(74) Awakened

1.4K 56 2
                                    

'You're a Warrior. Warriors don't give-up and they don't back down. Pick up your sword and shield and fight.'

---

"LEI..."
"HINDI TO PWEDE. LEI LUMABAN KA. PAKIUSAP...HUWAG MO AKONG IIWAN."
"LEI TIBAYAN MO ANG LOOB MO."
"HUWAG KANG BIBIGAY LEI. KAYA MO YAN."

May mga boses akong naririnig.
Mga boses na pamilyar sa aking pandinig.
Bakit ang mundong ito ay tila yumayanig?
Kasabay ng puso ko na may mabilis na pagpintig.

Sinubukan kong idilat ang mga mata ko na siyang magbubukas sa aking kamalayan pero wala akong makita dahil ako ay nasa isang madilim na lugar. Napakadilim na lugar. Lugar kung saan, wala akong kasama. Lugar na tanging ako lang ang maaaring makapunta.

"LEI...GUMISING KA. LEI..."

Nasaan ba ako?
Anong klaseng lugar ito?
Bakit wala akong makita na kahit ano?
Bakit tanging ako lang ang naririto?

Napakadilim. Napakalamig.
Sinusubukan kong painitin ang sarili sa sariling kong bisig.
Walang ibang maririnig kundi ang aking himig.
Ito ang tinig na bumabalot sa buong daigdig.

Ngunit sa pagkakataon na ito ay may mga tumatangis.
Mga boses ng taong naghihinagpis.
Nagbabadya ito ng isang pag-alis.
Pag-alis na kailanman ay hindi nila ninais.

---

Maddison's P.O.V

Anong nangyayari? Bakit nakatapat sa akin ang mga espada? Anong gagawin ko? Paano ko tatakasan to?

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nanlalamig na rin ang mga pawis na pumapatak sa buong katawan ko. Parang nasira ang buong sistema ko dahil wala akong maisip na kahit na ano para matakasan ito. Para akong naestatwa.

"Ngayon...sisiguraduhin ko na mas matindi pa sa pisikal na sakit ang mararamdaman mo dahil kukunin ko ang pinakamahalagang bagay sa buhay mo."

Kausap niya ba ako? Anong ibig nyang sabihin? Anong kukunin niya sa akin?

Pero bago pa man ako makapagtanong sa kanya bigla na lang gumalaw ang mga espada direkta papunta sa akin.

"HUWAG...MADDISON...HINDI..."

Eto na ba? Eto na ba ang katapusan ko?

Dahil wala na akong magagawa...hinintay ko na kang na bumaon sa katawan ko ang matutulis na espada. Siguro nga...hanggang dito na lang ako.

'Goodbyes are not forever. Goodbyes are not the end. They simply mean I'll miss you, until we meet again.'

"I Love You Madd." And a very sweet smile formed from his lips.

No...no...huwag Lei. Hindi...

Sabihin nyo...panaginip lang lahat ng ito hindi ba? Hindi totoo na nagyayari ito. Hindi pwede. Hindi si Lei. Huwag siya. Hindi ko kaya.

"HINDI...LEI..." Buong lakas ko yang isinigaw bago ako tumakbo papunta sa lugar na binagsakan niya. Kasunod ko rin ang iba na kahit hirap ay pinilit na lumapit kay Lei.
"M-Madd..." Agad kong ipinatong ang ulo niya sa hita ko atsaka ko hinawakan ang kamay niya na puno ngayon ng dugo.
"Lei bakit? Bakit mo ginawa yun?" Ayan na...tuloy-tuloy na ang pagpatak nila. Si Lei kasi ee. Nakakainis.
"H-Hindi ko kasi k-kaya na m-makita kang n-nasasaktan. P-patawad Madd k-kung h-huli na bago ako n-natauhan. P-patawarin mo ako." Hirap niyang sabi sa akin.
"Huwag kang mag-alala Lei. Hindi ka pa man humihingi ng tawad, napatawad na kita." Natutuluan na siya ngayon ng mga luha ko. Hindi ko kaya Lei. Please...
"M-Madd...gusto k-kong malaman m-mo na hindi t-totoo ang sinabi k-ko na h-hindi kita mahal. M-Madd...M-Mahal na Mahal K-Kita."
"Lei...huwag mong sabihin yan please. Hindi ko kaya Lei."
"P-Pasensiya na Madd. P-Patawarin mo ako." Natakot ako ng bigla na lang sumuka ng dugo si Lei. Napakaraming dugo.
"Lei hindi to pwede. Lei lumaban ka. Pakiusap...huwag mo akong iiwan."
"Lei tibayan mo ang loob mo."- August
"Huwag kang bibigay Lei. Kaya mo yan."- Casie

Rise of the WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon