TF II: Angels!

2.2K 166 35
                                    


TF II: Angels!


Maaliwalas, maliwanag, puno nang sigla at sadyang napakaganda nang lupain ng mga tala. Ang Lupain ng mga tala ang nagsisilbing base ng council. Isa iyong matarik na bundok sa kalangitan na animo'y isang palasyong puting-puti ang nasa tuktok habang ang nagsisilbing bundok niyon ay luntian na luntian. Ang bundok ay napaliligiran ng asul na asul na karagatan. At sa paligid niyon ay naroon na ang mga naggagandahang tanawin, kabahayan at ang panaka-nakang pagbagsak ng yebe.

Ang AG-Council (Konseho ng mga Anghel ) ay kinabibilangan ng labing-dalawang anghel na siyang nagsisilbing tagapag-utos, tagapagbalita at tagapagbagsak sa mga 'di karapat-dapat na anghel ayon sa kanilang pamantayan. Sila rin ang nagtatalaga sa EROS kabilang ang kanilang Banal na Espiritu na nasa kanilang Banal na Lupain na may daaanan sa isa sa mga kuwarto sa loob ng mala-palasyong puting-puti nilang base patungo sa tinatawag nilang kalangitan.

" Hindi ko akalain na aabot siya sa ganitong antas," wika ni Claudette na nagpasimula sa usapin. Naroon sila sa mahabang puting mesa habang nagpupulong silang labing-dalawa sa isang puting-puti ring kuwarto na may mga disenyong ginto sa paligid. Maging ang kulay tila ay tila yebe at mga balat na animo'y araw ang magiging makasalanan sakaling mainitan ang mga iyon. Perpekto ang mga itsura nila gayunman sa lahat ng mga anghel sila ang tinatawag na walang puso. Sila ang nagpaparusa at nagdadala sa impiyerno –sila ang batas. Madalas ang desisyon kapag nahahati ay kakaba-kaba sapagkat marami ang maaaring magkasalungat ng kagustuhan.

" Angelus, I mean Crescent," nangiti naman ang nagsalitang sil Haven na nasa dulong kabisera. " Nang ibagsak siya sa Impiyerno nasa misyon ang lima sa council, ngunit dahil mas lamang ang nandirito ipinagpatuloy ang boto sa pagpapabagsak sa kanya,"

"Ano pang dahilan para ibalik natin ang matagal nang pangyayari? Ang usapin dito ay mas matindi ang naidudulot niyang pinsala sa sangkatauhan!" ani Alexander na siyang nasa punong kabisera. Isa siya sa pitong natira noon sa pagpapabagsak kay Crescent.

" Galit agad? 'Di p'wedeng simulan natin sa umpisa dahil sa 'tin siya nag-ugat?" nangingiti't napapailing si Haven sa naging reaksyon nito.

"Wakasan na siya iyon ang nararapat, " deklara ni Alfonso na isa rin sa nasa pitong nagpabagsak kay Crescent sa impiyerno noon.

" Pito kayong natira, lima kaming nasa misyon. Itinuloy n'yo ang pagpapabagsak sa kanya dahil sa palagay n'yo sapat na ang bilang n'yo para magkaroon ng resulta. Lumabas ang limang boto na ipabagsak siya at dalawa ang hindi," tinignan ni Haven si Savanah at Nicholas na kambal na anghel. " Lima kaming nawawala, paano kung lima naming iboboto na hindi siya dapat paalisin sa lupain ng mga tala? O baka magkaroon tayo ng anim sa anim, " dugtong ni Haven.

"Ano bang gusto mo? Tapos na 'yon!" hindi na napigil na Gabryl ang sarili dahil isa siya sa bumoto na paalisin 'to sa lupain na 'yon.

"Tumigil na kayo! Tapos na 'yon at hindi na natin maibabalik pa! Naibagsak na siya at napunta sa impiyerno, pinangalanan at muling isinilang sa mundo ng mga mortal sa lahi ng mga lobo. Ngayon kinakalampag niya ang underground World at maaaring dahil sa ginawa niya bumukas ang pinakamapanganib na pintuan na dating alamat lamang na ika-walong Diyos! Mas mapanganib 'yon higit sa Abyss!" naroon na ang pagkainis at may bahid nang pagsisisi sa mata ni Shanel. Wala siya sa botohan at totoong dinibdib niya ang pag-alis ni Crescent – ang pagpapatapon kay Angelus.

"Iniisip ko na lahat naman may rason, na lahat naman nang nagaganap ay nakabubuti," sa bihirang pagkakataon ay nagsalita si Vianca. Nangiti si Haven dahil iyon naman ang balak niya ang ibalik at pagsalitain ang mga nasa council –maybe it was happened a long time ago, but still for those who fought the battle to defend Angelus there will be no long years passed it will always remain as their present until it will be answered. " He came from my League, parte ko siya dahil nasasakupan ko siya bago ko siya ipinadala sa Knights and Angels ( Special School for Angels na may mga potensiyal na maging Knight ng mga Anghel ) magaling, matalino, malakas at walang sino man ang nakalinlang sa kanya. Wala siyang ibang itinatanong sa 'kin noon kung ano ba ang hangganan nang lupain ng mga tala. " Pumatak ang luha ni Vianca kaya natahimik ang lahat, "Kalayaan sa lupain na 'to ang hinahangad niya at hindi ang maging Diyos, ngunit pinigil ko siyang umalis kaya nagpatuloy siya rito. Marami ang humahanga sa kanya gayun rin ang nagagalit sa kanya. Siya ang naging pinakamagaling. 777 ang ranggo niya nang ipasok ko, pinakadulo. Sa isang saglit umakyat siya sa ika-pito sa loob ng isang taon samantalang ang nasa mga ranggo ng 500 ay limang taon na halos ang ginugol makaakyat lamang. " ani Vianca na nadarama ang kurot sa dibdib.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now