(75) Freed

1.4K 60 1
                                    

***

'Pa..anong dapat kong gawin?' Daing ko sa taong kaisa-isa kong makakapitan ngayon. Kagaya ng dati.. naniniwala ako na pakikinggan niya ako at sasagot siya kahit wala siya dito.

'Kaya ko pa ba silang tulungan? Pero paano Pa? Nakakulong ako sa lugar na hindi ko alam kung ano.' Sobrang dilim. Ni hindi ko matandaan kung paano ako napunta dito. Ano ba kasing lugar ito?

"NASAN BA AKO?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na isigaw ito. Litong-lito na ako. Hindi ko alam kung anong nangyari at kung anong nangyayari. Pakiramdam ko, sasabog na ang ulo ko.
"Hindi ka na makakalabas mula dito Raxelle." May nakakatakot na boses ng babae ang namutawi sa buong paligid. Malagong..Malaki..
"Sino ka? Bakit mo ako kilala?"
"Ako na ang nagmamay-ari ng katawan mo Raxelle. Hindi kita hahayan na bawiin ito sa akin. Hindi kailanman."
"Anong sinasabi mo? Sino ka ba?"
"Ako si Empress, Raxelle. Ako at ikaw ang nananahan sa katawan na ito."
"Ano? Hindi kita maintindihan."
"Hindi na mahalaga kung naiintidihan mo man o hindi pero ito lang ang masasabi ko sayo.. AKIN NA ANG KATAWAN MO. AKIN NA ANG BUONG PAGKATAO MO."
"Hindi pwede.. hindi ako makakapayag. SINO KA BA? LUMABAS KA. HARAPIN MO AKO."
"HAHAHAHAHAHA" Namutawi ang nakakatakot na tawa niya sa lugar kung nasaan ako. Hindi ko siya kilala pero ang alam ko.. kalaban siya. At maaaring siya ang dahilan kung bakit ako napunta dito.
"NASAN BA KASI AKO?" Nakakainis na. Hindi ko na alam ang gagawin.

Habang naguguluhan ako sa pag-iisip ng paraan para makaalis sa lugar na ito.. biglang lumabas sa harapan ko ang imahe ng mga kaibigan ko na pare-parehong nakahandusay sa lupa. Para siyang hologramo ng mga kasalukuyang nangyayari sa labas ng lugar na ito.

"Jed..Jed.. anong nangyari sa inyo? Sinong may kagagawan niyan sa inyo? JED..JED.." Hindi. Bakit nila sinapit ito? Ano ba kasing nangyari at bakit wala man lang akong nagawa? Wala akong matandaan. ARGHH.
"Huli ka na Raxelle. Hindi mo na naabutan pang buhay ang mga kaibigan mo. Mag-isa ka na ngayon. Wala na silang lahat."
"SINUNGALING KA! HINDI TOTOO YAN."
"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan pero wala ka ng magagawa pa. Hindi mo sila nagawang iligtas. Namatay sila dahil sayo. Dahil sa kahinaan mo."

Hindi..hindi totoo yan. Bakit? Bakit ngayon pa? Wala na ba talaga akong magagawa? Kasalanan ko nga ba ang lahat ng ito?

Bago pa ako tuluyang mawalan ng pag-asa.. bigla kong naramdaman ang pamilyar na pag-init ng likod ko. Senyales na nandito na sa tabi ko si Papa.

'Anak..huwag kang panghinaan ng loob. May pagkakataon ka pa.'
'Pa..ikaw ba yan?'
'Anak..alam mo na may magagawa ka para sa kanila. Ikaw ang Superior nila kaya alam mo kung paano sila matutulungan.'
'Pa..pero wala na sila. Ano pang pwede kong gawin?'
'Alam mo ang sagot diyan Anak.'
'Pa..hindi ko maintindihan. Tulungan nyo po ako.'
'Ang meron ka na wala sila.'

Ang meron ako na wala sila? Tama.. yun ang meron ako na wala sila. At ngayon.. ang tamang pagkakataon para mapakinabangan yun.

'Pa salamat.'
'Basta para sayo Anak.'

Bigla akong nabuhayan ng dugo at ngayon.. handa ko ng harapin ang mundong nagpapagulo ng buhay ko.

"Lalabas ako dito. Makakalabas ako dito. At isinusumpa ko.. babawiin ko ang lahay ng kinuwa nila sa akin. Ang katawan ko, ang katauhan ko at ang mga kaibigan ko. Ipinapangako ko.. ibabalik ko ang kulay ng mundo nila. Warriors.. Jed.. hintayin nyo lang ako."

---

Walang kasiguraduhan akong naglakad sa mundong tila walang hangganan. Kung tama ang pagkakaintindi ko sa sinabi ni Empress kanina.. ang lugar na kinalalagyan ko ay ang mismong katawan ko. At kung totoo man yun.. kailangan kong marating ang kaibuturang bahagi nito. Ang PUSO ko.

Alam ko na binabalot ito ngayong ng kasamaan kaya ang kailangan ko lang gawin ay siguraduhin na maalis ko ito dito para makabalik ako. At kapag nagawa ko na yun.. gagawin ko na ang nakaplano.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now