(70) Bloodshed

1.4K 46 2
                                    

Raxelle's P.O.V

Magkahawak kamay kami ni Jed na lumabas ng T.G. Hindi pa rin ako nakakaget-over sa mga nangyari kanina. Pakiramdam ko...ito na ang pinakamasayang araw sa buhay ko.

Unexpected yung naging bonding namin ni Jed. Akalain mo na sa gitna ng kaguluhan, meron pa rin kaming nakuhang oras para magspent ng time together.

"Nga pala Jed...how you are able to know kung anong sinabi ni Papa kanina?" Hanggang ngayon kasi nagtataka pa rin ako. Syempre...akala ko ako lang ang nakakarinig sa mga sinabi ni Papa pero mukhang nagkamali ako.
"Hindi ko rin alam. Basta narinig ko na lang ang boses niya sa utak ko."
"Mukhang tanggap ka talaga ni Papa dahil ipinagbilin na niya ako sayo. You should do what you promised earlier ha."
"Syempre naman. Gagawin ko talaga yun. Mamahalin kita ng higit pa sa pagmamahal niya."
"Aysus. Cheezy mo haha" At sinabayan din niya ako sa pagtawa.

Akala namin magiging maayos ang daloy ng araw na ito. Kaunting oras na lang at lulubog na ang araw para sa oras ng pamamahinga. Pero may mga bagay talagang mangyayari sa panahon na hindi mo inaasahan. Mga bagay na magpapabago sa isang buong araw na puno ng kasiyahan. From sweet dream into nightmare...real quick.

Masaya kami kanina pero mukhang magiging iba na ito ngayon.

"JED...RAXELLE..."
"Mackie? Si Mackie ba yun?" Tanong ko kay Jed dahil may lalaki ngayong tumatakbo papalapit sa amin. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil malayo pa siya sa amin ni Jed pero yung boses niya, kilala ko.
"Si Mackie nga."
"Ee bakit siya tumatakbo? Ano kayang kailangan niya. Halika, salubungin na natin." Akmang hahakbang kami pauna ni Jed ng matigil kami dahil sa isang malakas na pagsabog hindi kalayuan sa pwesto ni Mackie. "SHEEEZ. MALAPIT YUN SA ARENA. JED, HALIKA NA." Kinutuban na ako sa pakay sa amin ni Mackie. Alam ko na kung bakit siya nagmamadling pumunta sa amin. Alam ko na may masama siyang ibabalita. Mukhang ngayong gabi na ang simula.

Mabilis kaming tumakbo papalapit kay Mackie at ng magkaharap na kaming tatlo...

"Nagsisimula na ang pag-atake ng Black Army. Ngayon na ang araw ng digmaan." Sinasabi ko na nga ba. Sa kanila nagmula ang malakas na pagsabog. Humanda sila. Wala kaming ititirang buhay sa kanila.
"Kamusta ang mga Holder? May nangyari ba sa Arena?" Nag-aalala ako dahil wala kaming kaalam-alam ni Jed sa mga nangyayari dito. Sinaktuhan talaga nila na wala kaming dalawa. Asaar.
"Maayos naman Raxelle. Kagaya ng inaasahan, hindi nakikita at hindi kayang pasukin ng Black Army ang Arena. Salamat sa pagpapatibay mo ng spell dito. Malaki ang naitutulong nito sa panahong gaya nito."
"Mabuti kung ganun. Naghahanda na ba sila?"
"Oo. Pinapunta nila ako dito para sunduin kayo. Sakto naman na kalalabas nyo lang ng T.G."
"Pasensiya na kayo kung wala kami kanina. Hindi namin inaasahan na ngayon na ang araw ng digmaan."
"Ayos lang yun Raxelle. Wala rin namang may alam na ngayon na ito magsisimula."

Naputol ang pag-uusap namin ni Mackie ng makarinig na naman kami ng isa pang pagsabog.

"Sheeez. Sisirain talaga nila ang Enchanted. Kailangan na nating magmadali. Tara na." Agad namang sumunod ang dalawa sa akin at mabilis kaming tumakbo papalapit sa Arena. Mabuti na lang at wala kaming nakasalubong na kahit isang Black Army kung hindi...baka natagalan pa kami.

Pagkapasok namin ng Arena. Naghiwa-hiwalay na kaming tatlo at nagpunta sa kanya-kanyang responsibilidad na nakatoka. Agad akong dumeretso sa Elders para humingi ng dispensa.

"Huwag mo ng isipin iyon Ms. Clarkson. Ang mahalaga ay nandito na kayong dalawa. Ngayon na ang oras ng pagsisimula ng digmaan sa pagitan natin at ng Black Army. Handa ka na ba?"
"Handang-handa na po ako."
"Kung ganun...pagkatapos ng limang minuto...lalabas na tayo ng Arena para pagbayarin sila sa ginawa nila sa Enchanted."
"Sige po Elder. Ahm. Nga po pala Elder Mel...pwede po bang tipunin ko muna ang lahat. May gusto lang po sana akong gawin."
"Sige Ms.Clarkson. Ikaw ang bahala."

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now