(67) Bliss over Chaos

1.7K 55 1
                                    

Raxelle's P.O.V

Kinabukasan. Ikunuwento sa amin ni Ro ang buong nangyari kung paano siya napunta sa may ilog.

Ang sabi niya...may nakita daw siyang isang maliit na piraso ng papel sa ilalim ng unan niya. Akala niya nung una, basura lang pero nung buklatin niya daw ito, may nakasulat.

'Gusto nyo akong makilala, hindi ba? Halika! Pumunta ka sa may ilog at magpapakilala ako.'

Kung uunawain mo ang nakasulat...malalaman mo na isa itong malaking kabaliwan. Walang traydor ang magpapakilala habang hindi pa natatapos ang trabaho niya. Pero dahil narin sa pag-aasam ni Ro na makilala ang traydor dito sa kweba ,pumunta siya sa may ilog ng mag-isa.

Nung una...nagalit si August sa kanya dahil hindi man lang daw sinabi sa amin ni Ro ang nabasa niya. Paano na lang daw kung patibong lang ito, baka kung ano ng nangyari sa kanya. Naunawaan ko si August kung bakit siya nagalit kay Ro pero ang sabi ni Ro. Siya lang daw ang binigyan ng sulat kaya alam niya na may pakay ito sa kanya at ayaw niya daw na madamay pa kami sa kung anumang kailangan ng traydor sa kanya.

Akala niya simpleng pag-uusap at pagpapakilala na may kasamang konting dahas lang ang mangyayari pero nagkamali siya.

Wala siyang ibang nakita sa may ilog kung hindi ang duguang katawan ng mga tao. Agad niya daw itong nilapitan at sinubukang gisingin kahit na alam niya...na huli na ang lahat. Yun daw ang dahilan kung bakit siya puro dugo. Kung bakit nabahiran ng dugo ang kasuotan niya.

"Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak habang pinagmamasdan ko sila. Gusto ko silang gisingin. Gusto kong ipilit na buhay pa sila pero...kasalanan ko ito."- Ro
"Ro wala kang kasalanan. Hindi ikaw ang gumawa nun sa kanila kaya wala kang kasalanan."- August
"Pero..."- Ro
"You've been framed up." Madiing sabi ni Casie.
"Tama si Casie. Planado itong lahat ng traydor na yun. Plinano niyang palabasin na ikaw ang pumatay sa mga taong yun. Humanda talaga siya sa akin. Napakasama niya." Galit na sabi ni Maddison.
"Kailangan itong malaman ng Elders at Officials. Baka may maitulong sila sa atin."- Mackie
"Tama ka Mackie. Kung tayo walang magawa, sila meron."- Casie
"Kung ganun, babalik ako sa Enchanted mamaya. Ako na ang magsasabi sa kanila ng lahat ng nangyari."
"Gusto mo bang samahan kita?"- Jed
"Sige Jed. So Guys...kayo na ang bahala dito. Mabilis lang kami."
"Sige Raxelle. Ikamusta mo na lang kami kina Ma'am."- Renz
"Oo ba Renz."
"Balitaan nyo agad kami ha."- Maddison
"Makakaasa ka Maddison. Babalik agad kami dito."- Jed

After 2 hours...naghanda na kami ni Jed sa pagbalik sa Enchanted. Hindi ko alam pero...hindi ko mabitawan ang sandata ko. Sa Enchanted naman ang punta namin pero ewan...kakaiba yung nararamdaman ko.

"Oh Raxelle? Dadalhin mo yan?"- Renz
"Hindi ko alam Renz pero parang...gusto ko."
"Dalhin mo na lang yan Raxelle. Yung iyon din Jed. Baka sakaling kailanganin nyo yan. Maigi na rin ang handa."- Renz
"Tama si Renz. In case na rin."-  Casie
"Sige. Ano Jed? Tara na?"
"Sige."- Jed
"So pano Guys...gotta go."
"Mag-iingat kayo ha."- Casie
"Sa Enchanted lang naman ang punta nila Casie. Wala namang mangyayari sa kanila." Sana tama si August. Sana nga walang mangyari sa amin ni Jed kahit na masama ang kutob ko sa pagbabalik namin sa Enchanted.

Nagpaalam muna kami kina Yaya bago ako gumawa ng portal pabalik sa Enchanted. Habang nasa Locus Dimension kami o yung dimension na kailangan mo munang daanan bago ka makapunta sa location na gusto mo, hindi ko mapigilang kabahan. Habang papalapit kami sa Enchanted mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Napansin to ni Jed kaya tinanong niya ako kung okay lang ba daw ako dahil kanina pa akong tahimik. Sabi ko na lang sa kanya, may iniisip lang ako. Ayoko ng bigyan pa ng kahulugan itong nararamdaman ko. Lilipas din naman to.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now