(72) Revealed

1.5K 50 6
                                    

Maddison's P.O.V

Ang gulo-gulo. Aist. Bakit ba kasi nangyayari ito kay Raxelle? Abot hanggang sukdulan talaga ang kasamahan nitong si Guido. Sinong matinong nilalang ang maglalagay ng dalawang katauhan sa isang katawan? Baliw talaga. Ano ng mangyayari sa amin ngayon? Wala na si Raxelle. Wala na ang Superior namin. Aist talaga. Ang sakit sa bangs. - -

"Wala ba talaga tayong magagawa? Hindi ko kasi kayang nakikita na nagkakaganyan si Jed."- Renz
"Kahit ako. Ngayon ko lang rin siya nakitang ganyan. Kilala natin siya. Wala siyang inuurungan. Wala siyang kinatatakutan. Pero iba ngayon. Ngayon lang siya nagpakita ng kahinaan."- August
"Wala namang nakakapagtaka duon ee. Pagdating kay Raxelle, nag-iiba siya. Siguro...ganun lang talaga niya kamahal si Raxelle. At mukhang hindi ko talaga mapapantayan yun."- Mackie
"Gusto ko ring pagaanin ang loob ni Jed pero kahit anong gawin ko...wala akong maisip na paraan para maibalik natin si Raxelle."- Casie
"Ano ng mangyayari sa atin? Wala na si Raxelle tapos nagkakaganyan pa si Jed. Malaking kabawasan sila sa atin."

Magkaka-wrinkles ako nito sa kaiisip ee. Kung makikita nyo kasi ngayon si Jed talagang maaawa kayo sa itsura niya. Kanina pa siya umiiyak habang pinagmamasdan si Empress. Parang gustong-gusto na niyang hilahin ito papunta sa amin. Ibang-iba siya sa Jed na kilala namin. Kakaiba talagang magmahal ang isang Top Learner. Pagdating sa taong mahal niya yung kalakasan niya, nawawala.

Dahil sa nangyari kay Raxelle tila nabawasan na rin ang kumpyansa naming manalo sa laban na ito. Wala na ang aming Superior. Pano pa kami kikilos bilang isa kung ang pinuno namin ay nakuwa na? Ayokong mawalan ng pag-asa pero mukhang...dehado kami sa labanan na magaganap.

"Lei..." Hinawakan ko ang kamay ni Lei na kanina pang nakatingin kay Guido at Empress. Napansin ko rin kasi na buhat ng magsimula ang labanan, hindi siya nagsasalita. Ni isang salita, walang lumalabas sa kanya. "May problema ba?" Hindi ko maiwasang itanong dala na rin ng pag-aalala.
"W-Wala naman."
"Sigurado ka?"
"Aa. Oo."

Bakit ganun? Parang ang lalim talaga ng iniisip niya. Parang may kung anong bumabagabag sa kanya. Hindi ako kumbinsido na wala syang problema.

Sinubukan kong sundan ang mga tingin niya kina Guido at ikinagulat ko ng biglang ngumiti si Guido habang nakatingin kay Lei. Hindi ko tuloy maiwasan na mapakunot dahil sa nangyari. May kung anong hindi tama dito.

"Ano na Warriors? Lalaban pa ba kayo?" Mapanglokong sabi sa amin ni Guido.

Nakakaasar talaga yung pagmumukha niya. Ang sarap sapatusin. Mukha kasing paa. Ang sakit sa mata. Tsssk.

"Wag kang mayabang Guido."- August
"Lalabanan ka namin."- Renz
"At sinong may sabi na ako ang kakalabanin nyo?"- Guido
"Anong ibig mong sabihin?"- Mackie
"Kaya nga nandito si Empress. Hindi ko siya binuo para maging pang-display lamang."- Guido

Sinasabi na nga ba. Parang mauulit lang ang nangyari nuon dito rin sa T.G. Yung nakaharap namin ang impostor ni Raxelle. Ang kaibahan lang...hindi na siya basta basta impostor dahil siya na mismo ang makakalaban namin.

"Empress...pakitaan mo nga sila na mga nagagawa mo."

Matapos yung sabihin ni Guido, dahan-dahang lumakad papunta sa harapan namin si Raxe- este Empress. Nakakadistract yung abs niya. Bakit ba kasi meron siya nun? Tsss. Kainggit.

Nagulat ako ng biglang umatake si Empress at ako agad ang pinuntirya. Mabuti na lang nakailag ako agad at nakalapit sa iba pang Warrior.

"Sheeez. Kamuntik na ako." Habol hininga kong sabi. Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko.
"Tutunga-tunganga ka kasi ee."- Renz
"Kinamalayan ko ba. Nadistract ako sa abs niya ee."
"Oo nga no. Ako rin ee."- Renz

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now