(28) The Beginning

3.7K 115 3
                                    


"Bakit ba siya inis na inis sa kahinaan ko? Hindi ko na alam kung pano ako makikitungo sa kanya. Ano kayang problema niya? Aist." Sabay hagis ko nung batong hawak ko sa ilog.
"Nandito ka na naman?"
"Ayy tikbalang."
"Alam mo masama ka talagang gulatin. Kung ano ano na ang tinatawag mo ee."
"Bakit ka ba kasi nanggugulat? Atsaka anong ginagawa mo dito?"
"Sinundan ka."
"Bakit ba ang hilig mo akong sundan? Nag-aalala ka?"
"Wag kang mangarap. Nag-aalala sila sayo kaya sinundan kita."
"Pwede namang si Mackie na lang ang sumunod sa akin."
"Napakapilian mo. Buti nga sinundan ka pa. Tsssk."
"Bat ang init agad ng ulo mo?"
"Bat ba kasi ang pilian mo?" Sabay upo niya sa tabi ko.
"Tsssk."

Kaasar tong isang to. Akala ko pa naman nagmamagandang loob na siya. High blood palagi.

"Hoy."
"May pangalan ako."
"Alam ko. Basta, hoy..."
"Tawagin mo ako sa pangalan ko."
"Ang arte naman neto. Hoy, Jed. Ano pwede na?"
"Oh bakit?"
"Bumalik ka na nga dun sa Boundary. Gusto ko sanang mapag-isa."
"Ayoko."
"Istorbo ka ee. Balik na kasi dun."
"Ayoko sabi."
"Aba. Ee bumalik ka na kasi dun."sabay bahagyang tulak ko sa kanya.
"Hindi ikaw ang masusunod dito."
"Alam ko, pero pakiusap, bumalik ka na dun. Gusto kong mapag-isa. Please."
"Hindi pwede."
"Jed?"
"Ayoko."
"Jed nam-"

O__________O <-------- Ako yan

"U-uy. J-jed?"
"Ayokong umalis ng mag-isa."
"Ee k-kasi...."
"Habang pinipilit mo akong umalis mas lalo kong gustong samahan ka."
"B-bakit?"
"Nag-aalala ako sayo."

Dug dug dug dug.

"S-sige. Pero pwede bang bitawan mo ako?"
"Ngayon lang to."
"N-nahihiya kasi ako. Atsaka b-baka may makakita. Ma-misinterpret pa nila."
"Hayaan mong gawin ko to. Kahit ngayon lang."
"J-jed?"

Dug dug dug dug.

Ano ba kasing problema ng isang to? Nalilito na ako sa mga pinaggagagawa niya. Pwede bang i-explain muna niya bago niya gawin ang mga bagay-bagay?

"Raxelle?"
"B-bakit?"
"Galingan mo ha."
"Ha?"
"Galingan mo sa mga pagsubok. Siguraduhin mong malalampasan mo ang lahat at hindi ka mapapahamak."
"Jed..."
"Hindi ko maiwasang mag-alala sayo lalo na't mag-isa ka. Mangako ka sakin na tutuparin mo lahat ng sinabi mo kay Ro. Patunayan mo sa kanya na kaya mo."
"Oo Jed."
"Nandito lang naman ako kung kailangan mo ng tulong. Hindi kita pababayaan."

Dug dug dug dug.

Jed? Ano ba tong mga sinasabi mo? Ganyan ka ba talagang mag-alala sa mga kaibigan mo? Naguguluhan ako sayo.

"Mag-iingat ka Raxelle."
"S-sige. Salamat."

Bigla na lang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Akala ko mabilis lang pero parang wala siyang balak na bumitaw. Ano ba tong pinaggagagawa niya? Bakit ganto siya? Malimit na niya akong tawaging mahina at tinatawag niya na rin ako sa pangalan ko. Bakit ba nagkakaganyan ka Jed? Bakit nagbabago na yung pakikitungo mo sa akin?

---

"Oh, nandito na sila." Sigaw ni Renz pagkarating namin ni Jed sa Boundary.
"Akala namin nawawala na naman kayo."- Lei
"San ba kayo nanggaling?"- Casie
"Nagpahangin lang.”- Jed
"Kayo ha. Palagi na lang kayong magkasama. Bakit ba ang hilig nyong magsolo?!"- Maddison
"Oo nga no. Sila na naman yung magkasama."- August
"Aa ee. Nagkataon lang na nagkita kami." Aist. Ayoko talaga ng nagsisinungaling.
"Aysus. Nagkataon na naman? Baka sinasadya nyo na ha."- Renz
"Imposib-"
"Posible yun." Napatingin kaming lahat kay Jed. Ano na naman bang pinagsasasabi nya? "Sinundan ko talaga siya."
"Yun naman pala ee. Gusto talagang masolo si Raxelle hahaha"- Renz
"Kayo ha. May nabubuo na ba?"- Maddison
"Ha?"
"Ayiiiieee. May love team na bang nabubuo?"- Casie
"H-hindi aa. W-wala wala."
"In denial pa si Raxelle"- Maddison
"Hindi. Wala nga. Nakakamali lang kayo."
"Aysus."
"Sa kwarto lang ako."- Jed
"Uy Jed, hindi mo isasama si Raxelle. Magsolo ulit kayo  hahaha"- Renz
"Renz..." Nakakahiya na. - -
"Raxelle, gusto mo ba akong samahan?"- Jed

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now