(46) Outside Look

2.7K 97 0
                                    

Casie's P.O.V

Two days passed and by now, we are really confused on what is happening right now. After ng incident sa Arena, hindi na namin nakita sina Jed and Raxelle. Nalibot na namin ang buong Enchanted kahahanap sa kanila pero wala kaming napala. Sana lang ay magkasama sila dahil alalang-alala na kami sa kanila. On the other side, nagulat kami sa nalaman namin about Ro's condition. She has emotional disorder. Ang sabi ng Healer, based on her experiments and observation, Ro can't able to control her emotions accordingly. Kumbaga, she can't think straight once naapektuhan na ng emotions niya ang pag-iisip niya kaya paiba-iba ang mood and behavior niya.

What happened on the Arena made her suffering severe. Heart break and disappointments probably the causes. By now, nakadetain ngayon si Ro sa Psychological Infirmary. Sabi ng Healer, week lang daw ang itatagal ng medication ni Ro kaya huwag na daw kaming mag-alala.

"Wala pa bang balita?" He asked again. For the nth times, kanina pa niya yang itinatanong.
"Wala pa daw Mackie."- Lei
"Ano ba naman tong nangyayari sa atin. Kung kelan malapit na ang misyon saka tayo nagkakaganto."- Renz
"Ano ng gagawin natin?"- Maddison
"Stand by na lang muna if meron ng balita about Jed and Raxelle. Sana lang ay mahanap na agad sila."- August
"Magkasama kaya sila?"- Renz
"Sana lang ay oo para mapanatag tayo."- August
"Tssssk." His face, mukhang ayaw niya ng ideyang yun.

Wala kaming nagawa kundi ang manatili dito sa room at manahimik sa kanya-kanyang pwesto. Hindi na namin alam ang gagawin.

Hey. Napakahalaga talaga sayo ni Raxelle ano? Two days ka ng balisa at aligagang-aligaga. Nadala ka na siguro nung nawala siya noon. In your case, mukhang hindi mo kaya kung mawawala siya ulit. It only proved how much you love her. And it's really different on the way you loved me before. How lucky she is. :) ---> :(

---

Raxelle's P.O.V

Dalawang araw...Dalawang araw na kaming palakad-lakad. Kung san-san na kami dinala ng aming mga paa.

"Raxelle, san ba tayo pupunta?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit niya ako sinusundan. sinabi ko na sa kanya na iwan na niya ako at bumalik na siya sa Enchanted pero hindi niya ako sinunod.
"Hindi ko alam Jed. Pero parang may gustong puntahan ang mga paa ko. Parang may sarili silang buhay."
"Magpahinga na muna tayo. Kanina pa tayo naglalakad ee." At dahil medyo napapagod na rin ako.
"Sige. Pahinga na muna tayo"

Mauupo na sana kami sa ilalim.ng punong nadaanan namin ng may mapansin ako sa hindi kalayuan.

"Sandali lang Jed. Parang may ilog duon oh." Sabay turo ko sa kanya ng lugar.
"Oo nga no. Duon na lang tayo magpahinga. Baka may mga isda din duon na pwedeng kainin."

Agad kaming tumakbo ni Jed papunta sa ilog at laking pasalamat namin dahil maraming isda dito.

"Diyan ka lang Raxelle. Ako na ang bahalang manghuli ng isda." Ngumiti muna siya sa akin bago lumusong sa ilog. Jed...

Napahawak ako sa tapat ng puso ko. Bakit ambilis na naman ng tibok mo? Sabihin mo nga sa akin kung bakit? Nalilito na ako. Kada na lang makakasama ko si Jed para akong hinahapo. Para na akong may sakit sa puso. Nakakalito.

Matapos niyang makahuli ng limang piraso ng isda, ginamit niya ang kapangyarihan niya para lutuin ito. Kukuha na sana ako ng isda para kumain pero pinigilan niya ako dahil matinik daw ito at ipaghihimay na lamang niya ako.

"Salamat." Sabi ko na lang ng maibigay niya ito sa akin.

Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang mapagmasdan ang paligid. Para kasing nanggaling na ako dito. Yung pakiramdam ko dito sa ilog, kakaiba.

Rise of the WarriorsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora