TF 23: Seventh's Blade

2.6K 213 50
                                    


DEDICATED sa'yo, maraming-maraming salamat sa pagbabasa ng TF mula pa sa RBW'S Lovelots. :) 


So, please, vote and comment, doon kasi nagbabase kung ano ang iuupdate ko. Five stories ang on-going ko kaya naman nakadepende rin sa mga kamay ninyo ang bilis ng update ng bawat chapter, medyo busy rin ako so isa lang ang natatapos ko in two days kasi saglitan lang ako mag type sa dami ng lesson plans. 


TORMENTED FATE

CHAPTER 23 


CRESCENTINE

" Keep your enemy closer," sagot ko kay Crestia. Kamukha ko siya. Pero alam kong impostor si Shin at kung sino pang lalabas na may katulad kong mukha. Pumayag akong makigrupo kay Shin kasama si Jasmine, somehow, I want her to be closer, palaging hinahanap ng paningin ko ang presensiya niya, kung nakaligtas ba siya, kaya kapag nakita ko siya lahat ng negatibong pakiramdam ko nahuhugasan ng kapayapaan.

"Kahit siya siguro may tanong tungkol sa katauhan niya, mas mabuti na tayo ang matira sa huli, mas kailangan nating lahat ng kaliwanagan," sagot ni Crestia. Ano bang tanong ko? Bakit may mga umaako rin na iba bilang anak niya? Alam kong ako ang totoo at hindi ko na gustuhing aksayahin ang oras ko para lang sa kanila, para lang alamin bakit magkakamukha kami o ano pa.

Gusto ko lang bigyan ng maayos na libing si Papa. Sa maayos, malawak at magandang lugar. Maybe, iyon rin ang kailangan ni Ina para hindi na siya manatili sa sakit ng nakaraan. But there's a little hope, na kung may paraan pa ba para maibalik ko siya, nagsisisi pa rin ako na hindi ko siya nagawang iligtas noon, nagsisisi ako na nabigla siya ng makita ako na parang sinasabi na bakit ngayon lang kami nagkita.

Nang isilang ako wala akong kinamulatang ina. May nag-aalaga sa 'kin, mula sa isang lugar na hindi natatanawan ng liwanag, mag-asawa sila at gusto nila 'kong iligtas sa kamay ng mga humahabol sa 'kin at hindi ko maintindihan bakit kailangan kong tumakbo ng paulit-ulit.. Tila ba naka-programa na sa isipan ko na hanapin si papa, kailangan ko si papa, dapat makita ko siya.

Ilang beses kaming nagpalipat-lipat, maraming daungan akong tinayuan para lamang hintayin na dumating si papa pero madalas nabibigo ako. Sabi nila, may banal akong dugo, pero bakit sa tuwina nakikita ko ang mga palad ko na puno ng dugo? Pilit kong hinuhugasan ang mga dugong 'yon kahit wala naman talaga ang sabi nila, pero sa paningin ko dumadaloy at tumutulo ang dugo sa mga palad ko. May pagkakataon rin na naghuhukay ako, nakakairnig ako ng mga salitang bubuo ng kastilyo, kailangan ng malaking hukay, na sila ang piliin ko. Sa totoo lang, I have my angels and Demons, totoong nakakarinig ako ng mga bulong. Ang pagdurugo ng mga kamay ko, nangangahulugan na nabuhay akong anak ni Crescent at mamatay akong anak ni Crescent, ang mga dugong iyon ay panahon kung saan dumadaing sa labis na sakit si papa. Kaya simula ng malaman ko iyon sa isang babaylan nagsimula na 'kong mangamba, matakot sa tuwing may lalabas na dugo sa mga palad ko. Tumigil iyon ng mamatay si papa sa mismong harapan ko.

Kung ano si papa, iyon rin ako. Hindi ko kailangang mamili sa lahing meron ako, dahil kung nasaan siya, naroon rin ako. I respect him, siya ang tinitingala ko, walang kahit na anong bagay ang makakapagpatalikod sa 'kin sa kanya. Nabuhay ako dahil sa kanya.

"Crescent, ang batang 'yan ay wala ng pag-asang mabuhay!" Nakapikit ng mariin ang mga mata ko. Hindi ko maigalaw ang mga maliliit ko pa noong kamay, pero nakaririnig ako, nakakaramdam pero kahit kaunting pag –galaw hindi ko magawa. BUhay ang isip ko, ngunit patay ang katawan ko.


" Kailangan namin siya! Bakit siya mamamatay! Anak namin siya, bakit hindi na lang ako, bakit kailangan nilang idamay ang anak ko!" Anak, anak niya 'ko. Narinig ko, nanginginig ang boses niya senyales ng pag-iyak. Kung maigagalaw ko lang kahit isang daliri ko para sabihin sa kanya na kakayanin ko lahat ng apg eeksperimento para mabuhay, para hindi na siya umiyak, para hindi na siya masaktan pa.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now