(29) Letting Go

3.3K 114 6
                                    

Mackie's P.O.V

Haaay Buhay. Kung alam ko laang na ganito ang magiging buhay namin sa training na ito, hindi na sana ako bumalik. pero dahil baliw ako, joke lang yun xD

"Raxelle?"

Sinubukan kong kalabitin si Raxelle pero mukhang tulog na siya. Hating gabi na rin kasi at mukhang ako na lang ang natitirang gising. Nga pala, hindi ko katabi si Raxelle matulog ha. magkatabi lang yung portable na tulugan namin pero may space naman sa pagitan. Nagulat na nga lang kami kasi bigla na lang tong sumulpot dito.

Tsssk. bakit kasi ayaw makisama nitong Insomia ko. Tsssk. Nung nasa Boundary naman kami hindi siya sumusumpong. Kung kelan naman nasa kung saang mapahamak at madilim na lugar saka dumali. Pang-asar ee. Nakakatakot kaya dito. -_____-

"Mackie?"

O________O ako yan. Pano ba naman si Casie biglang sumulpot sa harap ko. kanina pa kaya siya dun. Napaupo ako ng wala sa oras dahil sa kanya.

"aa..ee..C-Casie?"
"Bakit hindi ka pa natutulog?"
"Di kasi ako makatulog ee. Ikaw?"
"Aa may masama kasi akong napanaginipan kaya napagising ako."

Inaya ko si Casie sa malaking bato na pinagdalhan niya kanina kay Raxelle, pero malapit lang ito sa pwesto ng tinutulugan ni Raxelle.

"Ahm. Mackie?"
"Bakit?"
"Thank You nga pala kanina. Dun sa pagprotekta sakin sa mga paniki."
"Yun ba? Wala yun. Ayoko lang nakakakita ng babaeng nasasaktan."

Pagkatapos kong sabihin yun, natahimik bigla ang paligid.

"Ano.. Mackie?"
"Ano yun?" Bakit parang ang daming sasabihin nitong si Casie.
"Ano... Sorry." Napatingin bigla ako sa kanya.
" Para san?"
"Dun sa.. Dun sa nangyari dati." Napayuko ako nun at tinitigan na lang ang lupa.
"Kalimutan mo na yun. Wala na sakin yun."
"Nahihiya kasi ako gawa ng hindi ko inexplain sayo kung bakit kita tinanggihan. Para kasing ang sama ko." Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
"Nu ka ba? Wag mo ng isipin yun. kinalimutan ko na yun."
"Hindi ee. Dapat ipinaliwanag ko sayo ng maayos ang dahilan ko. Alam mo naman na yung tungkol kay Kiel di ba?" Tumango naman ako kahit na hindi nakatingin sa kanya. "Pinangako ko kasi sa kanya na hinding-hindi siya mawawala sa puso ko at hinding-hindi siya mapapalitan dito. Sorry Mackie ha. Kung naging unfair ako."
"Hindi naman ikaw ang unfair Casie ee."
"ha?" Tumingin ako sa kanya ng deretso.
"Love. Yan yung unfair. Yun bang may gusto ka pero di ka gusto o kaya naman may gusto sayo pero hindi mo gusto. Pero eto lang yan ee. Pag nangyari yan ibig sabihin hindi kayo nakatadhana. Hindi nakaplanong maging kayo. Kung pipilitin nyo, mas mahirap. Madaming problema, madaming pagdurusa. Pero yang mga ganyang bagay, hindi na dapat pinipilit pa. Once na nangyari yan, dapat ng sukuan at pakawalan."
"Mackie..."
"Kaya wag mo ng isipin yun. Sumuko na ako sayo. Pinakawalan ko na yung nararamdaman ko. Ayoko rin kasing maging dahilan ng pagkakaroon nyo ng problema ni Kiel kahit na wala siya dito. Ginulo ko na nuon ang buhay mo at ayoko ng maulit pa yon. Kaya Casie, I'm letting you go." Nakita kong biglang yumuko si Casie kasunod nun ang pagpatak ng luha niya.
"C-casie? U-uyy. B-bat ka umiiyak?" Ayoko talagang nakakakita ng umiiyak na babae. Natataranta ako.
"Mackie, wag kang mawawalan ng pag-asa. Makikita mo rin ang nakatadhana mong makasama. Kung sino man siya, napakaswerte niya. Napakabuti mong tao. Napakabuti ng puso mo. Ngayon hindi na ko nakokonsensiya. Salamat sayo at gumaan na ang pakiramdam ko."

Tumayo ako nun at humarap sa kanya.

"Kaya ang dapat mong gawin, ngumiti at mamuhay ng masaya. Hayaan mo, tutulungan kita na maibalik si Kiel sayo. Tutulungan ka namin."
"Thank You Mackie."
"At alam mo, wag mo ng iniisip yung nangyari dati. Maraming bagay ang dapat pagtuunan natin ngayon ng pansin. Nakakalimutan ko na nga yon ee. Atsaka... "
"Atsaka ano Mackie?"
"Atsaka... tinutulungan naman niya ako ee. " Sabay tingin ko sa natutulog na si Raxelle.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now