(55) Team Work

2.2K 73 2
                                    

*** P.O.V

Heto na. Simula na ng misyon nila at simula na rin ng misyon ko na gawin ang lahat para hindi sila magtagumpay. I should follow what Guido told me. I smirked. Mukhang magiging madali ito para sa akin lalo na't malapit lang ako sa kanila. An evil grin formed from my face.

I probably should take off the image of the innocent lamb and turn into a grievous wolf. I'm so excited to show who really I am.

---

Raxelle's P.O.V

Nakahanda na kami sa paglabas ng Enchanted. Ngayon ko masasabi na ganap na kaming Warrior dahil na rin sa responsibilidad na papasanin namin sa pagkakaton na lumabas kami ng Portal Entry. Ang responsibilidad na unti-unting ubusin ang Black Army at ang mapagtagumpayang alisin sa mundo ang pinuno nilang si Guido.

"Warriors, I'm reminding you. You should take full responsibility para sa kaligtasan ng mga taong natitirang buhay sa bawat baryo na mapupuntahan nyo. Do whatever it takes para madala sila dito sa Enchanted." Ma'am said with a concern tone.
"Opo Ma'am. Makakaasa po kayo."
"Mag-iingat kayo. At aasahan namin ang tagumpay na dala-dala nyo."

We bowed down our heads para magbigay galang sa lahat ng Officials ng Enchanted at para na rin magsilbing goodbye greeting sa mga kapwa holder namin na nasa harapan namin ngayon. Tinipon sila lahat dito para matunghayan ang pagsisimula ng misyon ng Warriors.

"Aalis na po kami Elders, Officials and Holders. We assure you that we will bring home the bacon." I smiled at duon ko sinuot ang Diadem. Humarap ulit ako sa kanila at nangako. "Ako si Raxelle San Clarkson at handa kong ibuwis ang buhay ko para sa kapayapaan ng lahat."

Kagaya ko, malakas din na sinabi ng mga kapwa ko Warriors ang kanilang pangalan at ang pangako na gagawin ang lahat para sa Enchanted at para sa mundo.

Sa paglabas namin ng Portal Entry, duon tumambab ang kakaibang mundo. Ang mundong binabalot ng misteryo, takot at gulo.

"Looks nice." Ro said sarcastically.

Kung makikita nyo lang, sobrang ibang iba ito sa mundong nakita namin ni Jed nung lumabas kami ng Enchanted. Konting panahon lang ang lumipas pero...nakakatakot na dito. It's like hell aloft the earth. Kung dati nakakatakot na, ngayon sinisiguro ko na hindi mo gugustuhing manatili dito. Lalo tuloy akong nagngalit dahil sa ginawa ni Guido at ng Black Army sa mundong kinalakihan namin. Dapat talaga sa kanila, nawawala na ng panghabang buhay.

"Warriors." I faced my colleagues seriously. "Stick to the plan. I'm going to make the portal going to the nearest village at dun natin sisimulan ang misyon. When we got there, kill all the Black Army and look for the human and take them into the safest place. I'm gonna use my Telepathy ability to connect with you at ako na ang bahalang magsabi sa iba kung saan magkikita-kita. I have a place in mind kung saan natin pwedeng dalhin ang mga taong mahahanap natin. And I assure you, safe duon." They all nodded at yun na ang naging hudyat na simula na talaga ang misyon namin bilang Warrior at misyon ko bilang Superior.

As I said, I made a portal and it led us to the village surrounded with haze. Wala kang makikita kundi puro hamog or should I say, usok. We're too late. They already attacked this village.

"Tssss." Nasabi ko na lang sa inis.
"TULOOOONG." Nagulat kami ng makarinig ng sigaw ng isang babaeng halatang nahihirapan.
"Warriors kailangan nating maalis ang mga usok na siyang bumabalot sa kabuuan ng baryong to. Ro..."
"Yes Raxelle?"
"Can you do me a favor?" Tumango naman siya as her response. "Kindly use your power to lift the smoke up so we can able to see whatever this place has?"
"Yes Superior. As you wish." As her hands move slowly up to the sky, ganun din ang nangyayari sa mga usok na bumabalot dito sa village. Aerokinesis, her ability to manipulate wind, air and gas.
"Thank You." I mouthed those words at tumango lang siya.

Rise of the WarriorsΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα