TF 6: Seventh Crescent

2.7K 180 99
                                    

**

Dedicated to Charlene Anacio - di ko alam ang username mo dito hahaha! Lovelots thankyou sa pagsuporta at walang sawang pagbabasa ng mga nakakaloka kong story hahaha! <3



CHAPTER 6

" SEVENTH CRESCENT "



Master Seventh!" Tawag ni Tamtam sa lalaking nag-iisang nakatayo habang ang paligid nito'y puno ng mga patay na nilalang. Malayo siya rito dahil naka-atake na naman ang pagiging halimaw nito.

Kalaliman na ng gabi sa bayan na iyon ng mga bayarang assassin. Wala pang limang minuto naubos na nito ang lahat ng nasa base na higit dalawang daan ang bilang. Dugo ang nangingibabaw na amoy sa paligid.

"Sa kabila ng mukha niyang anghel, tignan mo't nagagawa niya 'yan ng wala man lang nararamdamang awa. Nasisiguro kong lalaki siya na mahihigitan ang kanyang ama, " wika ng isang boses lalaki na may kalakihan. Madilim ang paligid nito at tanging sa malaking salaming antigo lang nito pinanonood si Seventh. Nasaksihan niya kung paano nito pinaslang ang mga kalaban gamit lamang ang kaliwang kamay nito.

"Left-handed si Crescent na hindi nakuha ni Seventh," wika naman ng babae na nakahawak sa likuran ng swivel chair ng lalaki.

"Nagkakamali ka, kaliwete si Seventh sadya lang maliit na bagay lang sa kanya ang tumapos ng buhay," ngisi ng lalaki.

"Ikaw lang ang sinusunod niya, ngunit kung patuloy siyang magiging malakas hindi malayong iwanan ka na rin niya," wika pa ng babae.

" Aking kamahalan," boses ng isa pang babae na papalapit sa dalawa. Nagliliyab ang mga apoy sa paligid na nagsisilbing ilaw ng mala-kuwebang iyon. " Narito si Shin Crescent para bisitahin kayo," dugtong nito. Sabay na umayos ang dalawa at agad nawala sa screen si Seventh.

Tamtam's POV

"Master Seventh!" Sigaw ko. Kahit maliit ako naririnig naman niya 'ko. Hindi bingi ang master ko, higit sa lahat sobrang cute ko kaya he can't take his eyes off me! So don't dare to touch my master or else I cursed you to death!

They used to call my Master " Crimson-Eyed-Demon" he was hated by his brothers. Hindi iyong mga impostor brother niya kundi iyong mga kinalakihan niyang kapatid na si First to sixth. Sanctum brothers trained to kill brutally. Hindi sila nagtatanong kung bakit o ano ang dahilan bakit kailangan ipapatay ang mga tao o nilalang na 'yon. Para silang mga robot na sinusunod lang ang utos ng tinatawag nilang "Father" hindi siya si Crescent na biological Father ni Master pero siya ang nag-aruga at dumurog ng puso ko sa tuwing nasasaktan si Master sa mga pinaggagawa niya! But my master, sobrang lakas na niya kumpara noon.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now