(71) Empress

1.4K 48 4
                                    

Raxelle's P.O.V

Namayani ang katahimik sa pagitan namin at ni Guido. Wari mo'y nagpapakiramdaman kami kung sinong unang kikilos at susugod. Nagpapalitan din kami ng Warriors ng tingin. Parang nag-uusap ang aming mga mata sa mga dapat gawin.

"Haaaay." Nabasag ang katahimikan ng buong paligid ng magpakawala ng malalim na buntong hininga si Guido. "Magtititigan na lang ba tayo? Akala ko ba malalakas kayo? Ano to? Lokohan?!" Tsssss. Mayabang.
"Huwag kang masyadong atat Guido. Baka mapabilis rin ang pagkamatay mo."- Mackie
"Binibigyan ka lang namin ng pagkakataon na namnamin ang natitirang oras mo."- Maddison
"Kaya sa halip na magreklamo ka, magpasalamat ka sa amin."- Renz
"Magpasalamat? Para saan? Para sa kahinaan nyo? Kung wala rin naman din kayong gagawin, hayaan nyo na lang kunin ko ang mga bagay na dapat ay matagal ko ng kinuha sa inyo."- Guido
"Anong ibig mong sabihin?"- Jed

Sa halip na sumagot...dahan-dahang lumapit sa akin si Guido kaya automatic akong napaatras at lumapit kay Jed.

"Raxelle...hindi mo pa rin sinasabi sa kanila kung sino ka at ano ka talaga?"- Guido
"MANAHIMIK KA."
"Bakit? Natatakot ka bang layuan ka nila?"- Guido
"SINABING TUMAHIMIK KA."
"Huwag mo akong sigawan. Hindi ka man lang ba tatanaw ng utang na loob sa akin dahil humihinga ka ngayon."- Guido
"AYAW MO TALAGANG TUMIGIL HA. ETONG SAYO." Agad akong naggenerate ng itim na bolang apoy sa kanang kamay at mabilis ko itong inihagis papunta sa pwesto niya sa pag-aakalang mapupuruhan ko siya dahil dito pero isang hawi lang ng kamay niya ay sa ibang pwesto na tumama ang bolang apoy na ginawa ko. "Sheeez."
"Yan ba ang igaganti mo sa buhay na ibinigay ko sayo."
"TUMAHIMIK KA. HINDI IKAW ANG NAGBIGAY NG BUHAY KO. WALA AKONG UTANG NA LOOB SAYO. HALIMAW KA." Galit na galit ako sa kanya. Bakit ba ipinagpipilitan niya na siya ang may bigay ng buhay ko. Anong gusto niyang palabasin? Na kagaya niya ako? Ha. Kahit kailan hindi ko ginustong maging kagaya niya.
"Ang sakit mo namang magsalita. Hindi mo man lang ba ako igagalang." Asar talaga.
"Raxelle..." Nakaramdam ako ng paghawak sa balikat ko at duon bumungad sa akin ang magkahalong pagtataka at pag-aalala sa mukha ni Jed. Mukhang hindi ko na mapipigilan pa ang pagkabunyag sa tunay kong pagkatao at pinagmulan. Mukhang kailangan na nilang malaman ang totoo.
"Patawarin nyo ako kung hindi ko sinabi ang totoo. Patawarin nyo ako kung natakot ako na baka magalit kayo sa akin o layuan nyo ako kapag nalaman nyo na kung ano talaga ako."
"Anong ibig mong sabihin?"- Jed
"Kaya kami naiiba ni Papa...iyon ay dahil...hindi nyo kami kagaya ng pinagmulan."
"Teka. Bakit parang ang gulo?"- Renz
"Panong iba ng pinagmulan?"- August
"Si Papa ay binuo mula sa dugo't laman ni..." Ayoko talagang sabihin to. Hindi ko kaya. "ni Guido."
"ANO?"

Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng reaksyon nila. Mula sa pagtataka naging pagkabigla. Hindi ko sila masisisi. Nakakagulat naman talaga na ako...na Superior nila ay nagmula sa panig ng kalaban nila.

"Ibig sabihin...galing ka rin sa dugo't laman ni Guido?"- Mackie
"Yun ang sabi niya. Pero hindi. Galing ako sa dugo't laman ni Jerelle at Rex. Dugo't laman na walang bahid ng kademonyohan, hindi kagaya ng isang yan." Sabay turo ko kay Guido. "Hindi kayang tanggapin ni Papa na si Guido na ubod ng sama ang pinagmulan niya kaya umanib siya sa Enchanted at nilaban siya."
"Pati pala ang pagtataksil ng iyong ama ay ikuwento mo na. Magaling. Magaling. Magaling."- Guido
"Baliw ka."
"Sa tingin mo ba hahayaan ko na lang na basta mo rin talikuran ang pinagmulan mo? Hindi ako makakapayag na matulad ka sa taksil mong ama."- Guido
"At anong ibig mong sabihin?"

Wala akong sagot na narinig mula sa kanya. Bagkus ay tumawa siya ng ubod ng lakas atsaka itinapat ang isang kamay niya sa akin.

"Anong gagawin mo kay Raxelle?" Sinubukan akong sanggahan ni Jed mula kay Guido pero agad siyang umangat sa ere at tumalsik papalayo sa akin.
"JED."

Naalarma nun ang mga kasamahan ko kaya maski sila ay sinubukan akong lapitan pero kagaya ni Jed...tumalsik sila papalayo sa akin.

"WARRIORS." Napasigaw na lang ako sa bilis ng pangyayari. Lahat sila nakahiga ngayon sa lupa at dahil sa lakas ng pagkakabagsak nila, mababakas mo sa kanila ang sakit na iniinda nila ngayon. Magbabayad ka Guido. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa kanila. "Walang hiya ka." Walang ano-ano kong sinugod si Guido pero hindi pa man ako nakakalapit sa kanya, naramdaman ko ang matinding pagsikip at pagsakit ng dibdib ko.

Rise of the WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon