(10) The Top Learner

4.7K 148 5
                                    

'AYOKO SA KANYA. AYOKO SA KANYA. AYOKO SA KANYA.'


Yan. Yan ang masasabi ko sa huling Exceptional Learner na ipakikilala ko. Kung sa akin lang, hindi ko na ipapakilala tong isang to. Pero para fair and square, kahit ayaw ko, gagawin ko.


Jed Matthews.
The Top Learner. 

He possesses the elemental power of Fire. He can create, control and manipulate fire, flame and heat. In just a second, he has the power to bring you in hell. He also has the ability to control weather by mixing water, air, fire, earth and lightning /electricity. Di na maikakailang siya talaga ang pinakamalakas dahil kaya niyang kontrolin ang elemental powers.


Para sakin hindi 'Top Learner' ang dapat itawag sa kanya kundi 'The Devil Learner'. Kasing init ng kapangyarihan niya ang init ng dugo ko sa kanya.


Oo. Malakas, magaling at deserving siya as the top learner pero yung ugali niya. Arghh. Never mind.


Snob, seryoso, strikto, tahimik, brusko, matalino, malakas at sige na nga, gwapo daw. Daw ha. Pero para sakin, lahat ng ugali niyang yan na sinasabi ng iba, ay hindi totoo.


Bakit ba pag kaming dalawa lang ang magkasama, ehem no romantic meaning, lahat ng ugali niyang yan, hindi ko makita.


Sa lahat ng E.L, siya ang pinaka ayaw ko. Wala na siyang ginawa kundi guluhin ang buhay ko. Simula nung dumating ako dito sa Enchanted at mapunta sa Star Section, palagi na lang akong ginugulo ng Jed na yan.


Anytime. Anywhere. Basta makita niya ako, palagi na lang niya akong pinahihirapan. Lagi niyang sinasabi 'Oh ano, di ba holder ka? Asan na ang kapangyarihan mo?', alam ko na ginagawa niya ang lahat ng pagpapahirap sakin para lang malaman niya ang kapangyarihan ko.


Sa lahat ng curious sa kapangyarihan ko, siya rin ang top dito. Ano bang pakelam niya kung ayaw kong ilabas at ipaalam kung anong meron ako. May magbabago ba? Wala naman diba. Siguro mas lalala ang pang bubully niya sakin pag nalaman niya yung kapangyarihan ko kasi di niya ko kasing lakas.


Masasabi ko na malakas talaga si Jed. Palagi siyang panalo pag may Trial and Error dito sa Enchanted. Ang Trial and Error ay isang paligsahan na kung saan maglalaban-laban ang mga Exceptional Learner not just physically pero mentally din. May written exam at strength competition. Simula nung dumating ako dito, siya na palagi ang nananalo. His greatest competitor ay si Lei. Tuwing napapanuod ko ang laban ng dalawa, masasabi kong Fight between two giants ang mangyayari. Pero in terms of strength, higit na mas malakas si Jed.


Habulin ng Feminine Holder (Estudyanteng babae sa Enchanted) si Jed. Lahat daw kasi gusto nila sa lalaki, nasa kanya niya. Kung alam lang nila ang tunay na ugali ng isang yan. Sigurado akong aayawan nila siya.


Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng holder dito sa Enchanted, ako ang pinaka gusto niyang bully-hin. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Ni hindi nga kami nag-uusap o nagtitinginan niyan. Ni minsan hindi nagtagpo ang mga mata namin.


Isang beses sinunog niya lahat ng librong dala ko noon para lang mainis ako at ilabas ko ang kapangyarihan ko. Kahit na inis na inis ako sa kanya o mas tamang sabihin, galit na galit ako sa kanya dahil sobrang halaga sakin nung mga librong sinunog niya, kinalma ko ang sarili ko at hinayaan na lang siya. Simula noon, palagi na lang niya akong kinakawawa. May mga pagkakataon na pakukuluin niya yung iniinom kong tubig o kaya susunugin niya yung kinakain ko. Mga bagay na talagang sobrang ikinagagalit ko. Nagtataka lang ako kasi pag may ibang holder naman sa paligid, nag-iiba siya. Yun bang parang, wala siyang ginagawa, aksidente lang, pa-cool effect. Siguro may sira lang sa utak tong isang to.


Sa palagay ko, nachallenge si Jed na mailabas ko ang kapangyarihan ko dahil sa kanya. Lahat kasi ng beses na sinubukan niya, ni isa sa mga ito hindi nagtagumpay. Pero sinisigurado ko kahit na abutin pa ng milyong beses ang pang-iinis niya sakin at pagkawawa, hanggat kaya kong itago, itatago ko.


Hindi ko gaanong kilala si Jed. Kung bibilangin ko ang impormasyon na alam ko tungkol sa kanya, bilang sa daliri ang mga ito. Malihim na tao kasi siya. Ni family background o past niya hindi ko alam o mas magandang sabihin, hindi ko inaalam. Pero ang alam ko, may reason din yan kung bakit siya pumasok dito at kung bakit niya gustong manatili bilang isang Exceptional Learner at bilang Top Learner.


The Top Learner.

Di man kita lubusang kilala pero sini-sigurado ko, makakabawi din ako sayo.


***


Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now