TF: Unfinish

2.1K 184 29
                                    


Some chapters may be added! :)

Thank you! 

On march I hope you'll buy the edited version of TF. 


__TF__

UNFINISH

Nakatanggap ang mga anghel ng kautusan sa mga isipan nila na panoorin lang ang mga nagaganap. Maging ang mga matataas na anghel na nakikita ang pangyayari sa mga ulap na nagsisilbing salamin na nagpapakita ng nagaganap sa Abyss ay namamangha sa itim na itim na Dragon na tila likha sa diamante. Habang tila maliit na tao lamang si Crescent sa harapan nito na tinatangay ang pilak na buhok.

" Habang abala si Crescent, papaslangin ko ang mga anak niya," ani Virgo na nakangisi. Gaano man kagaling si Crescent, higit ang kakayahan niya rito. Ngunit hindi ito ang gusto niyang kalaban, kundi ang mga anak nito na ikasasaya niyang punuin ang mga kamay niya at kasuotan ng tilamsik ng mga dugo nito.

DRAGON

Matagal ng panahon ang lumipas, wala man lang nakapukaw sa 'king atensiyon. Ako si Craxus ang Dragon na taga-bantay sa ika-walong pintuan. Ako ang natatanging tagabantay na hindi namimili ng lahi o kasunod ng nauna kong Diyos katulad ng ginagawa ng iba na kung sino ang Diyos ang mga anak o sa iisang lahi lamang sila kukuha ng kasunod.

Isa ako sa unang mga tagabantay, lahat ng bilang ay dinaanan ko na. Ngunit nitong Isang libong taon na ang nakalilipas ng mapuno ang pitong pintuan at lahat ay may hiranging Diyos at ako ang walang naiwanan. Sa kadahilanang iyon, ako ang itinuring na pinaka-nakakatakot na tagabantay sapagkat isang masamang pangitain ang magkaroon ng walong Diyos –Digmaan ang katumbas.

Malupit ako at mapangwasak, hindi ko gusto ang inuutusan ako at lalong 'di ko gusto ang mahinang Diyos. Pinapatay ko ang mahihina at ako'y nahihimlay at magigising na lamang sakaling may nadama akong kalakasan na may kakayahang maging isang Diyos, ngunit ang pitong napili ko'y mga walang silbi! Nakakagalit sila kaya pinapaslang ko sila! Mga paimbabaw na sa una lamang magagaling! Kaya mula noon, hindi na 'ko gumigising sa kakaunting kalakasan lamang, gigising lamang ako sakaling may puwersang hihigit sa inaasahan ko. P'wersang kusang magbubukas ng lagusan at pintuan ko, hindi tulad noon na ako mismo ang lalapit sa kanila.

Ang puwersang pumukaw sa 'kin ay kakaiba, ilang beses niya 'kong tinangkang gisingin. Ilang beses niyang halos wasakin ang aking pintuan na ni minsa'y 'di naganap. Ngunit 'di ako kumilos, bagkus hinintay ko siyang muling gawin ang maglabas ng higit pang kalakasan. Akala ko hindi na siya muli pang magbabalik, hanggang sa kusa na niyang nawasak nang kapangyarihan niya ang aking pintuan. Ang pintuan kong iyon ay naka-programa na ma detekta ang malalakas na uri ng kapangyarihan.

" Nakahanda ka na ba?" nang-uuyam kong tanong sa kanya. Ngunit imbis na sagutin ako'y hindi siya kumibo. Nakatitig lang siya sa 'kin, titig na unang beses kong nakita sa tanang pagkilala ko sa mga napipili kong Diyos. Walang takot, walang kahit ano akong makapang agam-agam sa kanya, naroon ang pakiramdam na malaki ang paniniwala niya sa sarili niyang kalakasan.

" Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman," aniya na ikinapagtaka ko. May inilabas siyang espada sa mga kamay niya na hindi man lang bumubuka ang bibig niya samantalang isang spell ang nakakapagpapalabas ng mga sandata mula sa kawalan. Isa na 'yon simbolo ng kalakasan –ngunit marami ang may ganoong kakayahan para humanga pa 'ko.

Nakatitig siya sa 'kin na tila nakikipagsukatan pa.

" Kung sakaling matatalo kita, isang malaking dismaya ang mararamdaman ko. Iniisip ko na napakalakas mo, at malaki ang puwersang tatanggapin ko sakaling mapasa'kin ka, kaya kung matatalo kita ano pang nanaisin ko sa 'yo?" sumilay ang dismayadong ngiti niya.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now