(19) The Training Ground

5K 132 0
                                    

Come to think of it, I am really blessed coz God given me another chance to do what I promised to my mom. Sabi ni Mackie, wag ko na daw hayaang masayang yung chance na binigay sakin para matupad ko ang pangarap at pangako ko. He also said that I shouldn't think about others selfish commentary about the Elders' decision. Sinubukan ko na daw na i-give up ang lahat ng pinaghirapan ko for them pero in return they treated me wrong and acted as if I am blaming them for my acts. I was about to defend them but Mackie told me not to do so. Tama na daw. Sarili ko naman daw ang isipin ko. Kaya eto ako ngayon, iniimpake lahat ng kakaylanganin ko.

"Wala ka naman bang balak na dalhin ang buong bahay mo sa pupuntahan natin?" Tiningnan ko lang siya ng masama at siya naman tinawanan ako. "Tingnan mo ang bag mo. Daig mo pa ang maglilipat bahay ee."
"Just zip your mouth and start moving." Kumamot siya sa ulo niya at ngingiti-ngiting naglakad.

Pakilamero talaga tong isang to ee. Di naman siya yung nagbibitbit tas siya pa tong reklamador. Wait, di pala siya nagrereklamo. Overacting lang ako. Aist.

"Okay next warrior. This day, magsisimula na ang training nyo. And I forgot to tell you na tapos na ang first part ng test nyo."
"Aling part Ma'am?" tanung ni Ro.
"Oo nga Ma'am. Parang wala kaming natatandaan na test na ginawa namin bukod sa mga written test." Takang sabi ni August.
"Exactly. Yun yung first part. Ang Intellectual Competency Examination. Dun malalaman ang husay at galing ng mga mapipiling warriors in term of Intelligence. At kayong siyam ang nagexcel."
"Aa. Husay ko talaga." Sabay lagay ng kamay sa ilalim ng baba ni Renz.
"Hangin." Sabay akto ni Maddison na para siyang nadadala ng hangin.
"Madd." Suway naman ni Lei.
"So are you ready Warriors?"
"Soon-to-be-warriors Ma'am." Pagtatama naman ni Ro.
"Pareho lang yun Ro aa." Puna ni Casie.
"It's the present at future situation Casie. Magkaiba yun." Pagtatama ulit ni Ro.
"Tsk. Daming issue sa buhay." Sabay lakad ng bored na bored na si Jed.

Napailing na lang si Ma'am at nagsimula na ring maglakad.

"Exciting hahahaha" with matching palakpak pa. Seriously. Anong exciting dun? Mukhang hindi magandang pagsamahin kaming siyam. Bukod sa madaming side comments ang mangyayari dahil sa matatalino ang mga makakasama ko, mukhang tama si Jed, ang dami nilang issue sa buhay. Bukod sa amin ni Mackie mukhang si Lei at Maddison lang ang magiging magkasundo. Goodluck sa amin.
"Baliw." Sabay siko ko kay Mackie at naglakad na din.

Siguro mga 10 minutes na kaming naglalakad pero wala pa rin kami sa pupuntahan namin. Saan na ba to?

"Pinakadulo na to ng Enchanted."
"Ha?"
"Sabi mo, saan na ba to di ba. Sinagot ko lang."
"Sinabi ko ba yun." Hala. Sa isip ko lang yun sinabi aa.
"Paranoid lang."
"Hindi aa. Kakaano ka talaga. Diyan ka na nga." Kakainis tong si Mackie. Di makausap ng matino.
"Nandito na tayo."

Sabay sabay kaming napatigil sa paglalakad at napatingin sa harapan namin.

"Seriously. Puno?" - Ro
"Ma'am. Anong gagawin namin sa punong yan, Titibagin?" - Renz
"Ikaw nakaisip bat di mo simulan." - Maddison
"Aba aba aba. Nakakahalata na ako aah. Kanina ka pang nambabara jan. Inaano ba kita?" - Renz
"Wala naman. Type ko lang." - Maddison
"Hep hep hep." - Lei
"Hoooray?" - August. Tong si August may masabi lang ee.
"Tsss. Madd, izipper mo na nga lang yang bibig mo. Naghahanap ka ng gulo ee." - Lei
"Hoy Lei Davids. Anong gulo? sa bait kong to." - Maddison
"Bait? Asang banda ang bait?" - Renz
"Aba. Ikaw ata tong naghahanap ng gulo aa." Sabay taas ng sleeves ng damit niya habang sinusuntok suntok ang kamay niya.
"Ano? Papalag ka?" - Renz
"Ano.Ano." sabay akto ni Maddison ng parang manununtok.
"Ingay" - Jed

I was about to speak ng biglang may tumamang mga maliliit na bato kina Maddison at Renz. Sabay silang napatingin kay Mackie na nakaturo kay Ma'am.

