TF 16 SEVENTH SANCTUM

2.2K 189 37
                                    

" Bakit nasa kanya ang lahat, bakit pagdating sa 'kin...  " Hindi niya maituloy ang sasabihin ng lingunin ang isang malaking lalaking mapula ang balat at nakaupo sa malaking itim na batong nakakorteng upuan. Napakadilim ng kuwarto kaya walang maaaninag sakaling mamatay ay mangasul-ngasul na  apoy na nagsisilbing ilaw sa bawat poste.

"Shin, hindi mo pa mauunawaan ang lahat,  " sagot ng lalaki na may malalim at malamig na boses. Naroon lamang ito at hindi niya nakitang umalis sa kalapit ng kwarto niya. Dalawa lamang ang nakakasama niya, ito na Master at si Mathilda na isang masunuring kawaksi nito.

" May tamang panahon para bawiin mo ang lahat sa kanya, Shin kung magiging mahina ka nang dahil lang sa damdamin mo hindi ka magiging malakas, hindi mo makakamit ang pagtatangi nya sa'yo, dahil ang Shin na nakikita mo ay kaya nang gunawin ang mundo. Napakalakas niya," dagdag pa nito. Ang nakikita nila ay si Shin na inakong anak ni Crescent. Nasa Abyss ang mag ama at may mga kasama ito habang kinakausap ang isang batang babae na may pulang mata.

Nakikita nila sa salamin na malaki ang nagaganap doon.

"Daigin mo ang kapangyarihan niya, durugin mo siya hanggang sa maging abo, tandaan mo Shin ikaw ang magiging pinakamalakas! " Ang huling sinabi nito ang paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan niya.

Dinadala ko ang pangalan na ibinigay ng aking ama. Gusto niya ng isang martyr na anak, nandito na 'ko.  Habang kalangitan ang nakikita ng isa, impiyerno naman maging ang tuktok ng lupang tinatapakan ko.

Gusto ko siyang iwanan, pagtaksilan, itakwil bilang ama pero kapag ginawa ko 'yon mag iisa ako. Pero sabagay, higit pa sa pagiging mag-isa ang magmakaawa kang hingin ang pagmamahal niya.

Kahit kailan hindi niya 'ko nginitian. Iniiwasan niya 'ko ng tingin na parang isang nakakadiring bagay na makikita niya.

"Bakit hindi mo 'ko isama, papa. Bakit itinatago mo 'ko dito, bakit nasa dilim lang ako. " tanong ko sa kanya ng akmang aalis na siya. Palaging ganoon ang sitwasyon, nakakasawa na.

" Dito ka lang, hindi ka dapat makilala ni Lyra," malamig na tono niya bago tuluyang lumisan at isarado ang pintuan na nagsisilbing harang sa kalayaan ko.

Sanay na 'ko sa kadiliman sa loob ng apat na sulok na kwarto nito. Pakiramdam ko, ikabubulag ko kapag nakatanaw ako ng liwanag.

Kahit kailan hindi ko nakita ang repleksyon ko. Ang sabi nila, magkamukha lang kami ng isa pang Shin. Pero hindi ko makuha bakit siya lang ang masaya.

Hindi lang malamig na pakikitungo niya ang naramdaman ko, kundi ang unang kamatayan ko, sa kanya unang nagmula. Pinatay niya ko sa salitang binitiwan niya.

Matapos kong unawain at paniwalaan ang kasinungalingan niya. Itataboy niya lang ako at maging ang pangalan na SHIN ay tinanggal niya sa 'kin.

Pero kahit ganoon, inunawa ko pa rin siya na baka nalilito siya dahil pareho kami ng pangalan. Pero unti-unti ring nilamon ng sakit, galit at inggit ang puso ko.

Ilang beses kong hinintay na mapansin niya 'ko. Siya kasi ang ama ko, pero nalilito na 'ko bakit ako lang ang itinatago. Ano bang meron sa 'kin? Ano bang repleksyon ko? Nakakatakot ba 'ko? Kapag ba makikita ako ni  mama hindi niya rin ako magugustuhan? Pero bakit sabi nila magkamukha lang kami ng isa pang Shin.

"Tamtam, hindi ka ba babalik?" Siya ang guardian ko. Nagkaisip ako na nakikita ko siya.

Ang liwanag niya at maliit lang na bata na nagliliwanag. Pero hindi siya nakakapagsalita. Pero nagalit si papa sa kanya at bigla na lang siyang nawala.

Sinasama niya kasi ako palabas. Pinahid ko ang luha ko. Darating ang oras na aalis ako dito kapag bumalik si Tamtam sasama na 'ko sakanya.

"Seven, halika na ilalabas na kita," si papa. Ilalabas niya 'ko?
Oo Seven ang ipinangalan niya sa 'kin, limang taong gulang ako. Hindi ko nga alam bakit Seven.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now