Tormented Fate pt. 1

1.9K 133 29
                                    


TORMENTED FATE

Part 1 


" Nagtatago na si Light! Kailangan natin silang malipol at mapuksa, kailangang mawala na sa mundong ito ang katulad nila at 'di na muli pang maging bahagi ng bagong mundo!" wika ng isang anghel kay Haven na abala sa sariling isipin kaya bahagya itong napaigtad at nangiti rin kapagdaka.

Pinagsalikop niya ang mala-kandilang mga daliri sa maliit na babasaging mesa at minasdan ang isa sa mga anghel na nasasakop niya.

"Huminahon ka, hindi mo naman kailangang maging ganyang kabalisa," ani Haven pa na hindi alintana ang malakas na sunod sunod na pagsabog. Simula nang matapos ang kakaibang kapangyarihang bumalot sa mundo ay 'di na natagpuan ang kahit anino ni Light. Maging ang dahilan ng puwersang inilabas ng mga ito ay 'di rin biro at alam nila na may iba 'yong ibig sabihin. Iyon lamang para saan nga kaya?

"Wala tayong gagawin?" tanong pa nito sa kanya. Agad namang ngumiti si Haven at tumango. Nang makaalis ito ay wala pang isang oras na tinungo niya si Catalyst.

Ngunit sa pasilyo pa lamang ay nakita niya na ang isang dalagang may kulay gintong buhok. Nagkatitigan sila at namasdan niya ang mga mata nito at ang maliit na labing minana nito sa ina. Si Chrysanta na kung ano ang amo ng mukha ng ina ay 'di nito nakuha. Matapang at sa kabila ng kagandahan nito ay tila hindi ito madaling kapalagayang loob. Nakasuot ito ng mangasul-ngasul na bestidang simple lamang ngunit 'di iyon nakabawas sa kariktan nito. Gayunpaman, 'di nakatakas sa mga mata ni Haven ang pamamaga ng mata nito na senyales na galing ito sa pag-iyak.

Hindi sila nagkasalubong dahil pumasok ito sa isang kuwarto at bago pa siya magbigay reaksyon ay lumabas na si Catalyst kasama si Zandro na agad niyang ikinasama ng loob. Hindi niya gusto ang itsura ni Zandro –ibang-iba 'to sa kanyang si Catalyst na mukhang anghel.

" May problema ba?" tanong niya nang salubungin niya ng ngiti ang dalawa.

"Anong ginagawa niya dito?" tila asar na asar agad sa kanya si Zandro kaya naman agad siyang napasimangot.

" Anong ginagawa mo dito?" balik tanong ni Catalyst sa kanya. "Hintayin mo na lamang ako, may mahalaga kaming pag-uusapan," ani Catalyst na ikinatango ni Haven.

"Aalis rin naman ako, gusto ko lang alamin kung kailangan ko bang makuha si Light para sa 'yo Catalyst. " Nginitian niya ng ubod tamis si Catalyst at huwag lang sana mababaling kay Zandro ang paningin niya at talagang sasama ang timpla niya.

"Kailangan si Light," ani Zandro na ikinaangat ng kilay ni Haven. Ito ba ang tinatanong niya? Kailan pa naging magkatunog ang Zandro at Catalyst?

"Kailangan si Light, sa lalo't madaling panahon. Papatawan na ng kamatayan si Crescent, " ani Catalyst na ikinabigla ni Haven.

"Si Light, kung sakaling matatagpuan siya maaari niyang isalba si Crescent. Hindi nagsasalita si Crescent kung paano at kanino o kung saan nagmula ang malakas na puwersang ginamit nila. Kahit pa paslangin siya ay hindi siya magsasalita. Kung si Light, maaaring may mas mahina siyang damdamin na makakapagpalabas ng lihim nila. Masyadong malakas ang pagyanig sa underground. Dahil kay Crescent, maaaring magkaroon ng ika-walong Diyos na kahit sino ay 'di mapapayagan." Ani Catalyst na bibihirang magsalita ng mas mahaba.

"Kung ganoon asahan mong dadalhin ko siya, para sa 'yo, " aniya na nginitian si Catalyst na sinuklian rin siya ng isang ngiti.

**

RBW Series 2: Tormented FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon