(60) His Dimension

1.8K 68 5
                                    

Raxelle's P.O.V

We've been through a lot of fight with the Black Army pero mukhang hindi talaga sila maubos-ubos. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng Master nila kung bakit habang tumatagal, dumadami ang bilang nila.

"WARRIORS. RETREAT."
"Pero Superior...hindi dapat tayo umatras. Konti na lang sila oh."- August
"He's right. Ngayon pa ba tayo susuko?"- Ro
"Look..." Sabay ilag ko sa atake ng Black Army na kaharap ko. "Kung sa tingin nyo konti na lang sila, nagkakamali kayo. Hindi nyo ba napapansin na kanina pa tayong nakikipaglaban sa kanila pero hindi sila maubos-ubos." Sabay tarak ko ng espada sa puso ng Black Army na kalaban ko.
"Pero..."- Renz
"No buts Renz. Malapit na tayong maubusan ng enerhiya, ayokong may mapahamak. Habang maaga pa, kailangan na nating umalis."
"Tama si Superior. Tingnan nyo oh." Itinuro sa amin ni Mackie ang isang Black Portal kung saan lumalabas ngayon ang dose-dosenang Black Army. Tssssk. Hindi pwede to. Dapat na kaming umalis.
"Warriors, pull back. Gagawa ako ng Portal at agad kayong pumasok duon. I'll stay here to make sure na walang makakalapit na Black Army sa portal pabalik sa kweba."
"Pero Raxelle, pano ka?"- Mackie
"Kaya ko to Mackie. Mabilis lang to. Now, Move."

Kagaya ng sinabi ko, gumawa ako ng portal at isa-isa silang pumasok duon.

I imitated Mackie's ability kung saan gumawa ako ng Barrier paikot sa Portal pero dahil hindi ko gamay to, madali nila itong napabagsak.

"Sheeez." Ginamit ko ang lahat ng natitira kong enerhiya para magsummon ng Halimaw na siyang lalaban sa kanina. At sa paglabas nito mula sa lupa, duon ko naramdaman ang paghila sa akin papasok ng portal. And everything went black.

---

"Raxelle. Anak." Si Yaya.

Nang maimulat ko ang mata ko, medyo blurry pa ang paningin ko kaya hindi ko gaanong maaninag si Yaya. Nawalan na naman ako ng malay. Lagi na lang.

"Nasan po yung iba?" Sabi ko habang umuupo mula sa pagkakahiga.
"Nagpapahinga sila. Mukhang sobrang napagod kayo. Naging maayos ba ang pakikipaglaban nyo?"
"Hindi po Ya. Sobrang dami po ng kalaban kaya umatras po muna kami. Si Jed nga po pala?"
"Nasa may Dining. Kanina pa siyang nakaupo duon. Hinihintay ka daw niyang gumising."
"Hindi po ba siyang nagpahinga man lang?"
"Hindi daw niya magawa dahil nag-aalala siya sayo." Si Jed talaga.
"Ganun po ba."

Nagpaalam muna ako kay Yaya na pupuntahan ko si Jed habang siya, naiwang inaayos ang gamit ko sa kwarto ko.

"Hey." Sabay tapik ko sa balikat niya. "Seryoso mo masyado aa."
"Okay ka na ba?" Saka niya hinawakan ang kamay kong nasa balikat niya.
"Ayos naman ako. Nakapagpahinga na rin naman kaya medyo nabawi ko na yung lakas ko. Ikaw ba? Di ka daw nagpahinga sabi ni Yaya."
"Hinihintay kasi kitang magising."
"Pero dapat natulog ka man lang para mabawi mo yung lakas mo kagaya ko."
"Sinubukan ko kaya lang hindi ko magawa. Kada ipipikit ko ang mata ko, ikaw agad ang pumapasok sa isip ko."
"Aysus. Kasweet." Umupo ako sa tabi niya atsaka ko inintertwine ang kamay ko sa kanya.
"Huwag mo ng uulitin yung kanina ha." Napaharap ako sa kanya sa pagtataka. Anong uulitin?
"ha?"
"Huwag ka ng magpapaiwan. Pwede ka naman naming samahan ee. Pano na lang kung hindi kita nahila kanina edi napahamak ka pa."
"Jed, kung para lang rin naman sa inyo, okay lang. Ano pa't ako ang Superior nyo kung hindi ko kayo poprotektahan? Responsibilidad ko yun. Ang panatilihin kayong ligtas."
"Ee pano ikaw? Hahayaan mong mapahamak ang sarili mo?"
"Jed, imortal ako baka nakakalimutan mo. Pwede lang akong mamatay kung ibibigay ko ang imortalidad ko sa iba."
"Ibibigay?"
"Oo. Kapag binuhay ko ang isang patay, mababawasan ang porsyento ng pagiging imortal ko."
"Ibig sabihin, pwede mo akong iwan?"
"Oo Jed. Pero huwag kang mag-alala. Habang nabubuhay ako, mananatili ako sa tabi mo. Hinding-hindi kita iiwan."
"Pangako?"
"Pangako." Hinalikan niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya at isinunod niya ang noo ko. Forehead kiss is my favorite kind of kiss. Genuinely made my heart skip a beat.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now