(35) Catnap

3K 96 2
                                    

Ro's P.O.V

After that incident, we forced ourselves not to believe in what we have seen. Inisip namin na imagination lang yun or cause ng pagkamiss nila kay Raxelle. Pero bakit hindi sya nagpakita sa akin? Why she chose to be in my dream rather than to be here in front of me? Is she mad or something? But who knows, lahat kami naguguluhan.

Hindi namin sinabi kay Ma'am ang nangyari sa amin. We will keep it for a long time. Ilang buwan na rin kaming sumasabak sa pagsubok physically. We are trained to use swords or anything rather than our own power. Masasabi ko na, we are better than before. Marami kaming nakaharap na mga halimaw na natalo namin. Na-work din ang cooperation ng bawat magpartner still naiilang pa rin ako sa partner ko.

For past trials, sinabi ko kay August na I don't want him to protect me against those monsters. Gusto ko ay ako ang poprotekta sa sarili ko. Hindi porque gusto niya ako, he will make himself oblige sa kaligtasan ko. I admit, he is a good looking kind-hearted man. He's gentleman also. But I never had this feeling na nahuhulog sa kanya. I'm still into HIM.

"Warriors. This would be
your last day here on Purgatory. We decided na tapusin na ang inyong second task since you're all trained. But remember, once there's an ending a new beginning will definitely arrive. Go pack your thing and we'll bring you to your next task." After that, nawala na ulit siya.

Sinunod namin ang utos ni Ma'am at agad na pinack ang mga gamit namin, since kaonti lang ang mga ito ay madali naming natapos ang pagpa-pack at inintay na lang namin ang pagdating ni Ma'am.

"Warriors." We automatically faced Ma'am and wait for her next words. "Pumasok kayo sa portal na lalabas sa harap nyo. Your next destination will be on this portal. Pagkarating nyo dun ay may lalabas na monitor kung saan mababasa nyo ang panibagong task nyo. Goodluck Warriors and please be safe."

---

We're on our way patungo sa next destination namin. Akala namin after naming makapasok sa portal ayun na agad ang destination but we're all wrong. Sa pinaka gitna ng gubat ang sunod na Semi-Boundary namin.

"What a mess." Tiningnan ko ang sapatos kong sobrang putik. Bakit ba kasi ang puti-putik dito. Hindi naman umulan pero ganto dito. Asaaar.

Medyo nauuna sila sa akin dahil binabagalan ko ang paglalakad ko. Unexpectedly, nadulas ako at ramdam ko na babagsak na ako sa maputik ng daan pero hindi nangyari yun.

"Magdahan-dahan ka sa paglalakad mo."

Dug.dug.dug.

"Ha? O-okay." His eyes, ang ganda. Dahan-dahan niya akong hinila para makatayo na ako ng maayos. His hand touching mine. Kakaiba sa pakiramdam.

After nun, binitawan niya na ako at nagsimula na ulit maglakad.

"It will be hard to me." Bulong ko sa sarili ko. Sa mga nakalipas na araw, I tried to forget about my feelings for him. Hindi ko siya pinansin or kinausap kahit na gusto ko tong gawin. Inisip ko na She'll never be replaced, na I'll never be on his heart. Palagi kong isinasaksak sa isip ko na masasaktan lang ako pagpinagpatuloy ko ito pero because of this interaction, mukhang nawalan ng saysay ang mga ginawa ko. My heart beats became unordinary which only prove na I still like him.

Pagkarating namin sa Catnap, yan ang sinabing pangalan ng lugar na titigilan namin, inayos na namin ang mga gamit namin sa nakahandang tent para sa amin.

"Ano kayang sunod na task sa atin?"- Lei
"Sana naman ay madali lang. Miss na miss ko na ang powers ko."- August
"Ako rin."- Renz
"Kelan kaya natin magagamit yun?"- Maddison
"Sana malapit na."- Casie

After that convo, sabay sabay silang nag-sigh, a real deep sigh. I miss my powers too pero ayoko namang sumuway sa rules and regulations dito sa T.G.

Rise of the WarriorsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