TF 40: Fallen

1.9K 170 51
                                    


TF 40

" FALLEN "

" FALLEN "

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Lyra, halika na! Bumalik ka na sa mundo ng mga tao! " sigaw ni Tomo na pilit hinihila si Lyra na makita na magbubukas na ang lagusan.

"Halika Shin, sumama ka!" hinihila ni Lyra si Shin.

"Hindi siya makakaalis dito, hangga't 'di natatapos ang digmaan," wika ni Leo na malungkot ang saad.

"Anong hindi maaari! Hindi ako aalis nang 'di kasama ang anak ko, isa pa nandito si Crescent, nandito ang pamilya ko!" emosyonal na wika ni Lyra.

"Ang Panginoon ang may gustong lumisan ka na rito. "sigaw ni Tomo, nangangamba siya na mabigo samantalang pinagtiwalaan sila ni Crescent na ililigtas si Lyra.

"Bakit! Bakit hindi ko maaaring isama si Shin!" galit na sigaw ni Lyra, " Bakit ang pamilya ko? Bakit sila ang nandito! Maraming mas higit na masama bakit ang mga anak ko!" naghihisterikal na sa pag-iyak si Lyra na pilit hinihila si Shin na nauunawaan at gusto ngang pabayaan na ito.

"Lahat sila! Lahat sila ay wala nang buhay Lyra! Ang buong pamilya mo ay nasa after life na! Ang Abyss, ang mundong 'to ang magdedesisyon kung sino sa kanila ang nararapat makabalikat magkaroon nang panibagong buhay! Iyon ang totoo, katulad ng mga Sanctum Brothers, lahat sila ay wala nang babalikang mortal na mundo hangga't di natatapos ang pakikipagsapalaran nila!" sigaw ni Tomo na ikinabigla ng lahat maging si Leo.

"Tomo –" maging si Leo ay hindi alam na iyon ang nasa likod nang pagkukulong sa mga ito sa Abyss.

"Pakiusap lumabas ka na, babalik sila at iyon ay magaganap. Magtiwala tayo, " tigmak na sa luha si Tomo na ikinabagsak ng mga luha ni Lyra. Hindi na nagbiga nang reaksyon si Shin.

"Isama mo si Jasmine," wika ni Shin na ikinabigla ni Jasmine.

"Dito lang ako sa tabi mo," tila natutulirong wika ni Jasmine.

"Sumama ka na, panatilihin mong ligtas si mama pakiusap," ani Shin kay Jasmine na hindi matanggap ang nalaman kay Tomo at ang isa pa na pagpapaalis sa kanya ni Shin.

"Hindi totoo 'yan, hindi totoo ang sinasabi mo Tomo! Sinungaling ka! Hindi pa sila patay lahat, buhay sila, pinalaki ko si Shin, " tila masisiraan na nang ulo si Lyra sa dami nang magugulong impormasyon na pumapasok sa isipan niya.

"Iyon ang totoo, aksidente kong nalaman na hindi na isang buhay na nilalang ang Panginoon nang makita ko ang mga itim na paru-paro na nagbibigay lakas sa kanya. Ang mga kaluluwang iyon ang nagsisilbing lakas niya. Siguro hindi sila kaluluwa pero Lyra, wala silang tatakasan kundi ipaglaban ang mga buhay nila dito," ani Tomo.

Hinawakan ni Leo sa ulo si Lyra at pinawi ang malay nito at binuhat.

"Ayokong umalis sa tabi mo!" galit na wika ni Jasmine.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now