(25) Fire coming from the <3

3.5K 109 2
                                    

Naalimpungatan ako ng may pumatak na malamig na bagay sa mukha ko. Tuluyan na akong nagising dahil sa sunud-sunod ang patak nito.

"Jed?"

"Gising ka na pala. Kailangan nating humanap ng masisilungan. Umuulan na."

"Ha? Sige sige." Akmang baba na ako ng pigilan niya ako.

"Wag ka ng bumaba. Pahihirapan mo lang ang sarili mo."

"Pero kanina pa ako nakasaklang sayo, baka kasi pagod kana."

"Okay lang ako. Yumapos ka ng maayos. Tatakbo na ako para hindi tayo mabasa ng sobra. Italukbong mo muna yung jacket."

"Ha? Sige sige." Kagaya ng sinabi niya. Yumapos ako ng maayos sa kanya.

Hindi ko alam, pero biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Hindi naman ako yung tumatakbo pero parang ako yung hinahapo. Medyo inilayo ko sa kanya ang parte ng katawan ko kung nasan ang puso ko para di niya maramdaman ang bilis ng tibok nito.

Sumilong kami sa isang maliit na kweba na nadaanan namin. Di man komportable na manatili dito ee wala kaming pamimilian dahil hindi na rin namin makita ang daan dahil sa sobrang dilim.

"Pasensiya ka na Jed."

"Para san?"

"Kasi nasa ganto kang kalagayan dahil sa akin. Kundi mo ako sinundan hindi ka sana mababasa ng ulan at aabutin ng gabi dito sa gubat."

"Wala na tayong magagawa. Nangyari na ee."

Kahit na hindi pa rin nagbabago yung paraan niya ng pakikipag-usap at trato niya sa akin, masaya na ako dahil pakiramdam ko, kaibigan ko na siya.

---

Ilang oras na rin kami dito sa kweba pero tila hindi na titigil pa ang ulan. Sa halip na humina siya lalo siyang lumalakas kasabay ng paglakas ng hangin.

Hindi ko maaninag ang itsura ni Jed dahil sa sobrang dilim. Hindi ko din alam kung anong kalagayan niya. Kung nilalamig ba din siya na kagaya ko.

Nagulat ako ng biglang may mainit na bagay na humawak sa kamay ko.

"R-raxelle..."

"Jed?"

"A-ang l-lamig."

Naalarma ako dahil sobrang init nung kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Agad kong inilagay yung kamay ko sa noo niya kahit na hindi ako sigurado kung noo niya ba talaga yung nahawakan ko.

"Pisngi ko yan."

"Ha? Aa ee. Sorry. Di kasi kita makita."

Dug.dug.dug.dug

Ano bang problema ng puso ko? Hinawakan lang namin ni Jed yung kamay ko aa. Tskk. Kainis. Hinahapo na naman ako.

"Eto ang noo ko."

"Grabe Jed. Ang init mo. Uso din pala sayo ang sakit?!"

"Anong palagay mo sakin, waterproof?"

"Tsssk. Teka, gagawa lang ako ng apoy."

Akmang tatayo ako ng biglang niya kong pinigilan.

"Pano mo gagawin yun, ee wala ka na,ang kapangyarihan na katulad ng sa akin atsaka bawal gumamit ng kapangyarihan dito, di ba?"

"Hindi ko naman kailangan ng kapangyarihan ee. Wait lang. Ako ng bahala."

Hinubad ko yung jacket niya sa akin atsaka ko ibinalot sa katawan niya.

"Mas kailangan mo yan." Kahit na alam kong di niya makikita, ngumiti ako sa kanya.

Mabilis akong lumabas sa kweba at tumakbo papunta sa puno na malapit sa amin. Medyo naaninag ko pa siya dahil sa konting liwanag na nagmumula sa buwan. 

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now