TF 39: Father & Son

2K 196 79
                                    


Sa mga bibili ng RBW  book pa message naman # n'yo para macontact ko na lang kayo. Salamat! :) 'Yung sure po ha? Para po 'di ako magkamali nang bilang salamat po! :) Wala pa pong price dahil pino-format pa. :) Don't forget na mag picture pag may book na and send it to me salamats ng madaming-madami! <3


TORMENTED FATE 39

" FATHER & SON "



**

"Anong nangyari!" Gulilat na tanong ni Leo nang makitang naglalaho sa kawalan ang tore ni Crescent. Maging si Lyra ay nabahala at si Tomo ma'y puno nang pagtatanong ang mga mata. Lahat nang nakakatanaw katulad ni Shin sa kalayuan ay nagtataka rin kung bakit tila naglalaho ang tore na kinalulugaran ng kanyang ama.

"Crescent!" malakas na sigaw ni Lyra na hindi pansin ang malakas na hangin na nakakapagpalipad ng buhok niya. Takot ang nararamdaman niya lalo pa't kasama nito ang tusong babaeng si Cleofas. Si Cleofas na higit pa sa baliw na gustong kunin sa kanya si Crescent.

" Tomo, anong gagawin ko!" naiiyak na tanong ni Lyra pero bago pa niya malingon si Tomo ay may kumapit sa braso niya na malalaking kamay na ikinapagkamali niya. Paa iyon ng ibon na inilipad siya pero hindi patungo sa tore kung 'di palayo.

"Lyra!" sigaw ni Tomo na gagamit ng mahika pero mabilis ang pagkakadagit ng ibon na 'yon na kulay itim at kasing laki ng buwitre nila. Patungo iyon sa palasyo.

Nakita ni Shin ang malaking ibon na mabilis ang paglipad at nakita niya ang mama niyang dala-dala niyon kaya mula sa kinalulugaran niya'y tinawag niya ang kasangga at power blade na si "ELFHORA!" May pulang aura na bumalot kay Shin kasunod nang mabilis na pagtakas ng pulang aura na naging hugis sibat na mabilis na tinungo ang malaking ibon at tagus-tagusan iyon doon kaya bumagsak na sugatan ang ibon habang sa itaas ay nakalutang si Elfhora na natatakpan ng bakal na baluti na kulay pilak ang dibdib maging ang ibabang bahagi nito. Mahaba ang buhok nito atm may pakpak ng isang itim na paru-paro. Bumaba it okay Shin na hawak si Lyra na hindi makilala ang sumagip sa kanya.

"Tinawag mo rin ako," inis na wika ni Elfhora na nagkaroon ng mas maayos na damit na kulay itim kakulay ng labi nito. Tinignan nito sa kalayuan ang tore. " Hindi naglalaho ang tore, kapangyarihan lamang 'yan ng isang wizard. Isang malakas na wizard, wika ni Elfhora.

"Shin," mabilis na niyakap ni Lyra ang anak at doon siya umiyak sa tabi nito.

"Tita Lyra, paano ka nakababa sa tore?" tanong agad ni Jasmine dito.

"Umalis ako ng kusa," ani Lyra nang hawakan ni Shin ang mukha niya para pakatitigan. Katulad na katulad ito ni Crescent tumingin.

" Mabuti naman at umalis ka na sa kanya mama, sa kanya naman nagsimula lahat ng 'to, aalis tayo rito, ililigtas kita pangako," puno ng suyong wika ni Shin. Alam ni Lyra na may galit ito sa ama kaya ganoon ito.

Si Seventh na naroon sa balkon naman ng kastilyo hindi nagustuhan ang pakikialam ni Shin sa pagkuha niya sa Ina. Akala niya'y makakasama na niya ito lalo pa't nangako sa kanya ang ama-amahan na Demon Lord na ilalabas ang ina sa lugar na 'yon na hindi niya kayang gawin. Sarili lamang niya ang kaya niyang ilabas.

"Anong nagaganap sa tore? Sana hindi na magkaroon ng labanan pa," wika ni Third Sanctum na naroon pala sa tabi ni Seventh. Among the Sanctum Brothers ito lang ang nakakausap niya nang matagal. He's not that young compare to him pero ang isip nito parang bata pa rin at ito ang masasabi niyang inaalagaan ng Sanctum Brother –ang pinakamahina ngunit pinakamamahal ng bawat isa maliban sa kanya na hindi naman nagustuhan ang binuong pamilya ni Gremory (Demon Lord).

RBW Series 2: Tormented FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon