(18) Raxelle Clarkson

5.1K 139 3
                                    

Maraming tanong ang nabuo sa akin matapos ang nangyari. Ang una sa lahat ay kung bakit ko nagawa ang bagay na yun. Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na manakit ng kapwa ko kahit na may gawin silang masama sa akin. Hindi karahasan o paghihiganti ang sagot, pero bakit? Bakit ko nagawa yun?

Habang naglalakad ako papunta sa room namin, ramdam ko ang pag-iwas at paglayo ng holders na nadadaanan ko . Sabi ko na nga ba, mangyayari at mangyayari ito.

Kung dati puro bulungan dahil sa kahinaan ko ang naririnig ko, ngayon bulungan tungkol sa kapangyarihan at ginawa ko.

"Raxelle.." dinaanan ko si Mackie at nagderetso sa upuan ko. Gusto ko siyang iwasan dahil sa ginawa ko. Nahihiya ako sa kanya, nahihiya ako sa kanila.

"Uy Raxelle." Hindi ko pa rin siya pinansin.

"Uy uy." With matching sundot sa braso ko.

"Pansinin mo naman ako."

"Uy uy Raxelle."

Kung pwede ko lang sanang palsakan ng kung ano ang bunganga nito, nagawa ko na. Matigil lang siya.

"RAXELLE CLARKSON"

O.O Watda.

"ANU BA MACKIE?"

"Ee bat kasi di mo ako pinapansin." Sabay haba ng nguso. 

"Tsss. Umiiwas ako, di ba obvious?"

"Ee umiiwas ka?" ay leche. 

"Oo nga."

"Bakit naman?"

"Aist. Basta."

"Bakit nga? Alangan namang walang dahilan."

"Secret. Personal Reason."

"Yan na naman tayo sa personal reason na y-"

"Ms. Clarkson pinapatawag ka sa Elders' Room. Gusto ka daw makausap ng mga Elders." Ayan hahahaha. Edi tumahimik ka din. Si Ma'am lang pala ang katapat mo ee. Pero ano daw? Sa Elders' Room? Haay. Sabi ko na nga ba.

"Sige po Ma'am. Pupunta na po ako."tumayo na ako nun at kinuwa ang bag ko tsaka ko tinapik sa balikat si Mackie. "Pano ba yan, aalis na ako. Diyan ka na hahaha." Paalis na sana ako ng biglang bumalik si Ma'am.

"Nga pala, Exceptional Learners pumunta din kayo sa Elders' Room." Nakaramdam ako ng pagtapik sa balikat ko at pag harap ko, si Mackie nakangisi sa akin.

"Pano ba yan, kasama kami hahaha" ay leche. Nambawi.

Habang nasa daan kami papunta sa Elders' Room, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba sa pagharap sa Elders at hiya sa Exceptional Learners dahil sa ginawa ko.

"Grabe. Ganun pala ang kapangyarihan ni Raxelle. Buti na lang hindi natin siya ginawan ng masama."

"Oo nga. Baka magaya tayo sa mga Holders na nasa Heal Station."

"Nakakatakot siya."

"Kung dati nilalayuan siya dahil mahina siya, ngayon nilalayuan siya dahil kinatatakutan na siya."

"Nakakatakot siya."

Hay sige, Pagbulungan nyo lang ako. Kunyari na lang hindi ko naririnig.

Pagkapasok namin sa Elders' Room.

"Raxelle Clarkson.."

"Po?"

"Maupo ka dito sa upuan kaharap namin at kayo Exceptional Learners, maupo muna kayo diyan, mamaya tayo mag-uusap tungkol sa training nyo."

Kagaya ng sinabi ng Babaeng Elder, naupo ako sa harap nila at ang mga Exceptional Learner naman sa mga upuan sa likod ko.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now