TF 21: Revelation Pt.1

2.6K 232 79
                                    


So, Happy B-day sa'yo ayan dedicated na sa'yo, ayan ha inupdate ko na! Hahaha! More Bday to come and Godbless you all. :) 



TORMENTED FATE

CHAPTER 21


**

"Rozen, Rozen, Rozen!" May kalakasan ang boses ni Dmitri na pumasok ng tuloy-tuloy sa kuwarto ni Rozen. Malamlam ang mga mata nito at halatang galing sa mahabang pag-iisip dahilan para hindi ito makapagpahinga ng maayos. Napakaganda pa rin nito bagamat may pamumutla ang labi nito. Nakasandal ito sa headboard ng kama habang yakap-yakap ang isang larawan.

"Anong kailangan mo?" Tanong agad niya dito, gusto niyang mapag-isa.

"Ayon sa babaylan, bu-buhay na si Crescent!" Halos isigaw nito ang salitang iyon na tila ba gimbal pa rin ito sa nabatid.

"Ano?" Nanlaki ang mata ni Rozen. Parang bomba iyon na sumabog sa pandinig niya. Ang lalaking mahal na mahal niya, ang ama ni Crescentine na nagtungo na sa Underground World. Si Crescentine ang anak ni Lyra at Crescent, inalagaan niya ito kapalit ng puri niya na ibinigay sa isang Demonyo para lamang makuha niya si Crescentine. Noong una, nangangamba siya na wala silang mapupuntahan, ngunit dahil napili si Crescentine nakabalik siya sa White Wings Academy. Dahil ito ang karugtong buhay ng Eros na may dinadalang pangalang Crestia, ang pangalan na gusto ni Crescent sa magiging anak nila – ngunit nawala iyon, kaya naniniwala siya na si Crestia ay padala sa kanya ng langit, ang anak nilang hindi nagkaroon ng pagkakataong isilang. Nalaman niya kasing si Lyra ang ina ni Crescentine, ngunit may puting pakpak si Crescentine, paano nga kaya nangyari iyon? Gayong si Lyra ay isang Bampira, at si Crescent ay isang Demon Wolf parehong nilalang ng dilim ang dalawa kaya malaking imposible na may dugong anghel si Crescentine.

"Nasaan siya? Kailangan niyang malaman na nasa panganib si Crescentine! Nasisiguro ko na hindi niya hahayaang naroon sa Abyss ang anak niya!" Ani Rozen na mabilis tumayo at lumapit kay Dmitri. Nananabik siyang makita ang lalaking minamahal, kahit minsan hindi ito nawala sa isipan niya. Si Crescent, nagbalik na siya. Hindi niya mapigil ang mga luhang bumagsak sa pisngi niya.

"Rozen, nanganganib ka sa kanya! Namatay na ang lalaking mahal mo, sinabi na sayo ni Light na nahati sa dalawa noon si Crescent. Itim ang aura niya, nasisiguro ng punong babaylan natin iyon. Ibig sabihin hindi iyon ang lalaking minahal mo, 'wag kang magpakabulag sa pagmamahal mo!" May lakip na inis ang boses ni Dmitri.

"Kailangan ko siyang makita para kay Crescentine, kahit anong sabihin mo walang makakapigil sa 'kin! "May awtoridad na lakip sa boses ni Rozen. Kaba, saya, kakaibang sensasyon ang dulot ng pagkakaalam na nakabalik na ang lalaking mahal niya.

**

POISONED BLADE

I am his blade. Shin's Poisonous Blade. Nagising ako ng pormal na siyang inihayag ng kataasang hukuman ng ilalim na mundo bilang Thanatos. Ang aming sugo, ako ang unang nagising sa 'min. Oo, sa amin, hindi ako nag-iisa, pero ang bilang namin ay nakadepende kung ilan ang kakayanin ng kalakasan niya.

Poprotektahan ko siya hangga't kaya ng talim ko. Ngunit siya pa rin ang masusunod, kung hindi niya 'ko tatawagin at gagamitin mananatili lamang akong nilalang sa salamin na umaasang gamitin niya 'ko.

Kapag ganap na ang katawan ko, kapag malakas na malakas na siya higit sa ngayon, nasisiguro kong mas magiging madali ang lahat sa 'ming dalawa para makipaglaban. Kahit ako lang, kaya ko siyang gawing Emperador ng sangkatauhan, sangkalupaan maging ang mundong ito. Isinilang ako para sa kanya, para maging isang sandata niya.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now