"Inutusan lang ako ni Ma'am." Hahahaha xD. Ang epic ng reaksyon nilang dalawa. Napatingin ako kay Lei, August at Casie na pare-parehong nagpipigil ng tawa, si Ro naman napailing lang habang si Jed, walang sa mood na nakatingin sa dalawa. Araw-araw ata may dalaw tong isang to.

"So pwede na ba akong magsalita?" Sabay sabay kaming tumango kay Ma'am. "As I was saying, nandito na tayo. Sa paningin nyo, isa lang yang ordinaryong puno pero sa likod niyan nandun ang tunay na destinasyon natin, ang TG o Training Ground." Bigla niyang minove ang kamay niya from left pataas then right yung parang kumaway pero nakataas tas slow motion. Ganun.

Nanliit yung mata namin dahil biglang lumiwanag. Medyo nakakasilaw. Pagkatapos nun, may lumabas na portal.

"Portal? Nagkaron ng portal without even uttering a spell." Manghang sabi ko.
"Yes Ms. Clarkson. In your case, madami kang pwedeng gawing portal with you making a spell pero in this case, Enchanted Authorities may open this portal whenever they want basta authorized sila." Ang galing. "So let's go."

Isa-isa kaming pumasok at namangha ako sa nakita ko. Pure green. Ang ganda. Parang planet green.

"Ito ang TG. Doble ng Enchanted ang laki nito. isa itong kagubatan na binubuo ng puno, talon, ilog, lawa, mababangis na hayop, maiilap na hayop, magagandang bulaklak at halama at marami pang iba. Maraming pagsubok ang nakaabang para sa inyo once na nagsimula na ang training nyo."
"San kami titira Ma'am?" - Mackie
"Follow me. Tuturo ko sa inyo." Kagaya ng sinabi niya naglakad kami kasunod niya and we ended up looking at a medium size house. "Dito kayo maninirahan hanggang nasa training kayo. Ito ang Boundary." Isa- isa kaming pumasok sa Boundary at laking gulat namin ng makitang plain lang ang loob nito.
"Kusina, banyo at isang kwarto? eto na lahat ang laman ng bahay na to?" - August
"Yes Mr. Mellark. Expected ko na ang ganyang reaction. Lahat ng pumupunta at nagtetraining dito yan ang unang reklamo. But isn't it nice?" Nagjojoke ba tong si Ma'am. Anong nice dito. Tsk. "Sa kwartong yan kayo lahat matutulog. May mga carpet, unan at kumot na pwede nyong gamitin. Tapos sa kusina nandun na lahat ng kailangan nyo pwera sa pagkain, you will provide your own food in your own way. Sa banyo naman, parang yung banyo nyo lang sa Enchanted walang pinagbago. And by the way, ipinagbabawal na gumamit ng kapangyarihan sa training na ito."
"WHAT?" sabay sabay na sabi ni Casie, August, Renz, Mackie, Maddison, Ro at Lei. Kaming dalawa ni Jed walang reaksyon.
"Siguro naman narinig nyo ang sinabi ko. Bawal gumamit ng powers even in hard times. Kung nasa panganib kayo, protect yourselves by using your intelligence at diskarte. Kanya kanyang paraan nyo na kung pano kayo makakaligtas. And once na lumabag kayo sa pinag-uutos ay mapaparusahan kayo. There are warnings once you attempt to use your powers and even when you used your power pero pag sumobra na sa limitation, pwede kayong tanggalin as the next warrior. Nagkakaintindihan ba tayo?" kahit labag sa loob, sumagot sila. "Good. Mukhang walang problema kay Mr. Matthews and Ms. Clarkson. So sa inyong pito, watch your actions, nakikita namin kayo. All your actions are recorded. Misbehavior equals to punishment. So Goodbye Warriors and Goodluck." And with that, iniwan niya kaming nakatunganga habang nagsisink-in pa lang ang lahat ng sinabi niya.

So great! No Powers plus the Exceptional Learners. Okay lang yung sa powers pero yung makasama lahat ng E.L, ibang usapan na yun.

***

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now