(37) The Living Dead 1

2.8K 85 3
                                    

Maddison's P.O.V

Two days passed at eto na naman kami, sasabak na naman sa isang pagsubok na walang kasiguraduhan kung malalampasan o hindi.

"Nahihiya ako sa inyo." Napalingon kaming lahat kay Lei na katabi ko ngayon.
"Ano na namang drama yan Lei?" Biro ko sa kanya pero sa halip na tumawa ee lalo siyang lumungkot. Hala. Anong ginawa ko? - -
"Ee kasi. Last trial, wala akong ginawa. Isang atake lang, tulog na agad ako. Ni wala man lang akong naitulong."
"Hindi mo naman kasalanan yun Lei ee. Mas mahalaga ang kaligtasan mo kaya naiintindihan ka namin."- Casie
"Atsaka alam naman namin na hindi mo gusto ang nangyari sayo. Hindi mo ginusto na atakihin ka ng halimaw na yun." Dugtong ko kay Casie.
"Ayun na nga ee." Huminto si Lei sa paglalakad at kumuyom ang kamao niya. "Isang atake lang pero nawalan na agad ako ng malay. Bakit ganun? Ganun na ba ako kahina ngayon?"
"Siguro ay masyadong malakas ang atake na yun kaya hindi kinaya ng katawan mo."- Casie
"Imposible yun." Dahil parang sobrang dismayado si Lei sa nangyari ay dinamayan ko na lang siya at hinawakan ang balikat niya para i-comfort siya.
"Hayaan mo na Lei. Bumawi ka na lang ngayon."
"Haay ano pa nga ba Madd. Babawi talaga ako ngayon."

Pero bakit nga kaya ang laki ng naging epekto ng ataking yun kay Lei? Kagaya nga ng sinabi niya, ang imposible naman na isang atake lang, tumba na agad siya. Haay. Ewan.

"Guys..." Dahil hindi ako nakatingin dinaraanan ko. Nauntog ako sa likod ni Renz na nasa unahan ko.
"Ano ba Renz?" Asar to.
"Sssshhh. Wag kayong maingay."
"Ano bang problema mo?"
"Sabing wag maingay. Yung mga halimaw?"
"Mga?" Teka. Hindi lang isa ang kalaban ngayon? Mga daw ee. Anu ba naman yan?

Nagtago muna kami sa mga malalagong halaman na nasa harap namin.

"Teka, bakit parang puro pilay ang mga halimaw?" Kasi naman. Uugod-ugod maglakad. Parang mga matanda ee.
"Oo nga. Bakit parang mga tao lang sila? Kasing laki lang natin sila ee."- August
"Lapit pa tayo."- Mackie

Dahan-dahan kaming lumapit sa mga halimaw 'ata' at ng makalapit kami.

"Anong itsura yan?"- Casie
"Kadiri. Bakit parang agnas na sila?"- Renz
"Tao ba yang mga yan?"- August
"Bakit may nakalawit sa tiyan niya? Ano yun?" Dahil medyo nacurious ako, lumapit.pa ulit ako sa mga halimaw 'daw' at ng makita ko kung ano yun. "B-BITUK- hmmmmmm."
"Shhh. Wag kang maingay Madd."
"L-Lei, b-bituka yun? BITUKA!"
"Aaaarrrrr."

Nagtaasan ang balahibo ko ng biglang magharapan sa amin ang mga halimaw na yun at tila hinahanap nila kung san nagmula ang ingay. Bigla akong hinila pababa ni Lei upang magtago dahil papalapit na sa amin ang isang halimaw. Yung halimaw na may palamuti sa tiyan.

"Hmmmmmm." Gusto kong magsisigaw dahil nasa may mukha ko ngayon ang BITUKA nung halimaw na yun. Leche. Kung hindi lang nakatakip si Lei sa bibig ko ngayon, nagwala na ako dito.

Ng makalayo sa amin ang halimaw na may Bituka sa tiyan na nakalawit. Yuck. Lichi. Kadiri. Agad akong gumapang pabalik sa pwesto ng mg kasamahan namin.

"Waaaa. Yung mukha ko. Kadiri. May dugo. Ang baho. Yuck." Dahil naghi-hysterical na ako sa sobrang kadiri ng mukha ko, naglabas si Lei ng tubig mula sa kamay niya at yun ang ginamit ko na panghilamos. Ng malinis ko na ang mukha ko ay napahinga ako ng maayos. "Kadiri talaga. Ano bang klaseng halimaw ang mga yan?"
"Zombies. Ayun oh. Nakalagay sa name plate hologram."- Renz
"Zom- ano?"
"Zombies. Dati may nabasa ako tungkol sa mga Zombie na yan. Ang naalala ko, mga tao din ang mga yan na nagka-virus tapos nagiging sabik sa laman at dugo ng kapwa nila. Once na nakagat ka ng mga yan, magiging kagaya ka nila. Kakainin mo ang kapwa mo at mabubuhay ka ng patay."- Casie
"Mabubuhay ng patay? Ano yun?"- Mackie
"Ibig sabihin, once na naging ganyan automatic na mamamatay tapos kakainin ang mga buhay tapos magpapakalat-kalat habang labas ang mga lamang loob. Yuck."
"Sshhhhhh. Ang ingay mo talaga." Napakamot sa ulo si Renz dahil nakukulitan na ata siya sa pagiging maingay ko.
"Sorry naman. Tssk." Inirapan ko siya at ganun din siya sa akin. Arte neto.
"Oo nga pala. Hindi sila nakakakita pero malakas ang pandinig nila. Kaya once na nag-ingay ka, mabilis nilang malalaman kung nasan ka."- Casie
"Kaya pala." Ngayon alam ko na. Kailangan ko munang manahimik. Ayokong maging katulad nila.

Rise of the WarriorsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora