TF 32: Truth

2K 188 70
                                    


      TO BE SELF-PUBLISHED na ang RBW 1. On June pa naman, dahil ineedit ko na at jeje days ko pa 'yon hahaha!  Kung interested ka, message me on facebook kung paano ka makakabili.  May other parts na bago n'yo lang mababasa. And pulido na siya. :) Thank you! Once ko lang 'to gagawin dahil gusto ko nga lang talagang magkaroon ng sarili kong copy, so if ever na hindi na 'ko into wattpad, maalala ko ang kasaysayan ni Crescent! <3 Pag 'di n'yo ko mahanap sa FB kahit sa message na lang here in watty.  Last week of May ko kukunin ang sure orders. <3


    TORMENTED FATE

" TRUTH " 

Matapos ang pakikipaglaban nang bawat grupo ay tuluyan nang nagbukas ang lagusan patungo sa ABYSS. Sapat na ang mga buhay na nasawi upang maging alay.

Sa paligid ng Demon Lord na naghihintay sa kanyang kastilyo ay si First to Sixth Sanctum. Ang magigiting niyang mga anak na may mga pamanang kapangyarihang natatangi. Ito ang mga kakalaban sa tinaguriang The Scorpions na mga alagad ni Crescent.

Sa kabilang dako naman ay nagtagpo ang grupo ni Neo at Vincent Zordick nang tumapak sa loob ng Abyss. Habang ang mga dating kasamahan ni Crescent ay nasa mortal na mga mundo upang pigilin ang mga delubyong paparating dahil sa pagyanig na lilikhain dulot ng digmaan sa dimension ng Abyss.

Ang mga Pureblood Vampires ay naglilikas na nang mga tao para sa paglulunsad ng New World. Malaki ang tiyansa na magunaw na ang mundo.

" Lyra," hinaplos ni Crescent ang tulog na si Lyra sa mukha nito. Noon para lang 'tong manika na gusto niyang nakaupo at nagsasalita pero ngayon, binigyan na siya nito ng mga anak. Mga anak na sana hindi na lang naging sa kanya sapagkat naging malupit ang mundo sa isang tulad niya. " Tatanggapin ko ang desisyon mong iwanan ako, pagdating ng oras na 'yon," hinalikan niya 'to sa noo kasunod nang mariing pagpikit. Kumawala ang ilang butil ng luha sa mga mata niya. Tapos na ang paghihintay, ito na ang huling digmaang kababakahin niya. Ang digmaang maaring magwakas na nang tuluyan sa kanya. Hindi ito nagigising dahil umeepekto na rito ang gamot na ibinigay niya. Gamot na poprotekta rito sa mga pisikal na sakit na maari itong maranasan. Wala na siyang sapat na lakas para muling makagawa niyon.

"Papa, " kumapit si Chrysanta sa binti ni Crescent nang lalabas na 'to nang kuwarto. Tumungo naman si Crescent at lumuhod para makapantay ito. Nginitian niya 'to at hinalikan sa noo.

"Sa kanya ka magiging ligtas sa ngayon, " bulong niya rito. Tila naman ito matandang tumango kasunod nang paghikbi. Ipapaubaya na niya kay Zandro si Chrysanta.

"Balikan mo 'ko papa, sila kuya, babalikan n'yo ko ha? Pati si mama, " anito na niyakap si Crescent.

Inihatid niya 'to sa bukana nang tore kung saan naghihintay si Zandro. Umiiyak si Chrysanta habang buhat ito ni Zandro at kasunod niyon ang paglalaho ng dalawa. Wala siyang nagign tamang desisyon, kung saan ang pagiging matalino niya'y naging isang hadlang sa kanyang pag-angat. Ang labis niyang paghahangad ang nagpapabagsak sa kanya ngayon. Ngunit isa ang sisiguraduhin niya, hihilahin niya lahat pababa kasama niya sa impiyerno ang mga naglalaro sa buhay nilang mag-aama.

Ngayon na bukas na ang Abyss, bukas na rin ang harang ng toreng kinalulugaran niya. Isa sa mga oras na daraan alam niyang isa sa mga anak niya ang tatapak roon para komprontahin siya.

Nagtungo siya sa kanyang base at ginawa ang huling pagpapalakas niya nang kapangyarihan.

**

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now