Mystery

2.4K 210 76
                                    




+VISHNU+

"Hay! Namimiss ko na talaga si baby Shin!" bumuga ako ng hangin. Like a Queen nakaupo ako sa trono.

There goes Hunter and Aya, nag uusap about somethin' na hindi ko marinig.

Yep. Alam namin na buhay si Crescent. Pero bakit hindi ko nadadama ang pressence niya?

There's no heartbeat. Malakas ang pakiramdam ko, naririnig ko ang buhay at kamatayan ng mga nakikilala ko. Kahit nakaupo lang ako dito, awtomatiko akong nakakaramdam.

May kakaiba, at kailangang makumpirma ko iyon.

"Naaalala n'yo ba ang hula ng matandang bulag na babaylan noon bago siya pumanaw?" biglang tanong ni Aya.

" Isisilang ang isang marikit na sanggol na may pares ng makikinang na batong althea ang mga mata, ang buhok ay kakulay ng isang yebe kamatayan ang dulot sa sangkatauhan." ulit ko.

Nagkatinginan kaming tatlo dahil ang karugtong ng salita noon ng matanda ay may kaugnayan sa pamilya ni Crescent.

"Ang pamilyang biniyayaan ng kapangyarihan at kalakasang kayang gumunaw ng sangkatauhan, pinasahan ng sumpa ng nagliliyab na apoy ng kailaliman mula sa kanyang pagbabalik isisilang ang isang sanggol na mula sa kanyang dugo at laman," ani Hunter sa seryosong tono.

Si Crescent ang nagbabalik. At si Shin ang isa sa patunay na ang pamilya ni Crescent ang gugunaw sa sangkatauhan. Ang pagiging Thanatos ni Shin?!

ALTHEA. Ang mga mata sa libro na naisulat daan taon na ang nakalilipas. Kulay crystal na violet na kulay asul sa malayuan.

"Malakas ang may Althea na mga mata, pumupuksa ng hindi kailangang gamitin ang mga kamay. Kung totoong may ganoong isisilang kailangan mapatay na siya sa madaling panahon," ani Aya

"Kung si Crescent nga ang magulang nya?" ako

"Reincarnation siya, sa pamilya lang nila isisilang. Hindi niya tayo kalaban pero baka hindi niya alam na ganoon ang magiging anak niya," si Aya

"Gugunaw ang mundo, kadamay tayo. Ang Abyss, hindi makapapasok doon ang pangkaraniwang tao. Chaos, lang ang mundong nilikha ni Crescent," ~ Hunter.


**
Sampung libong manlalakbay mula sa iba't ibang tribo, lahi at antas. Lahat naghahangad makita at mapagtagumpayan ang larong inihain ni Crescent.

Ang pagkamatay nito ay itinuring na isang palabas lamang ng ilan. Walang nakagapi, basta na lamang ito naglaho at naging crystal simbolo ng kamatayan nito.

Lahat pagkamangha ang lumarawan. Ang abyss na walang kaayusan, walang hanggang kadiliman at nakabibingi ang katahimikan.

Tila paulit-ulit kang pinapatay sa kalooban na ngayon ay isa ng tunay na paraiso.

Paraiso ang perpektong paglalarawan dito. Lahat ng magagandang tanawin, kabundukan, mabangong simoy ng hangin, sariwa at humahalo ang amoy ng mga bulaklak, at ang floating fortress na gawa sa crystal ngunit sa pinakadulo ng tingin matatagpuan ang napakalaking kastilyo na yari sa salamin.

Iginagala ng lahat ang paningin. Napakalaki ng lugar, lalong nanabik ang karamihan Na angkinin ang buong lugar.

Karamihan sa kanila ay nabigong makaharap si Crescent, kaya ang makamit ang pinaghirapan nito ay makakapagpalubag loob sa kanila.

" Hello!" Boses ng isang babae ang narinig nila. Lumabas sa screen ng floating fortress ang isang manika na nakaupo sa swivel chair' may puti itong buhok.

Maganda ito at may asul na mga mata na halata naman na hindi ito ang  nagsasalita.

"Dahil ngayon ang araw ng pagsisimula ng patimpalak na ito, hayaan n'yong ipaliwanag ko ang laro. Sa bawat stage mayroon lamang bilang ng survivor na hihingin "
napalitan ang screen  ng mala blue print ng buong abysscentine.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now