(33) Missing Her

3K 99 0
                                    

Ro's P.O.V

Two weeks had passed pero hindi pa rin ako pinapansin ni Mackie and still, he's mad at me. I don't know his reason why he's putting the blame on me. I only did what I want to. If he acting that way then I am too.

"Dalawang linggo na rin." Sabay upo ni Casie sa tabi ko. "Dalawang linggo na tayong walang balita kay Raxelle. Nasan na kaya siya?" Why all of the sudden sinasabi niya to sa akin?
"Who knows?"
"Ro, pasensiya ka na kay Mackie ha."
"You don't have to apologize in his place."
"Hindi. Dapat akong humingi ng sorry sayo since naiintindihan ko ang side ni Mackie as well as your side. He maybe too harsh para ibunton ang lahat pero..."
"Pero?"
"He just did that because he loves her that much." Sabay yuko niya.
"May problema ba?" Humarap siya sa akin at pekeng ngumiti.
"Wala naman."
"Liar."
"Ha?"
"I said Liar. Its obvious that you have but you're pretending na wala. Common, spill it."

Huminga siya ng malalim tapos tumingin sa langit.

"I have a relationship commitment, right? Pero bakit ganto? Bakit parang nahuhulog na ako sa kanya? I rejected him coz I have one pero yung puso ko patuloy na nahuhulog sa kanya. I try to avoid him and I also try to stop this feeling pero hindi ko kaya. I loved Kiel pero  ...."
"Mahal mo na siya?" Tumahimik siyang bigla. "You said you loved Kiel pero that was before. And now, you love someone else but not him anymore."
"Di.ba mali?"
"Well..." Nagkibit balikat ako. "In Kiel's side, Oo. But kung siya talaga ang laman ng puso mo, hindi mo madadaya ito."
"Pero huli na ee. Huli na ako." Ngayon nakita kong pumapatak ang luha niya. Marami ba siyang pinagdadaanan na hindi namin alam? "Iba na ang gusto niya. Iba na ang mahal niya."

Nasaktan din ako para sa kanya. Alam ko ang pakiramdam ng may mahal ka pero iba ang mahal. It's a one side love. Lecheng one sided na yan. Nauso pa. - -

"Naiintindihan kita. We're on a same spot. Kaya natin to."

She's too lucky to have two man in love with her. Wala man siya dito pero yung puso nung dalawa mananatiling sa kanya. And I hate the fact na wala akong magawa para makuwa ang lalaking mahal ko. I hated her for making me feel this way but I never wanted na mawala sya sa amin. Even though, hindi ko siya napakitunguhan ng maayos, she's still my friend. At sa maniwala kayo o hindi, totoo yan. Siguro, nadala ako ng selos kaya marami akong nasabi sa kanya at isama pa na gusto ko talagang mailabas ang lahat sa kanya. I regret saying those things to her pero wala na akong magagawa kundi ang tanggapin ang mga kabayaran sa mga sinabi at ginawa ko.

Mackie is mad at me and now HE's cold at me. Pano ko pa makukuwa ang puso niya kung isa ako sa dahilan kung bakit nawala ang taong mahal niya? This is a bullsh*t. I really hate love. - -

---

Mackie's P.O.V

Its been two weeks. Nasan ka na ba? Dalawang linggo na oh. Wala ka bang balak bumalik? Miss na miss na kita.

Nasanay ako na mamuhay araw araw na kasama siya. Ang hirap tuloy ngayon dahil hinahanap-hanap ko ang presence nya. Sa bawat minuto na inilalagi ko dito, hindi siya mawala sa isip ko. Ayokong isipin na wala na siya kaya naman, patuloy akong umaasa na isang araw babalik siya.

Alam kong mali ako dahil nagalit ako kay Ro pero siguro inilabas ko lang yung matanggal ko ng kinikimkim. Kahit ano pang dahilan nya, parang hindi naman sapat yun para sabihin niya ang masasakit na salitang iyon kay Raxelle. Hindi ko siya sinisisi sa nangyari kay Raxelle pero naiinis ako dahil nung nandito pa si Raxelle hindi ko siya magawang ipagtanggol kay Ro. Naiinis ako sa sarili ko kasi wala na akong pagkakataon para ipagtanggol siya.

"Mackie."
"Hmmm?"
"Maghanda na daw tayo para sa susunod na pagsubok." Sa halip na sumagot, tinanguan ko lang si Casie.

Aist. Hindi na naman ako makausap ng matino. Simula nung nawala si Raxelle, hindi na ako gaanong nakikipag-usap sa kahit na sino sa kanila. Alam ko sa sarili ko na malaki na ang pinagbago ko at dahil yun sa pagkawala ni Raxelle.

Rise of the WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon