TF 34: CATALYST

1.9K 216 51
                                    


Sabi ko magpapahinga ako, pero nang makita ko ang votes dito, gravity di na 'ko nakapag-angal at gumawa ako ng update hahaha! Dami rin comments kaya kakakilig! :3


TORMENTED FATE

CHAPTER 34

" CATALYST "

Nakatayo si Crescent sa isang kuwartong walang kalaman-laman. Malamlam ang liwanag dahil sa apoy na nagsisilbing ilaw niyon. Hinihintay niya ang pagdating, isa-isa ng mga anak niya. Ang komprontasyon, at ang kinakailangan niyang kooperasyon ng mga ito. Nakatanaw lamang siya sa bintanang yari sa salamin at tinitignan ang sariling repleksyon. Ito na ang huling digmaan, kung saan dugo't laman niya ang kailangan niyang iligtas. Maging si Lyra na siyang puso niya'y kailangan niya sa tabi niya. Siya si Dark – ay hindi kailanman makakapag-isip ng maayos sakaling iwanan siya ni Lyra, iba ang epekto nito sa kanya. Tila isa itong drogang kailangang palaging nasa tabi niya dahil kung hindi, ikababaliw niya.

Ito na ang huling araw na mapayapa pa ang lugar. Ang mga Diyos ang nagtakda ng panahon nang labanan at digmaan. Hindi makikialam ang mga ito sa araw na 'yon hanggang sa panahon na matapos ang digmaan. Isang larong nakahain ang labanan, at bilang isang nilalang na may buhay silang lalaban.

" Hindi ko hahayaan na may mawala isa man sa kanila. Lahat sila ay nararapat mabuhay, nasisiguro kong kakayanin nilang lumaban, " ipinikit niya ang mga mata at ngumiti. Isang pagbati mula sa kanya para sa kastilyo ang ibibigay niya.

Isang mabilisan at malakas na kidlat ang mabilis na bumagsak sa kastilyo na hindi naman nagasgasan ngunit ikinapukaw ng atensyon ni Gremory. Nasa harapan niya ang anim niyang mga anak na wala na siyang nagawa kung 'di palabanin maliban sa kanilang si Sixth.

"Malalakas kayong lahat, hindi ko man gustong masugatan kayo sa digmaan ay nasisiguro kong mapapalaban pa rin kayo. Kaya naman hayaan n'yong bigyan kayo nang inyong ama nang higit pang kalakasan," aniya sa mga ito na agad namang natuwa. Ang mga anak niya ay higit na malakas sa mga anak ni Crescent.

"Ama, hindi ka naming bibiguin, " wika ni First na siguradong-sigurado. Lahat sila'y inirerespeto ang ama-amahan at handa nilang ibuwis ang buhay para rito.

Iyon ang gusto niyang ipamukha kay Crescent. Ang kanyang mga anak ay tunay na inirerespeto siya. Pero ito? Totoo mang mga anak nito ang tatlo, mananatili na galit ang mga ito sa amang katulad ni Crescent.

Si Shin ang unang papasok sa tore. Ito ang unang anak ni Crescent na natagpuan ng mga Scorpion. Tahimik lamang ito at sumusunod. Galit ang nadarama niya, parang gusto niyang sumbatan ang kanyang ama. Pero hindi niya alam kung paano ito haharapin. Kung tama ba isipin niyang patay na lamang ito kesa buhay nga ay labis na sakit naman ang idinudulot sa damdamin niya.

Si Jasmine naman ay hindi rin umiimik habang kasama ang dalawang babaeng Scorpion sa isang kuwarto. Hindi daw siya maaaring sumama kay Shin, nangangamba siya gayunman, tama namang magkaroon nag sarilinang pag-uusap si Crescent at Shin.

Kanina namangha siya sa kakaibang disenyo ng tore at nakalilipad ang mga Scorpion na nagdala sa kanila sa floating fortress na tila handa na sa digmaan. Sa himpapawid namasdan niya ang malaking kastilyong salamin at kung ang floating fortress rin ay wala pa itong kalahati ng kastilyo. Napakalaki, maging siya ay namamagha sa itsura nang buong lugar. Paano nagawa ni Crescent ang ganoon? Isa ba 'tong Diyos? Pero aaminin niya na lubha nga talagang nakakaangat ang galing at talino nito. Dahil ang naturang pag buo nito sa mundong ngayon ay kinalalagyan nila ay siya ring prosesong ginawa ng mga pureblood. Ang kanyang ama ay malapit na kaibigan ni Crescent.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now