TF 31: Reunited (SevCylle)

1.9K 188 40
                                    



Last 10 chapters. 

* 85 votes next chapter *


TORMENTED FATE

" REUNITED" 


Isang grupo nang manlalaro ang pumalibot kay Seventh. Ito ang nagdadala ng numerong 5,3,8,9 at 11. Naroon sila sa isang open field at nasisiguro niyang sinundan siya nang mga ito.

Wala siyang panahon para sa mga ito dahil nalalabi na ang oras nila sa mundo kaya naman walang awa niyang pinatay ang mga ito. Hinaklit niya si #5 at buong lakas na tinagpas ang ulo nito gamit ang talas lamang ng mga itim at mahahaba niyang kuko. Sinunod niya ang lumilipas na si #8 na pasugod sa kanya mula sa himpapawid pababa. "Lightning blade," ani Seventh kasunod nang paglabas ng isang sibat sa kamay niya na nabuo mula sa itim na hanging naging solidong espada –iyon ang inihagis niya pasalubong sa lumilipad na kalaban na halata ang pagkabigla. Agad itong tatakas ngunit mas mabilis ang sibat ni Seventh dulot nang pwersang kaakibat niyon mula sa kamay niya. Sumaksak iyon sa bibig nito hanggang sumabog ito kasama ng sibat sa ere –bagsakan sa lupa ang dugo nito na tila dumilig sa paligid ni Seventh.

" Tamtam, eliminate them, " ani Seventh sa lumilipad na si Tamtam sa tabi nito. " Be my blade, " ani Seventh kasunod nang pagiging isang espada ni Tamtam na ngayon ay kulay pula na may itim na hawakan. Mabilis sa kidlat na kumilos si Seventh na ikinatakot nang tatlo –kakaiba ito.

Inilabas ni #11 ang malaking palakol niya at hindi niya mapigil ang ngisi dahil nakikita niya ang pag galaw ni Seventh kaya nagkrus ang espada nito at ang talim ng palakol niya. Isa siyang malaking nilalang kumpara kay Seventh, walong talampakan na may namumutok na muscle ang katawan niya at talagang naiatras niya si Seventh pero ang mga mata nito ay tila walang emosyon.

Napatitig siya sa mga mata nitong mapula. Dalawang pulang mata ni Seventh na nagpahinto sa kanya kasunod nang pagbagsak niya sa palakol niya. Para siyang na exorsismong umikot ang itim na mga mata, naglabasan ang mga ugat sa walang buhok na ulo at tila may dahilan kung bakit nagngangalit ang mga ugat nito na halatang puputok na.

Tinignan ni Seventh ang dalawa pang natitira si #9 at #3. Kapwa takot ang mga ito lalo na nang magsimulang magdugo ang tenga, ilong at maging pagluha nang dugo ng kasamahan nila ay nasaksihan nila bago ito tuluyang sumabog. Naglasug-lasog ang laman nito na bahagya pang gumagalaw-galaw maging ang utak nito'y sa mismong harapan nila sumabog.

Tatakasan na nila si Seventh ngunit sa pagtalikdo nila ay naroon na rin ito nakangisi at walang hirap na hinati silang dalawa ng saba sa ulo at hindi pa 'to nakuntento sa pagtagpas ng ulo nila at sinundan pa nito nang pagputol sa mga paa nito. Tumalsik ang mga dugo nito maging sa pisngi niya ngunit naglalaro ang ngiti sa labi niya.

Nakapagaling nito, tila ba mahihina lang ang nakalaban nito. Samantalang malalakas ang mga ito kaya natira. Duguan, lasug-lasug at ang mga pugot na ulo ay nakatingala sa mapanglaw na kalangitan.

"Papatayin ko ang lahat at kaming tatlo ang matitira para magkaalaman. "ani Seventh kasunod nang paghampas nito sa hangin ng espadang si Tamtam at humiwalay ang dugo ng mga pinatay niya sa patalim nito. Nang magbalik si Tamtam sa dati ay agad siyang naupo sa balikat ni Seventh.

"Sasamahan kita, Master," ani Tamtam na buong loob na susuportahan si Seventh sa lahat nang naisin nito.

Plano nitong patayin lahat at ihuli ang mga kamukha nito. Walang saysay ang naging laban lalo pa't isa lamang iyong kalokohang binuo sa loob ng Abyss. Oras na matalo niya ang lahat nang naroon at matira sila makakalabas na sila sa huling stage na 'yon at magsisimula ang inaasam niyang tunay na digmaan nang pinakamalalakas.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now