TF 8: Body, Soul, Shadow

2.6K 202 100
                                    

         

TF 8: Body, Soul, Shadow



  "Kapag ganito nang ganito hindi natin matatagpuan iyong sinasabing lugar," Wika ni Crestia sa kay Crescentine na wala namang reaksyon. Paano napakaraming barko pero walang may gustong maghatid sa kanila sa islang sinasabi sa kumakalat na papel kung nasaan si Crescent.

"Sino bang may sabing sumama ka?" Malamig na wika ni Crescentine na ikinanguso ni Crestia. Napakasungit talaga nito, ipinagpapasalamat na lang niya na tila wala itong kahilig-hilig sa babae kahit halos magkanda haba-haba ang mga ulo ng babae para lang masundan ito ng tanaw.

"Sa daungan black market darating ang barko ni Crescent tama ba? Iyon na ang maghahatid sa 'tin? Sa tingin mo napaaga tayo?" Tanong ng isang manlalakbay na may malaking pangangatawan na may nakasukbit na gitara na maaaring isa ring sandata. Sa panahon ngayon napakarami ng bihasa sa pag gawa ng sandata.

"May ilang buwan pa tayo para manatili sa black market," wika ng isa pang lalaki.

Dahil sa narinig nila Crestia hindi na sila nagpatumpik-tumpik at nagtungo sa black market. Doon nila napagtanto na ang halos lahat ng sakay sa barko ay nais ring sumakay sa nasabing barko na sa Black Market lang dadaong.

"Hindi ka ba natatakot sa papa mo?" tanong ni Crestia kay Crescentine. Lumayo talaga sila sa iba dahil bugnutin si Crescentine kapag maraming naririnig. Ewan ba niya, tila lagi itong may menstruation.




CRESTIA BELL'S POV

"Bakit?" Tinaasan ba naman ako ng kilay?!

"Wala, tignan mo parang ang sama niya kasi. Iyong pinag-uusapan nila," sabi ko. Paano ba naman kung paano pumatay ang papa niya ang pinag-uusapan, at ang pagiging child of misfortune nito ay kalat na kalat, samantalang isang malaking dagok sa isang isla kapag ipinanganak kang isa sa mga may pulang mata dahil iyon daw ay lilikha ng delubyo, kasiraan, kamatayan at parusa sa isang tribo, isla o angkan.

"Nasa dugo ng mga misfortune ang pagiging mabangis na hayop," wika ng isang babae na mukhang papatay agad. Binalikan ko na lang ng tingin si Crescentine, pagkita ko nakabukas na naman ang tatlong butones ng white polo niya.

"Ano ba!" Galit na hinawakan ko ang polo niya para isara, gawain ko 'to madalas.

"Mainit, " tinabig niya ang kamay ko. Hindi ba niya alam ayokong makita ng iba 'yon? Tss. Kitang-kita ko ang kuwintas niya " Crescentine" it was given by his father who died a long time ago. Alam ko na hindi siya naniniwalang buhay ang papa niya. Pero tila bingi siya kapag sinasabing masamang nilalang ang ama niya, kung nasa eskuwelahan kami makikipag-way 'to habang walang pumipigil dito na mataas hindi ito titigil kaya karamihan halos mamatay na. Salamat nga't importanteng nilalang si Rozen Maiden kaya hindi siya pinaaalis sa lugar.

RBW Series 2: Tormented FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon