TF: Trump Card!

2.1K 218 77
                                    


Dedicated to Marivel Cunanan! :) Maraming salamat sa pagiging isang mabuting kaibigan sa 'kin, I wish you all the happiness in the world. Sana napasaya ka ng chapter na 'to. Sobrang thankful ako na nakakilala ako ng isang tulad mo na hindi ako iniwan. Maraming thank you! <3 I hope you'll still with me until I ended up writing -- I hope to see you.. <3 #Misa

TORMENTED FATE

TRUMP CARD <3

"Paslangin ang mga anak ni Crescent!" ang yumayanig na tinig ni Gremory ang gumulantang sa Abyss. Agad na kumilos ang Sanctum Brothers at ang iba pang lipi ng mga alagad ni Gremory na 'di matawaran ang dami. Ngunit ang grupo ng Scorpion ay bigla ring naglabasan na hindi napagkikita sa oras ng kagipitan. Maging ang mga anino nito'y nawala sa loob ng tore sa pagitan ng sagupaan ni Gremory at ni Crescent na nasa tore.

Si Lyra ay nanatili lang na nakasalampak habang nakasubsob ang mukha sa dalawang palad. Tila ba ang nagaganap na kabilaang sagupaan na nagrersulta ng pagkawasak at malalakas na kapangyarihan ay 'di nakapagpapatinag sa kanya. Higit na naging malakas ang mga anak ni Crescent na tila ba ang mga kalalakihang Sanctum Brother's ay nahihirapan sa lakas ng p'wersa mula sa mga espada nito. Marahil galit ang nagpapalakas sa mga lobong kalaban nila –iba na talaga ang maitatalang kasaysayan sa pamilyang WOLVEUS.

Si Crescentine sa kabila ng itim na mga pakpak nito ay naroon pa rin ang puso niyang nagnanais na mailigtas ang mundo matapos ang sagupaan sa Abyss. Si Shin at Seventh bagaman 'di nila ninais na tulungan ang isa't isa –kusang dugo't laman nila ang nagdidikta na wala ng iba pang paraan kundi ang magtulungan sila. Paraa saan pa ang sakripisyo ng kanilang ama? Para saan pa ang sandata!

Galit ang tumatakbo sa mga dugo nila. Hindi naging patas ang mundo kaya naging ganoon sila, hindi sila ang lumikha ng sariling halimaw nila kundi ang mga nilalang na pilit silang gustong abusuhin dahil sa kakayahan na meron sila. At kahit kailan hindi gusto ni Crescent na maging alipin siya, maging ang mga anak niya nang mga nilalang na abusado.Iyon ang dahilan bakit sila lumalaban. PARA SA MUNDONG MATATAWAG NILANG KANILA AT WALANG KAHIT NA ANONG PANGHUHUSGA SILANG SASAPITIN.

Hinusgahan at pinarusahan –isama pa ang mga sumpang ikinabit sa kanila dahil sa dugong bumubuhay sa kanila. Kung tutuusin takot ang mga ito na makamit nila ang hangganan ng lakas nila, dahil higit silang malakas. At bilang mga anak ni Crescent, hindi nararapat masayang ang mga paghihirap nito para sa kanila. Handa na nilang tamasahin ang kamatayan para sa kanilang minamahal na ama.

Sa bawat hagupit ng mga sandata nila ay may kaakibat na pagyanig sa mundo ng mga mortal. Napakalakas ng mga sandata –mga sandatang nagawa nilang gamitin sa wastong paraan dahil sa pagnanais na maghiganti at matalo ang mga nilalang na handa silang wasakin.

Dahil sa pagkaabala ng tatlo sa kani-kaniyang mga laban dahil sa pagpipigil ng mga ito na magawa nila ang trinity blood ay 'di nila napansin ang isang babae na nasa likuran ni Lyra. Ang namumuhing si Cleofas na handa ng wakasan ang buhay ni Lyra gamit ang espadang tangan niya.

" Kasalanan ng isang mahinang tulad mo kung bakit namatay si Crescent! Minana ng anak mo ang kahinaan ng utak mo!" sigaw nito na hindi pa rin nagpatinag kay Lyra na wari'y dinaramdam pa rin ang naganap kay Crescent.

Mabilis ang kaganapan at mabilis siyang nakalapit kay Lyra at sinaksak niya 'to mula sa likuran. Malakas ang p'wersa ang inilaan niya rito ngunit laking pagkabigla niya ng may ibang kamay ang nakahawak sa espada niya at may galit sa mga mata nito. Isang estranghero na sa isang iglap ay nagawang wasakin ang espada niya sa pagkuyom lang ng palad nito sa talim niyon.

Si Blood ang estrangherong iyon na bigla na lamang lumabas sa harapan niya. At walang pagdadalawang isip nitong dinukot ang puso ni Cleofas gamit ang matatalas at itim na itim nitong kuko na ikinabigla ng dalaga. Dugo ang unang lumabas sa labi niya at naramdaman niya ang pagkuyom nito sa puso niya hanggang sa sumabog iyon kasabay ng pagsigaw niya. Ang huling alaala niya bago tuluyang pumanaw ay ang pagtatalsikan ng dugo niya sa mukha ng binatang iyon na ngumisi pa.

RBW Series 2: Tormented FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon