TF 20: SHIN

2.3K 184 25
                                    

+Dedicated sa'yo kasi lagi mo binabasa mga stories ko kahit iba iba genre hihi! *u*


 TORMENTED FATE

CHAPTER 20 

" SHIN " 



IILAN na lang ba sila? Nabigla sila ng bumukas ang ika-pitong tarangkahan ng hindi lumalabas si Elfhora. Nagkalat ang dugo sa paligid at iilan na lamang silang nakatayo.

"Bakit bumubukas na agad siya?" Takang tanong ni Serene ang isa sa mga natirang babae na may kulay gintong buhok.

"Patay na siya, may isa sa atin ang pumatay sa kanya, " wika ng isang lalaking may matikas na pangangatawan na nakamasid sa naglalahong kumunoy at nagiging lupa na lamang iyon.

"Sino? Paano niya natagpuan si Elfhora?" Takang-tanong ni Elvira ang isa pa sa natira na bumaba na mula sa pagkakalipad.

Tinignan nila ang screen bago lisanin ang stage ni Elfhora ang bilang na lamang nila ay 31 ibig sabihin labing siyam ang namatay sa kanila. Ngayon na kakaunti na lamang sila nararamdaman nila na ang ika-pitong pintuan ang sasala sa kanila.

Pagpasok nila sumalubong sa kanila ang malaking Arena at napakaraming nanonood na hindi pangkaraniwan ang mga itsura. May ilang mukhang tao ngunit halatang may halong halimaw ang mga ito, ang karamihan naman ay mga halimaw at hayop talaga. Maingay ang mga ito na tila pinagpupustahan sila sa sariling lengguwahe ng mga ito.

Pagbukas nila ng pintuan nasa loob na agad sila ng malaking Arena na may paikot na mga manonood sa ikalawang palapag. Napakalaki ng arena.


"FINALLY! Nakarating na ang pinakahihintay natin!" Wika ng isang babae na may kulay pink na handle ng mic habang gumigiling ito sa isang mesa. Ito marahil ang announcer, kulot ang buhok nitong asul na hanggang balikat. Balingkinitan ang maputi nitong katawan, habang ang kasuotan nito ay strapless at naghuhumiyaw ang dibdib nito, na tila nais kumawala at ang ibabang parte ng suot nito ay hapit na hapit ring kulay balat na short na nagpabakat ng V sa bandang ibaba nito. Mayroong itong matang pusa na kulay asul. " Ang mga natitirang kalahok! " Malakas at masiglang wika nito na itinuro sila kaya naman iba-iba ang reaksyon nila. Naghiyawan naman ang mga nanonood na akala mo kilala sila at kung makasigaw, kung sana nauunawaan lang nila ang mga sinabi ng mga ito.

"Hindi ba muna nila tayo pagpapahingahin," ani Crestia kay Crescentine nasa west side ng mga tao sila nakaharap. Hindi nila alam na sa likuran nila ay naroon sila Jasmine na sa ibang parte naman nakaharap.

May bumulong na isang babaeng naka long sleeve white polo shirt a may kahabaan at wala na itong pang ibabang pants ang bumulong sa babaeng masiglang nagsasalita. Tumangu-tango naman ang babae.

" Maari na kayong mag grupo sa anim na grupo! Tatanggap kami ng anim na miyembro at lahat ay lima na dahil sobra kayo ng isa. Ngunit pagpapahingahin muna kayo para naman masarap pa rin kayong kainin kapag relax ang mga muscles n'yo, kapag may nais kayong sabihin pindutin n'yo na lang ang red button sa kuwarto at didirekta iyon sa council! " sinundan ng hagikgik ng babae.

Bigla na lamang lumubog ang tinutuntungan nilang stage na tila pababang elevator. Kitang-kita nila ang bawat gilid mga preso na nakahawak sa rehas, mainit ang pakiramdam sa loob, sampung layer siguro ang mga preso na 'yon na paikot at tila gusto silang abutin. Nanlilisik ang mga mata nito pero hindi nila makita ang mga mukha nito. Ngunit may ilang tila tuyot na ang mga kamay na umaabot sa kanila na tila mabangong pagkain sila na gustong dakmain ng mga ito.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now