TF 28: Mistake

2.1K 168 44
                                    


TORMENTED FATE 

CHAPTER 28

" MISTAKE " 


" Crescent, " bulong ni Lyra sa isipan niya. Pinuntahan niya 'to sa isang kuwarto pero sabi nito huwag siyang mag-iingay. Natutulog si Chrysanta kaya sinundan niya 'to. Manatili raw siya roon pero huwag gagawa ng kahit na anong ingay.

Minasdan niya ang paligid. Isa ba 'yong laboratoryo? Kailan pa kaya nabuo 'yon? Tila bawat parte niyon ay kabisado ni Crescent. Mga kakaibang kulay ng likido na nasa iba't ibang bote ang maayos na nakahanay sa isang pahabang bakal na nakakorteng puso. May mga simbolo iyon na hindi niya maunawaan. Kaya ba sinasabing napakatalino ng asawa niya? Dahil sa mga kaya nitong gawin?

Naroon siya sa isang gilid. Nakaupo sa malambot na upuan. Nasa kadiliman dahil madilim naman ang kuwarto, medyo maliwanag lang sa pwesto ni Crescent dahil may binuksan itong monitor sa harapan nito at ilang saglit pa may lumabas na isang babaeng balot ang mukha ng itim na tela.

"Panginoon, may ipag-uutos ba kayo?"

Panginoon? Kailan pa nagkaroon ng iba't ibang tagasilbi si Crescent?




LYRA

May tatlo pang lalaki ang pawang lumabas sa monitor na tila nagmamadali. Tumungo ang mga ito saglit bilang paggalang siguro. Napansin ko ang markang pula sa noo ng isang lalaki. Scorpion ang itsura.

" Panginoon, hindi namin mapasok ang Blue Sea. Naroon si Vincent Zordick, sabi n'yo iwasan namin ang mga Pureblood. Ang tanging daanan na lamang ay ang Red Sea at Black Sea. Sinusubukan naming ibaba ang sandatahan ng Red Sea, " wika ng isang lalaki. At marahil hindi natin sila naiintindihan! Ako din, tss.

Sa pagkakaalam ko Krus ang itsura ng mga daanan sa karagatan. Diretso ang Blue sea, iyon ang pinakaligtas na daanan ng mga barko. Pero nalaman ko nga na bumaba na nag mga pureblood para gawin iyong teritoryo ng mga ililigtas na sangkatauhan patungo sa panibagong mundo.Kaya naman seguridad kaya naroon ang mga pureblood. Sa pagkakaalam ko rin naroon na ang panibagong Vampire Senate.

Ang RED SEA naman, literal na pula ang tubig. Ngunit iyong mamula-mula lang. Pakanan iyon at pagkakaalam ko naroon naman ang iba't ibang eskuwelahan ng mga sorcerers. Doon din nag-aaral ng mga mahika. Ibig sabihin malakas rin ang depensa roon.

Ang BLACK SEA naman ay ang kasalungat ng Blue Sea. Iyon ang bagsakan ng pinakamalalakas na nilalang na binabalot ng mahika kaya napabagsak. Iyon ang nagsisilbing kulungan. Mayroong harang doon kaya hindi basta-basta mapapasok ninuman. Ayon sa historya, naroon ang Pitong Mandirigma mula sa iba't ibang lahi na natutulog roon. Hindi ko alam kung may katotohanan. Ang totoo lamang ay walang barkong nagpunta roon na nakabalik pa.

Ang nasa kaliwa naman ay walang iba kundi ang Black Market. Ang gitnang parte ay ang siyudad ng mga tao. Naroon rin ang mga lobo at iba pa. At sa paligid noon ang iba't ibang isla. Ang tatlong dagat na nabanggit ay nasa duluhang bahagi pa ng mundo naroroon.

Siyempre, alam n'yo na 'yung kung nasaan ang angel and demons 'di ba? Langit, lupa, im.. im... impiyerno! :D

" Magtungo kayo sa 'kin. Tigilan n'yo ang Red Sea. Papasukin ninyo ang Black Sea," sabi ni Crescent kaya napaawang ang labi ko. Papatayin na ba niya ang mga 'to?

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now