TF II: Promise

2.5K 197 71
                                    


TORMENTED FATE II:

" PROMISE "



**

Sa pagitan ng pagpapalitan ng mga putukan at mga nilalang na alagad ng Demon Lord na nakikipaglaban sa bawat matiyempuhan ng mga itong target. Nababagot siya na walang nagaganap na maganda sa laban kaya tinitigan niya ang tore ni Crescent. Naroon pa kaya ito? At kung naroon ano bang nagpapatagal dito? Pareho ba nilang hinihintay na ang isa sa kanila ang lumabas? O katulad ng pangkaraniwang labanan ang namumuno ang magwawakas sa digmaan. Kung gayon, ipapatikim niya rito ang lupit niya –ang kagalingan niya lalong-lalo na ang katotohanan na siya ang Demon Lord na isa rin sa umaasam na maging isa sa pitong Diyos ng Underground at ang kagustuhan niya rin na paslangin ang pito at maging siya ang natatangi. Isipin pa lamang niya ang natatago niyang kalakasan ay nangingisi na siya.

Nang pasukin niya ang kanyang laboratoryo bawat parte ng pader niyon ay gawa na sa screen kung saan nakikita niya sa magkakaibang parte ang tatlong anak ni Crescent na sila Shin, Crescentine at Seventh na nananatiling hindi gumagalaw at nagpapahinga lang na tila walang digmaang nagaganap. Siguro sapat na ang mga oras na pinalipas niya, kailangan na niyang pabagsakin ang tore at ang hangganan na apat napung porsiyento lamang ang gagamitin niyang lakas para wasakin at pabagsakin si Crescent.


***


" Panginoon, nakahanda na ang Ablution para kay Dark Crescent. Tama ang desisyon n'yo at sumasangayon sa 'yo ang pagkakataon dahil magkahiwalay na silang dalawa ng isa pa," wika ng babaeng nakaputing roba na puno ng kolorete ang mukha sa isang higaan na may tabing na kurtinang puti na ma mga palawit na iba't ibang uri ng mamahaling diamante. Isang malaking kuwarto iyon na ang paligid ay tadtad ng libro na hindi mo paniniwalaang nabasa na nito lahat.

" Dahil kilala ko siya higit kaninuman," inilabas nito ang binti at malamig ang paraan nito ng pagsasalita. " Hindi ko na gusto ang nagiging tagpo, nasasaktan na 'ko para sa kanya. " anito na minasdan ang malaking bituing bilog na may iba't ibang imahe ng elemento. Matagal ng panahon nang huli niyang mamasdan ang batang may pilak na buhok na doon napiling maupo at iikot ang paningin sa paligid. Kitang-kita ang left-eye-crimson eye nito. Hindi ito nagsasalita ni ang magutom ay 'di ito nakaramdam. Hinihintay niya 'tong magbuka ng bibig.

"Lumaki siyang mag-isa at walang kinakapitan. Kung kalakasan ng loob alam ko na siya ang magwawagi sa larangan na 'yon. Hindi siya sumuko sa kahit na anong paghihirap, pero sa huli kinukulang siya sa pagtanggap. Sa huli, ako pa rin ang magrerehas sa kanya sa kadiliman, " ipinikit nito ng mariin ang mga mata.

"Lumagpas na siya sa limitasyon Panginoon, at mas masakit para sa inyo na makitang maglaho siya kesa makulong sa kadiliman. Ano man ang piliin n'yo mananatili na si Crescent ay walang puwang --'wag mo nang Pilitin dahil masasaktan ka lang Panginoon," marahan ang pagbigkas ng salita ng mga babae.

Lumabas ang nilalang sa kanyang nakasarang kurtina at lumabas roon ang tila Diyosang babae na may pilak na buhok na lagpas hanggang hita nito. Tila 'to nyebe sa kaputian at tila maging ang lamok ay mahihiyang dapuan man lamang ang mabango at makinis na kutis nito.

Sa isang bituin na disenyo sa sahig na tila babasagin napatingin ang babae at sa isipan nito natanaw nito ang isang batang walang kasali-salita. Nakatitig lamang ito sa paligid na wari'y namamangha sa dami ng mga libro. Nangiti siya ng mapait.

" I rejected him, before anyone else; ako ang nauna sa lahat. I wanted him to rule the world but his appearance of an angel made me hated him for so long. Mula sa isang buhay na walang patutunguhan sinalo ko siya nang ibagsak siya mula sa langit –yes, burado na ang alaala niya. Again, I created him; pero ang 'di 'ko matanggap bakit hindi ko mabago ang itsura niya. Lifeless, formless ko siyang nakuha na tila liwanag lang na katulad ng iba na itinatapon sa itaas at suwerte kung may katulad kong Demon God ang sasalo sa kanya para muling bigyang buhay ang kaluluwa niya. Si Catalyst ang nagtakda na mabuhay siya sa lahi namin mula sa underground Gods, pito silang mas mataas kaya naman ang utos nila'y kailangan sundin. At ilan lang kami sa nakapila bilang kapalit nila gayunpaman kami ang lumilikha ng mga katulad namin na may limitasyon dahil mga rejected soul lang ang hinihintay namin. Naging tanyag ang pangalan niyang "Crescent " dahil sa itsura niya na hindi akma at sa kasamaang palad binigyan pa siya ng pulang mata. Kung tutuusin itinuring siyang laruan ng lahat-lahat at tila isang bagay na sinubok, dinurog at pinino bago ibaba na isilang na siya sa pamilya ng mga lobo kung saan ang itsura niya'y nahahawig. Ang Wolveus ang pamilyang isang daang porsiyento na nababagay sa kanya. Pero hanggang sa panahon na 'yon naging isang sumpa sa kanya ang pagkakaisa sa kanya ng mga Demons, dahil nalaman na mula talaga siya sa mataas na uri ng anghel na ibinagsak. Hanggang sa kusang lumikha ang isipan niya ng isang mas malakas at mas walang puso at puno nang galit na pinangalanan naming Dark Crescent –ikinulong siya, inirehas at pinasakitan sa malayong lupain bagaman may pagkakataon na nakalalabas siya at makilala nila na may dalawa silang katauhan. Ang mahirap, hindi sila naghiwalay na tulad ng kambal may iisang puso sila at diwa bagaman ang desisyon nila'y minsan salungat. Iyon ang dahilan bakit naging paborito siya mula sa pinagkakaisahan, naiiba siya, naging malakas, naging tanyag at ngayon kinatatakutan na piliin siya ng Imperyo bilang Unang Diyos na may dugong anghel na hindi mapapayagan. At bilang lumikha sa kanya, bilang kanyang Ina, nasasaktan ako sa mga nagaganap sa kanya. Bakit siya sinusubok ng ganito? Bakit sa huli wala pa ring lugar na tatanggap sa kanya, kahit anong tingin ko sa lahat-lahat mananatili na walang puwang siya maliban sa rehas na 'yon kung saan mababantayan ko siya at maililigtas sa mga gustong magwasak sa kanya," bumagsak ang mga luha niya at totoong pag-ibig nang isang ina ang nadarama niya dito. Kung noong una isa rin siya sa nagtatwa dito, hindi na, dahil ang talino at pagiging matatag nito ang nagbigay sa kanya ng dahilan na hangaan ito."

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now