TF: MOMENTS

2K 163 29
                                    


Thank you for reading TORMENTED FATE.

Incoming stories:

( Please, put it on your library to keep you updated! )

RBW series IV: CATASTROPHE

RBW series V: Seventh Sanctum ( Red-Eyed Demon )

RBW series VI: The Emperor's Blood!


TORMENTED FATE

" MOMENTS "

" Kailangan kong sumama sa 'yo, isa pa hindi ka pa ganap na Diyos dahil hindi pa siya nagigising. Ang kalahating katauhan ko, si Craxus Croszeria–" paliwanag ni Tyrania Craxus –dalawa silang taga-bantay. Ito ang kapangyarihan na makakamit ni Crescent, ang kakambal niya. "Kahit saan ka pumunta makikita kita, dahil nasa katawan mo na ang marka ko," anito pa na hinahabol si Crescent.

"Crescent, " si Rozen 'yon na hinang-hina na. Tila ba muling guminhawa ang pakiramdam niya ng makita ang lalaking iniibig pa rin. Nakalapit na siya dito habang si Tyrania ay papalit-palit ng tingin.

"Nasaan ang anak natin –ang anak mo, si Crescentine?" nag-aalalang tanong nito. Bumalong ang luha nito, " Hindi ko siya matagpuan, " nanghihinang napahawak si Rozen sa braso ni Crescent.

Nabigla si Rozen ng maramdaman niyang umangat siya at mapagtanto niyang binuhat siya nito. " Ililigtas kita sa lugar na 'to, para kay Crescentine at sa pag-aalaga mo sa kanya, " wika ni Crescent. Nagliliyab na ang buong paligid at totoong ilang minuto na lamang ay maglalaho na ang Abyss.

"Wala na siya, ang isang katauhan ko na nagustuhan mo. Naglaho na siya sila sa kawalan ni Light matapos kong muling makuha ang kapangyarihan nila, " ani Crescent, pagpapaliwanag na hindi sila nagsama-sama kundi naging pagbubuo lang ng kalakasan niya. Wala na ang dalawa, naglaho na sa kawalan na tila mga hangin.

Tumango si Rozen na kumirot ang puso. Nararamdaman niya na hindi nga ito si Crescent na nakasama niya, ibang-iba ang pananalita nito at hindi ito ngumingiti katulad ng isa pa. Masyado ring malamig ang boses nito. Sa ngayon, hindi naman na niya gustong makibahagi sa pagtingin ni Crescent, gusto niya lang na makasama si Crescentine. Ito lamang ang mayroon siyang kayamanan.

Naglaho silang tatlo sa lugar na 'yon. Ibinaba ni Crescent si Rozen ng bumukas ang malaking tarangkahan sa mundong namulatan nila matapos ang kadiliman. Napakaganda, sariwa ang hangin at puno ng kapunuan at isang tunay na paraiso. Walang mga taong mapanira ng kalikasan, walang pagbabadya ng digmaan –ang mundong nilikha niya sa tulong ng mga katauhan niya't ang kanilang likhang anak na si Blood.

Nanunulay ang kalungkutan sa mga mata ni Crescent, pakiramdam niya bigong-bigo siya sa 'di pagkakadala sa mga anak nila. Marahil magagalit si Lyra, hindi niya rin alam kung paano niya gugustuhin ang bago't magandang mundo na 'yon kung ang isipan niya'y nagugulo sa isiping nasasaktan at pinahihirapan ang mga anak niya sa kung saan ang mga ito naroon.

"Master –" ani Tyrania ng makitang bumubukas na ang tarangkahang pilak na may iba't ibang batong tila ruby na nakakorteng W.

Bigong-bigo ang pakiramdam ni Crescent, hindi niya alam kung paano haharapin si Lyra. Nang tuluyang bumukas ang tarangkahan ay nakita ni Crescent ang babaeng iniibig niya –pag-ibig na kahit kailan hindi nawala sa kanya. Nakita niya na magkasalikop ang kamay nito at bumabalong ang luha habang nakangiti sa kanya.

"Crescent, " lakad takbo ang ginawa ni Lyra hanggang marating niya 'to. Niyakap niya 'to ng mahigpit habang palakas nang palakas ang pag-iyak niya. Naramdaman niya rin ang paghigpit ng yakap nito sa kanya.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now