(47) Unconditional Love

2.9K 88 1
                                    

Lei's P.O.V

Napagdesisyonan muna namin na magpahinga muna sa kanya-kanya naming mga bahay hangga't hindi pa bumabalik sina Jed, Raxelle at Ro.

Kapag kasi magkakasama kami, hindi rin namin magawang magsaya kaya mas maigi na magpahinga na lang muna kami tutal wala rin namang klase ngayon.

Sa totoo lang, nagulat talaga ako sa nalaman ko nung araw na nagkagulo sa Arena. Nagulat ako sa mga sinabi ni Ro. Hindi ko akalain na Mahal na Mahal pala ni Jed si Raxelle, ang alam ko lang may something special kay Raxelle dahil nag-iiba siya pagdating dito pero hindi ko inisip na Mahal niya ito pero ang mas ikinagulat ko ang paglalahad ni Ro ng nararamdaman niya para kay Jed. Indirectly man pero naintindihan ko agad ang nais niyang iparating kay Jed noon.

"Eyyyy." Sabay talon niya pahiga sa kama ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"bakit? Masama bang pumunta sa bahay mo?"
"Hindi ba dapat nagpapahinga ka ngayon. Bakit pagala-gala ka?"
"ee kasi naman nakakaboring." Atsaka niya itinaas ang mga paa niya sa ere at parang ewan na nagpapaltik doon.
"Hoy, magugulo mo ang cover ng kama ko. Kakalinis ko lang."
"Kaya naman pala nasa sofa ka ngayon. Okay lang yan Lei, malilinis mo din naman agad to mamaya hahaha." Tsssk ang babaeng to talaga. Naku, kung di lang kita ano. naku. - -

Wala akong nagawa kundi titigan siya habang ewan na kung ano-anong ginagawa. Pagulong-gulo. Hihiga. Uupo. Tatayo. Tatalon. Haaay. Ang kaawa-awa kong kama.

"LEI." Pakiramdam ko napalundag ako sa kinauupuan ko ng bigla syang tumalon sa harap ko. "Alam ko na."
"Ano na naman?"
"Gala tayo sa mga Booth. Parang gusto kong bumili ng wallet."
"Wallet? Ee wala ka namang pera." Biglang bumusangot ang mukha niya at padabog na naupo sa tabi ko.
"Tsss. Kahit ano na nga lang."
"Kahit ano? Ee wala ka nga diyang pambili." Ngayon  mas bumusangot ang mukha niya.
"Leche ka Lei. Wag na. Wag ng bumili ng wallet at kahit ano. WAG NA."
"Yan. Tama yan. Wala ka na ngang pera tas gagastos ka pa."
"Aisssst." Naglakad siya palayo sa akin at padabog na nahiga pabalik sa kama ko at nagtalukbong ng kumot. Nakakatawa talaga siya. Parang bata. Hay naku Maddison. Sa mga pinaggagagawa mo lalo akong nahuhulog sayo.

Habang nagmumukmok siya sa may kama, kinuwa ko ang saklob ko na ngayon ko lang gagamitin at ang wallet ko na si Maddison na naman ang uubos ng laman atsaka ko hinila ang kumot na nakatalukbong sa kanya.

"What?" Mataray niyang salubong sa akin.
"Lika na. Libre na kita." Parang nangningning ang mga mata niya at agad na tumayo sa kamay at patalon akong niyakap.
"Yehey. Hindi mo din pala ako matitiis." Sa totoo lang, kahit maubos lahat ng pera ko, okay lang. Basta mapasaya ko siya.

Pagkaalis niya sa pagkakayakap sa akin, hinila niya na ako palabas ng bahay ko. Tamo to, kapag ako nangalas lalo siyang walang mapapala.

At kagaya ng sinabi nya kanina, sa mga Booth niya nga ako dinala. Mga Booth na puro mga Pabebeng gamit ang makikita.

"Ano ba kasing bibilhin mo dito?"
"Ahm. Teka, nag-iisip pa laang ako. You're so atat."
"Kanina pa tayo, naglalakad o. Paltos-paltos na ang paa ko."
"Tssssk." Nagpalinga-linga siya sa paligid at... "AYUN." Tumakbo siya papasok ng isang Booth na puro accessories. Tamo to, nang-iwan pa. "Eto, gusto ko to." Atsaka niya hinawakan ang pair of earings na hugis kidlat. I won't ask her kung bakit ito ang napili niya. Napaka-obvious na kasi xD

Kinuwa ko ang wallet ko at balak na sanang bayaran ang earings kaya iniwan ko muna si Maddison dun na nagtitingin pa.

"Miss magkan-"
"Hello Maddison."

Agad akong napabalik tingin sa pwesto ni Maddison at duon ko nakita ang isang lalaki at babae na halatang may relasyon dahil sa pagiitsura nila ngayon. Hindi agad ako lumapit sa kanila para hindi makaistorbo.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now