TF 15: Buwitre

2.4K 244 47
                                    


As you can see, mahaba ako mag-update pag Tormented Fate almost 3K words compared sa ibang story ko. Kaya pagpasensyahan n'yo na kung mataas ang hinihingi kong votes  for next chapters.. Marami pang twist na magaganap. Mas luluha kayo dito kumpara sa mga nakaraan. Never kong hinold ang Series nila Crescent at maaasahan n'yo 'yan dahil ito talaga ang gustong-gusto kong sinusulat na hindi ko pa rin napagsasawaan ever since! *u* 


TORMENTED FATE

CHAPTER 15


             Habang bumubukas ang malaking tarangkahan para sa unang pintuan. Lahat sila titig na titig kung ano bang klaseng lugar ang una nilang masisilayan. Isang libo, walang labis at walang kulang ang bilang nila. Siguro nga mas kaunti pa sila kung walang hinihinging bilang ang unang tarangkahan dahil may mga grupo ng berdugo na walang awang pumapatay at tila siyang-siya pa sa mga ginagawa.

Gustuhin man ng iba na tumakbo palayo ay wala na silang magagawa dahil sa ika-sampung pintuan pa ang daanan na magpapalaya sa kanila. Ibig sabihin kailangan nilang tapusin ang sampung tarangkahan patungo sa papalabas na lagusan.

Jasmine's voice

Kung tutuusuin madali pang laban ang naganap. Sa totoo maraming mga berdugo ang isang wasiwas lamang ng mga matatalas nilang armas nakakapatay na ng dose-dosenang nilalang.Kaya mabilis ang naging labanan.

Ang larong ito ay matira ang matibay. Ngunit bakit kaya idinaan sa laro ang labanan? Bakit hindi niya ipinamana sa anak niya ng hindi nailalagay sa panganib ang buhay ni Shin? Gusto ko ring malaman ang mga kasagutan. Bakit nga ba si Shin ang pinili nilang mapangasawa ko, kahit pa itinuturing ng Black Listed ang mga Werewolves na mula sa pamilya nila Shin.

Nang mawala ang barrier ay bumungad ang isang tarangkahan. Huwad lamang pala ang natatanaw naming lugar sa tuwing mauuntog kami sa barrier na hindi namin nakikita. Napasinghap ako ng makita ko ang mga nagliliparang mga naglalakihang hayop o tamang sabihing mga halimaw ng himpapawid.

Hindi sila mga mukhang hayop na pangkaraniwan, mayroon silang tatlong mga ulo at ang sukat ay Tatlumpung talampakan marahil. Mapupula at mababagsik ang nakakatakot na mukha nilang tila pinatandang mga ibon. At ang kanilang mga kuko, matatalas na tila apat na talampakan ang haba. Malalaki rin ang mga bagwis nila at paikot-ikot lamang sila.

" Ang mga 'yan ay ang mga buwitre ng Abyss. Akala ko tayo lang ang magkakalaban, pero mukhang ang larong ito ang sisira ng ulo ko," Natatawang sabi ng lalaking kalapit ni Shin.

Siya si Khiel, isa siya sa mandirigmang nakasama namin. Mahaba ang buhok niya na kulay pula at dulo niyon ay tila may pagkadilaw. Nakasama namin siya sa pakikipaglaban. Aniya, isa siyang Prinsipe mula sa malayong lugar. Ang larong ito ang susubok sa katatagan niya, at kagustuhang magkaroon ng magandang karanasan.

Naroon na naman ang floating fortress. May screen na naman na lumabas.


"Ang mga lumilipad na 'yan ay may bilang na isang Libo katulad ninyo. Ang iba ay nagtatago ang iba ay lalabas na rin maya-maya. Ang ikalawang tarangkahan ay nangangailangan ng nine-hundred survivors! Ngunit ang mga nakikita ninyong mga buwitre ng Abyss ay nakahandang puksain kayo, patayin. Sa loob ng tatlong gabi, kailangan ninyong panatilihin na mabubuo ninyo ang bilang na siyam na raan. Dahil kung hindi, dito na nagtatapos ang lahat, " Sinundan nito iyon ng tila tawa ng mangkukulam.

Napalunok ako. Isang daan lang ang maaring mamatay, sa loob ng tatlong gabi ang isang libong buwitre ng Abyss na ito ang makakasama namin? Wala man lang kaming matataguan kundi mga malalaking bato. Walang kahit na anong maganda sa ikalawang tarangkahan. Sa katunayan mukha siyang disyerto. Maging ang mga bundok ay halos makalbo na at iilan lamang ang may mga dahon na puno. Ngunit malamig naman ang simoy ng hangin.

RBW Series 2: Tormented FateOnde as histórias ganham vida. Descobre agora