(39) Mystery

2.6K 108 1
                                    

*** P.O.V

I halt few meters away from the cave where the warriors stay. I don't want them to be disturb by my presence. I am purposely here to help the one who needs me the most.

Its already 12 midnight so it is certainly obvious that they are already asleep.

With my right hand open facing the front part of the cave, a flash of light came from nowhere.

"Oras na." I whispered as I enter.

"Arrrrr." She seems to be affected by the light I brought. I feel sorry for her but it is not my intention to bother her but to help her instead.
"Long time no see. Kamusta ka na?"
"Arrrrr."
"Hindi ka ba matutulog kagaya nila?"
"Arrrrr."
"Mukhang kailangan mo talaga ang tulong ko, hindi ba?"
"Arrrrr." I want to laugh hard because of our conversation. It is a total non-sense convo by a Human and a Zombie.
"Di ba manggagamot ka? Bakit hindi mo gamutin ang sarili mo kesa nahihirapan ka ng ganyan?"
"Arrrrrr."
"Ayy oo nga pala. Hindi mo na naaalala ang dating buhay mo. Hayaan mo tutulungan kita pero balang araw, susuklian mo ang gagawin ko para sayo."

I opened the bottle of liquid mixture from my pocket and put the substance on her mouth.

"Isang araw yan bago umepekto pero sigurado akong epektibo yan." I tap her head and stand after it. "Goodbye and see you again soon Casie."

---

Mackie's P.O.V

Kahapon lang kasama pa namin siya pero ngayon eto na siya, isang nilalang na kung mapapakawalan siguradong susunggaban kami agad.

May napansin lang ako kay Casie ngayon. Parang may green na likido sa may bandang labi niya. Gusto ko sanang tingnan ng malapitan kung ano yun kaya lang baka sunggaban niya ako.

"Kamusta na siya Mackie?"
"Oh Maddison. Tapos na ba kayo sa ginagawa nyo?"
"Oo ee. Bukas na bukas rin daw tayo aalis dito sa kweba para magpatuloy sa paglalakbay."
"Ganun ba?" Ibig sabihin nito, hanggang bukas na lang namin makakasama si Casie.
"Mukhang maiiwan na natin si Casie dito bukas."
"Mukhang ganun na nga Maddison."

Tiningnan namin si Casie na nakatingin din sa amin ngayon. Ano kayang iniisip niya? Nakikilala pa ba niya kami? Sana lang alam ko kung ano ang kailangan niya para matulungan ko siya.

Sa pagbalik ng mga kasamahan ko, napansin din nila ang kulay berde sa may labi ni Casie. At inakusahan ako ng kung anu-ano.

"Hoy Mackie, anong pinakain mo kay Casie ha?"- Renz
"Anong pinagsasabi mo?"
"Oo nga Mackie. Nawala lang kami kung ano-anong na agad ang pinaggagawa mo kay Casie."- August
"Dumagdag ka pa. Batukan ko kaya kayo."
"Ee ano yan?"- Renz
"Malay ko. Napansin ko lang din yan pag-alis nyo."

Nilapitan ni Jed si Casie kaya naalarma kami nila Renz.

"Oy oy Jed, anong ginagawa mo?"- August
"Baka masunggaban ka ni Casie tapos hindi namin siya mapigilan. Siya ka."- Renz

Para siyang walang naririnig at hinawakan ang parte na may likido. Mukha siyang sirang tinitigan ito atsaka tumingin sa amin na parang may gustong sabihin pero wala siyang sinabi na kahit ano at lumabas bigla ng kweba.

"Napano yun?" Napakibit balikat na lang ako. Nasisiraan na ata yun.

---

"M-Mackie..."
"M-M-mackie.."
"M-Mackie..."

Hmmmm?

"M-Mackie..." Sino yun?
"M-Mackie..." Panaginip ba to? Sinong tumatawag sa akin?
"M-Mackie..." Raxelle?

Dahil sa pag-aakala kong bumalik si Raxelle, napamulat ako at nagpalinga-linga sa paligid.

"M-Mackie..." Imposible ito. Ngumiti siya sa akin kahit na medyo nahihirapan dahil sa sitwasyon niya. Nananaginip ba ako? Baka naman natutulog pa rin ako.

Rise of the WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon