TF 35: OVER

1.8K 190 57
                                    


Maraming salamat sa inyong pagsuporta sa mga istorya ko. Hindi ko man talaga kayo nakita at nadama, wala naman akong magagawa kung ayaw n'yo. :) Kung nahihirapan naman kayo sumunod kahit post n'yo na lang sa wall post n'yo sa facebook ang #NOVELISTAS17  <3   Para sa 'king asawa na si Sebastian. Ise-search ko 'yan. <3

Dedicated sa 'yo sa sobrang effort mo! I love you na, salamat sa suporta sa stories ko! Nakakataba ng puso. <3




**


" Papa," tawag ni Shin kay Crescent nang maabutan niya 'to sa isang malaking kuwarto. Nakatanaw ito sa bintana na gawain nito madalas kahit noon pa mang bata siya.

Narinig niya ang pagsara nang pinto, hudyat na sila na lamang dalawa ang makakarinig sa usapan na mamamagitan sa kanila. Sa kawalan ng laman ng kuwarto, nag echo ang bukas niya roon. Malamig rin ang kuwarto na tila may dumadamping mumunting nyebe sa labat ni Shin.

"Papa," ulit ni Shin na pagtawag dito. Tila ba hinang-hina siya sa 'di niya malamang dahilan. Mas malakas pa ang kabog ng dibdib niya at naroon ang pangamba at takot na marahil sa matutuklasan niyang katotohanan ay makasisira ng imahe nitong nabuo sa isipan niya.

"Shin," wika nito na nakapagpabigla kay Shin na agad ring nakabawi at lumakad palapit dito. Sampung hakbang na lang ang pagitan nila at nanatili itong nakatalikod sa kanya. " Lumaki ka na nang tuluyan," anito pa, kaya naman hindi umimik si Shin. Naipikit niya nang mariin ang mga mata.

"Ano ang totoo, papa," kulang sa lakas na tanong niya rito.

"Totoo na isang anak na lalaki lamang ang isinilang ni Lyra," pasimula nito. " Totoong iisa lang si Shin Crescentine, at hindi tatlong lalaki na ngayon ay haharap sa 'kin sa magkakaibang oras,"

"Diretsuhin mo na! Totoo bang anak mo 'ko?!" napalakas na sigaw niya rito. Pakiramdam niya masisiraan siya ng ulo sa bawat segundong lumilipas na nabibitin siya sa mga pananalita nito na gigimbal sa kanya.

"Walang buhay ang isinilang ni Lyra, " anito,

"Ibig sabihin wala kang totoong anak?" pagak na tumawa si Shin, naihilamos niya ang dalawang palad sa mukha.

" Kung sasabihin ko sa 'yo ang totoo, maniniwala ka ba?"hinarap ni Crescent si Shin na hindi makatingin ng diretso sa kanya. " Namatay siya sa mismong araw na isinilang siya, dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Lyra na tinubos ang anak namin dahil sa mga kasalanang nagawa ko noon ay gumawa ako nang ibang paraan. Isa akong tunay na anghel sa unang buhay ko," ang mga salitang 'yon ang gumimbal kay Shin.

Anghel? Anghel na kalaban nila? Mga anghel na pumatay kay Kana? Ang mga anghel na kinamumuhian niya?!

"Isa kang sinungaling na Anghel, " aniya sa ama, galit ang nanalaytay sa mga mata niya. Ang mga ngiti ni Kana, ang mga mata nito na sinumpa man ay napakainosente, si Kana na itinangi niya ay pinatay ng mga anghel. " Kung isa kang anghel bakit gusto ka nilang patayin lahat?! Bakit kahit saan ko ibaling ang mga mata ko palaging masama ka sa kanila!" aniya pa.

" Dahil masama naman talaga ako," walang gatol na wika ni Crescent na hindi kinakitaan ni Shin nang damdamin. " Itinakwil na 'ko bilang anghel, isinilang sa ibang lahi ng mga lobo at naging kakambal ni Light, binigyan ng sumpa ng kamatayan ang bawat mapapalapit sa 'kin at sa ikatlong bahagi ng buhay ko, isinanla ko ang kaluluwa ko sa demonyo para ibalik ang anak ko, para kay Lyra, para hindi siya mahirapan at masaktan, " anito pa.

RBW Series 2: Tormented FateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora