(51) Off Limits

2.5K 75 0
                                    

Raxelle's P.O.V

"Cards na lang."- Maddison
"Anong cards?"- Lei
"Haler. Yung mga laro gamit ang cards. Ano ba naman yan Lei? So slow."- Maddison
"Ayusin mo kasi. Ang gulo mong kausap ee."- Lei
"Tsss. Slow."- Maddison
"Truth or Dare na lang kaya?"- Renz
"Nah. Too simple. Yung may thrill naman."- Maddison
"Truth or Dare tas ang dare ee patayan? Ayun, may thrill yun."- Renz
"Ikaw? Gusto mo na bang naunang gawan ng dare?" Sabay glare sa kanya ni Maddison.
"Muka kang bang-aw."- Renz
"ANO?"- Maddison
"Wala "- Renz

Haaay. Heto na naman po sila. -___-# at dahil nagkakagulo na sila dun kung anong lalaruin, umalis na muna ako sa squared table na pinupwestuhan namin ngayon at pumunta sa may couch sa may baba ng Tree House kung nasan si Casie at August. Malaki kasi tong Enchanted Garden. Hindi lang siya garden, hang-out place din.

"Bang-aw. Bang-aw. Bang-aw."- Renz
"Panget. Panget. Panget."- Maddison
"Baboy. Baboy. Baboy."- Renz
"Leche. Aso. Aso. Aso."- Maddison
"TUMIGIL NA KAYO. ANG SAKIT SA TENGA. NAKAKARINDI."- Lei
"Si Renz kasi."- Maddison
"Anong ako?"- Renz
"Sinimulan mo kasi."- Maddison
"Amba. Ee ikaw ka-"- Renz
"TUMIGIL NA KAYO. WAAA. AYOKO NA."- Lei

Napailing na lang ako sa inaasal ng dalawang to. Kaawa-awang Lei. Hindi na niya kinaya ang kaingayan at kakulitan ng dalawa. Hahaha

At dahil medyo malayo naman ako sa kanila, naisipan ko munang umidlip sandali sa couch na inuupuan ko. Mapang-akit kasi yung kalambutan niya. Wala rin naman din kasi dito si Jed o Mackie na siyang matino kong nakakausap xD. Hindi ko alam kung saang lupalop nagsususuot yung dalawang yun.

---

"Aaaaa." Sabay inat ko habang nakapikit pa din ang mata. Ang sarap ng tulog ko. Yung unan ko kasi ang lambot. Hihihi
"Ansarap ng tulog mo aa. Tulo laway ka pa." Napamulat ako ng wala sa oras ng marinig ang boses niya.
"Waaa. Anong ginawa mo?" With matching turo pa sa kanya.
"Wala. Ikaw nga jan ang may ginawa ee."
"A-anong ginawa ko?"
"Ginawa mo akong unan. Naupo lang ako dito tas bigla kang umulo sa hita ko. "
"Ee?"
"Kanina ka pa nga nila pinapanuod."
"Nila?" Sa halip na sumagot, may itinuro siya gamit ang nguso niya. You know what I mean. - -

Dahan-dahan kong sinundan ang direksyon ng nguso niya at dun ko nakita ang Exceptional Learners na nakatingin sakin.

Si Lei, nakahakumbaba habang nakatingin sa akin. Si Maddison at Casie, nakaupo tas nakayakap sa throw pillow habang nakatingin sa akin. Si August at Renz na nakacross-arms habang nakatingin sa akin at may malakong mukha at si Mackie na seryosong nakatingin sa akin habang nakatayo katabi ni Lei.

"WAAAAA. WAG NYO KONG TINGNAN." Agad akong bumungon at dahil nakayuko si Jed habang kinakausap niya ako, nagkauntugan kami. Ang sakit. >____<

Pareho kaming napahawak sa noo namin at duon tumawa ng malakas ang mga Exceptional Learner. Tsssk  ang sakit.

"Wag kayong tumawa tssk."- Jed
"Hahahaha Pasensiya na Pre di namin mapigil. Hahaha"- August
"Yung itsura nyo kasi nung nagkauntugan kayo. Laughtrip Pre."- Renz
"Tsssk."- Jed
"Ang sakit." Narinig siguro ni Jed yung bulong ko na yun kaya agad niyang tiningnan yung noo ko.
"Bumukol siya." Eee? "Sobrang sakit ba?" Sinubukan niyang hawakan ang bukol ko sa noo. At dun ako nakaramdam ng lalong sakit. Waaa. Ang lapad na nga niyan, nakabukol pa. Okay? Pinulaan ko ang sarili ko.
"Awww."
"Tsss. Nagkabukol ka pa tuloy gawa ko."
"Hindi. Okay lang yan. Bukol lang yan."
"Teka lang ha. Kukuwa ako ng yelo para mawala na agad yan."
"Ee ikaw? Wala ka bang bukol?"
"Meron man o wala, wala na akong pakelam. Mas mahalaga ngayon ang mawala yang sayo."

Dahil wala na akong magagawa. Tumango na lang ako sa kanya at akma na sana siyang aalis ng biglang magsalita ang mga may saltik naming mga kasama.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now