad siya ng ngiti ni Light.

RBW Series 2: Tormented FateOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz